Beginning
C1
"BABY s**t, itigil mo na. f**k! f**k! f**k!" Halos parang bangkay na itinulos si Lux sa passenger's side ng sasakyan nang hindi magawa ni Heart na itigil ang sasakyan.
Sa kalituhan niya ay lalong bumilis ang takbo nila, sa halip na tumigil iyon.
"Jesus Christ!" Anito pa nang mawala na siya sa linya, natataranta!
"Paano na? Paano na, Montesalvo?!" Tili niya nang mawala na nang tuluyan sa isip niya kung alin na ang aapakan para tumigil ang letseng sasakyan, sasakyan na may invisible break.
Babaangga sila sa isa pang kotse.
"Baaaaaabbbby!" Tili niya sabay pikit nang sumuray-suray din ang sasakyan na nasa harap nila.
Humawak si Lux sa manibela at inapakan ang paa niya. Sa isang iglap lang ay tumigil na ang sasakyan sa isang gilid.
Abot hanggang langit ang kanyang kaba, humahangos siya na parang naka-sampung rounds sila sa kama.
She was stiffened.
"Ayoko na!" Mangiyak-ngiyak na sambit niya kay Lux na natulala rin, tapos ay biglang humalakhak.
Matalim na titig ang ipinukol niya sa lalaking matatawag na rin siguro niya na asawa dahil magtatatlong taon na silang nagsasama sa iisang bubong. Hindi pa man ito annulled ay naghihintay na lang sila ng tamang panahon.
Mula nang sila ay magsama na dalawa, kung anu-anong ginagawa nila. Nagta-trabaho siya habang nag-aaral. Tinuturuan siya nitong magmaneho ng sasakyan para raw marunong siya, isang bagay na di niya alam kung bakit napakahirap para sa kanya.
Sa unang araw ng pagtuturo ay parang kumakain lang ng popcorn ang tingin niya sa pagmamaneho pero nang humawak na siya sa manibela ay napakahirap na. Hindi niya matanda-tandaan ang mga gagawin dahil kinakabahan na siya sa oras na gumulong na ang apat na gulong ng kotse.
"Sisipain kita!" Angil niya sa asawa na hindi mapuknat ang tawa.
Lalo itong tumawa at nagkakanda-ubo na. Naiinis siyang bumaba ng sasakyan at nariyan na ang mga lalaking nag-a-assist sa kanya tuwing siya ay nasa driving school.
"Ayoko na!" Aniya sa mga iyon at parang maton ma magmartsa.
"Baby," tawag sa kanya ni Lux na tawa pa rin nang tawa.
"Sinabi ko na kasi sa'yo na ayokong mag-drive, ang pilit-pilit mo! Ngayon, tawa ka nang tawa! Nakakabwisit ka talaga!" Mangiyak-ngiyak siya pero inabutan na siya nito at isinampay ang braso sa balikat niya.
She immediately shrugged it but he pulled her closer.
"Pikon naman ang baby. Natatawa lang ako sa ating dalawa kasi parehas tayo ng natanga kanina."
Natawa na rin siya dahil totoo yun. Ito man ay nakatulala sa kanya habang sumisigaw siya. Buti at gumana ang utak nito bago pa mahuli ang lahat.
"Ayoko na talaga. Baka kahit na sampung ulit mo akong papag-aralin dito sa driving school, di ko talaga ito matutunan," nakalabi ng sabi niya rito.
"Ano lang ang natututunan mo?" Nakangisi nitong tanong, namimilyo ang mga mata.
"Yung ano… yung mga tinuturo mo sa ano…"
"Sa ano?"
Heart felt her cheeks heated. He was talking dirty to her and she was talking dirty in her mind, too. Ganun na ganun na sila ni Lux. Ang inosente niyang kaisipan noong nakilala niya ito ay masyado ng puno ngayon ng virus, Kalibugan Virus. It was a viral disease and Lux contaminated her.
Kahit na magta-tatlong taon na si Lux, hindi pa rin sila nagbabagong dalawa kapag nasa kama. Hindi niya alam kung bakit ganun pero hindi siya rito nagsasawa at malamang ay ito rin naman sa kanya.
