--x NAGKATITIGAN PARIN KAMI NI JULIO habang kumakabog parin ang aking puso dahil sa kaba hanggang sa marinig ko ang boses ni Betty. " Labas na." Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Betty at mabilis na binuksan ang pintuan. Nakita ko nga ang kaibigan habang mag-isang nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto. " Takot kayo no?" Pang-aasar pa nito habang nakangisi. Hindi ko siya pinansin at pinalabas na si Julio bitbit ang basket na may lamang hanger. Lumabas na rin ako saka sinamahan si Julio patungo sa likod para ibigay ang hanger kay Inang. Mabilis lang matuyo ang mga damit dahil mahangin at malapit sa dagat. Pero may dryer parin ang washing machine na binili para kapag tag-ulan ay may magagamit ang inang. " Tagal mo namang bata ka." Sabi ni Inang ng makalapit

