--* KINABUKASAN MAAGA AKO NAGISING paglingon ko sa aking katabi ay wala na si Inang at mukhang bumangon ng maaga. Bumangon ako sa higaan at lumabas ng kwarto. Kaagad akong nagtungo sa taas para puntahan si Julio ngunit wala si Tanda kaya napakunot ako ng nuo. " Saan 'yun?" Pumunta ako sa may terrace saka binuksan ang glass na door. Nakuha ko ang idea na iyon kasi glass door 'din ang pintuan ng terrace ni Julio kaya naman pinasadya ko. Kasi gusto ko rin ang gano'n ang pintuan dahil nakakayaman siyang tignan. Lumabas ako at natanaw ko agad ang dagat. Hindi ko naiwasan mapangiti dahil ang ganda ng tanawin. Sarap gumising sa umaga tapos titingin ako sa dagat dahil ang ganda niyang tignan. Wag lang umepal ang mga kapitbahay namin. Pinsadya kung magpalagay ng terrace tapos tapat pa ng dagat