Hindi naman niya nararamdaman na ayaw na nito sa kanya o may nagbago rito. She realized that love making is really necessary for them to connect deeper into each other as couples.
May isa itong demand kapag sila ay nagtatalik, yun ay titigan niya ito sa mga mata.
"Tigilan mo na nga ako n'yan," Naiinis na piksi niya rito, "Basta hindi na ako rito babalik ha."
"Okay, baby. Pag-isipan mo pa rin kasi iba pa rin na marunong kang mag-drive. Punta na ako sa office siguro. Saan kita ihahatid?"
"Sa restaurant na. Mas gusto na lang magbilang ng pera kaysa magpaikot ng manibela."
He laughed again and kissed her temple, "How 'bout our little Lush?"
"Susunduin ko sa swimming lesson. Mamaya pa naman ang uwi nun. Baka busy ka sa trabaho, buti ako maluwag ang sched sa restaurant."
"Okay, baby. You're the boss!" Anito saka siya ipinagbukas ng pinto ng kotse.
Sumakay siya roon at ito naman ay mabilis na umikot pakabila ng sasakyan. Binuksan nito ang stereo at nag-umpisang umere ang paborito nitong kanta na, 'Kung Malaya Lang Ako'.
"Hindi ka ba nagsasawa d'yan? Ang baduy mo na," aniya rito.
"Hindi kasi ganyan ang gagawin ko kapag na-annulled na ako."
"Hmn, sige, hintayin natin kung maipagsigawan mo nga," biro naman niya rito.
Kinuha niya ang smartphone sa loob ng bag niya at tiningnan kung siya ay mga missed calls.
Mayroon siyang isa at kay Vandros iyon galing. She read the message and it says like this.
Sir Van: May tumawag sa restaurant, gustong makipag-meet. Magpa-franchise siguro. The right is yours. Ito ang unang bibili ng pangalan ng Macho kung sakali.
Nag-reply siya.
Heart: Thank you, sir Van. Sabihin ko kay Lux.
"Who's that, baby?"
"Si sir Van. Akala mo na naman manliligaw."
Humalakhak ito, "Malay ko ba e ang ganda-ganda mo."
"Baka raw may first client na bibili ng prangkisa."
"Really, huh?" Hindi makapaniwalang sabi nito dahil wala pa talagang nangahas na gawin iyon, "I'll leave it to you. Ikaw na ang makipag-usap."
"B-Bakit ako?" Nahihintakutam na tanong naman niya rito.
"You can do it, baby. Walang kaso makuha mo man o hindi," kindat nito sa kanya kaya napalunok siya. Mukhang desidido ito na siya ang papagharapin sa unang kliyente na iyon na papasok sa mundo ng kanilang negosyo.
Kaya niya.
Kung may tiwala si Lux ay mas dapat na may tiwala siya. Blessings and more blessings.
She smiled as she kept her phone. She'll talk to Vandros later.
Natutuwa siya sa lahat ng dumarating na mga bagong experience niya sa buhay.
Natutuwa rin siya na ang karenderiya nilang binili sa may palengke, sa halagang bente mil mahigit, ngayon ay may pwesto na mismo sa palengke. Umuupa sila ng rights at ang ibinayad niya roon ay galing sa kanyang pagtatrabaho sa restaurant.
Ang rights ay nagkakahalaga ng isang milyon at matatapos na niyang hulugan. Nakakatawa na ang sahod niya sa restaurant ay napakalaki, na sa huli ay na-realized niya na inuuto lang siya ni Lux kaya siya sumasahod ng isandaang libo. Pero ang mahalaga sa kanya ay pinagtatrabahuhan niya iyon. She was computing the payroll of all the employees, managing the financial activities of the business, and many more. Hindi pa siya graduate pero nagagawa na niya na i-apply ang kanyang mga pinag-aaralan sa eskwelahan.
Malapit na siyang maka-graduate. Isang taon na lang dahil binubugbog niya ang sarili sa summer kahit magbayad siya ng mahal.
She wanted to help Lux all the way when it comes to his businesses. Hindi man siya tulad ni Diana na may Accounting Firm, hindi siya patatalo pagdating lang din naman sa pagtulong niya kay Lux sa pagpapalago ng mga bagay na mayroon iyon.
