--x AFTER NAMIN MAG-ALMUSAL NI JULIO ay pinaakyat kona siya sa taas at ako na ang magliligpit sa kusina. Hinugasan ko ang mga saka pinunasan ang sahig. Maganda na rin ang kusina namin ngayun. Hindi na siya tagpi tagpi katulad noon. Kaya nga marami ng naiinggit samin at palagi kaming pinag-uusapan. Kesyo pumatol daw ako sa matanda na mayaman at may asawa na. Hindi kona lang sila pinapansin basta wag lang nila ipaparinig dahil magkakagulo talaga kami. Pinangarap ko lang noon na sana mapaayus ko lang ang sira sira naming bahay. Pero ngayun, hindi lang basta ayus lang dahil ang ganda na ng bahay namin at bato na. Hindi katulad noon na kahoy lang tapos butas pa ang bubong. Ngayun ay may maayus ng bahay ang mahal kung ina. Hindi na siya mababasa kapag umuulan at hindi na ako mag-aalala kapag

