C40 TUMINGIN si Lux sa kanyang wristwatch at sa pinto ng building. Wala pa rin Silvana na dumarating. Umaga pa sila umalis sa ospital. Ang dalawang tauhan ng babae ay nakaposte lamang na parang mga hindi ginugutom. "Wala ba kayong balak na kumain?" Tanong niya sa mga iyon. Kahit na nasa loob siya ng building kasama si Delight ay nakamata ang mga lalaki sa kanya. "Wala pa pong order si Ma'am," sagot ng isa kaya ganun na lang ang pagkalaglag ng kanyang mga panga. "Jesus. Kapag sinabi niya na sa isang dekada kayo kakain, susunod naman kayo?" Tila inis na tanong niya sa dalawa ma mga mukhang kolokoy, "May pupuntahan ako at isasama ko si Delight," mariin na sabi niya. Tumingin sa kanya ang batang nakaupo sa sofa. Kanina pa mahaba ang leeg nito dahil sa paghihintay sa ina pero hindi pa ta