She continued taking up business related course. Noong una ay nanibago siya dahil kakapanganak pa lamang niya pero nang lumaon ay nakapag-adjust siya.
Naalala niya nang una niyang makita ang sobre na naglalaman ng scholarship niya.
It was her 22nd birthday when she received it…
Hawak ang balakang dahil mabigat na ang kanyang siyam na buwang tiyan ay napatigil si Heart sa harap ng counter ng restaurant, matapos na luminga sa paligid.
Walang tao. Ipinasara ba ni Vandros ang restaurant sa araw na yun? Lux didn't tell her anything.
Naghihintay na lamang siya ng due. Next week ang kanyang due date sa panganganak pero hindi niya kayang maglagi sa bahay. Pakiramdam nga niya ay mas malakas siya nang sumampa sa siyam na buwan ang tiyan niya, hindi tulad noong naglilihi pa lang siya na halos maghapon siyang nakahilata, walang kalakas-lakas.
She noticed the white envelope on her table, in front of the personal computer.
Pumasok siya sa counter.
Naghahanda naman ang mga waitresses, naglalagay ng mga pagkain sa mga mesa pero wala namang mga tao.
Saglit niyang pinanood ang mga kaibigan niya tapos ay ibinaling na rin niya ang atensyon sa envelope.
Baka may espesyal na tao ang gumamit ng restaurant kaya walang tao. Nangyayari kasi iyon kapag mga pamosong tao ang umaarkila ng Macho Cafe. At halos isang milyon ang binabayaran ng mga umaarkila sa loob lang ng dalawang oras na isasara ang lugar.
Karaniwan na ang gumagamit nun ay mga pulitiko, artista at mga taong nasa alta sociedad, tulad din ng mga Montesalvo. Kapag may ganun ay hindi siya pumupunta. Kusa niya iyong ginagawa para itago ang sarili niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makahantad.
She's doing it for the sake of Lush. Ayaw niyang ma-bully ang kanyang anak dahil kahit na anong gawin, ang mga tao ay mapanghusga sa buhay ng iba.
Kinuha ni Heart ang envelope at binuksan iyon. It was a letter and a form. Kunot noo niyang hinuhot ang laman matapos siyang makaupo.
"Since my lovely wife doesn't want to accept any help from her handsome husband when it comes to her studies, I guess tatanggapin mo naman ang examination para sa scholarship ng Mama Zita's Scholarship program, guaranteeing you 60% off of your tuition fee, per sem. What can you say, baby? Birthday gift ko sa'yo."
Birthday gift?
Napatanga siya at agad na tiningnan ang maliit na digital calendar sa mismong counter.
Biglang may sumabog na kung ano kaya ang lakas ng tili niya. Nalaglag ang mga kurtina at tumambad sa kanya ang mga bulaklak at lobo sa paligid.
Ang isang naiiwang kurtina na puti ay umangat hanggang da may kisame.
Happy 22nd Birthday, Puso!
Susko.
Natutop ng dalaga ang dibdib at naalala niyang kaarawan nga pala niya. Lumabas ang mga tao sa paligid at umeere sa speakers ang isang masiglang kanta na pang-birthday.
She saw Lux with a balloon and bouquet. Naluluha siyang tumawa pero mas naluha siya nang makita ang kanyang mga magulang at mga kapatid.
"Did I surprise you?" Tanong ni Lux sa kanya kaya tumango siya at humikbi.
"Grabe ka," aniya dahil talagang limot siya sa kanyang birthday.
Bumaba muli siya sa silya at naglakad papalabas ng counter. Inalalayan siya ni Lux at yumakap siya kaagad sa batok nito.
"Thank you," aniya rito at saka siya hahakbang sana ulit pero parang may tumunog sa loob ng puson niya.
Umutot ba siya?
Water just ran down from her inner thighs.
"The water bag!" Tili ni Carmenzita sabay tutop ng matanda sa bibig.
"Oh my God! The baby is coming!" Sigaw ni Lux na napatakbo papalabas ng pinto pero agad na bumalik...
That's how she delivered Lush. Parehas sila ng kaarawan ng anak niya kaya sa birthday nun ay bente singko anyos na siya. At ang hiling na lamang niya ay makasal sa lalaking mahal niya.