HI ako si Chiara. Ipinilig ni Nanami ang kanyang ulo habang bumababa sa hagdan. Nakakalito at nakakabaliw. Alam niyang hindi iyon isang bangungot kundi isang alaala. Pero bakit? Bakit nagkaroon siya ng ganoong alaala? Nakilala na ba niya si Chiara sa nakaraan? Kahit anong pilit niyang intindihin ang lahat ng ito ay hindi niya magawa. Nagpalakad-lakad si Nanami sa loob ng kusina at nagsalin ng isang baso ng maligamgam na tubig para kumalma siya. Para siyang uhaw na uhaw ng magising sa isang panaginip at kailangan niyang pawiin ang kanyang uhaw. “Fvck, ang sakit ng ulo ko.” Bumuntong hininga siya, bago niya inubos ang tubig. ‘Hi, ako si Chiara.’ Umalingawngaw muli ang sinabi ng batang babae sa kanyang isipan. Kaya pumikit na si Nanami at nagsimulang imasahe ang kanyang sent

