Chapter 47
“BAKIT parang pamilyar ang mukha ng batang ito?” tanong ni Nanami sa sarili na matamang nakatingin sa larawan.
Nakaramdam siya ng bahagyang pananakit ng ulo at para bang may isang alaala na nakabaon sa kanyang isipan na lumalaban para maalala niya.
“Parang nakita ko na ang mukhang ito?” Ipinikit niya ang kanyang mga mata, umaasang may maalala, ngunit nagambala iyon ng pagbukas at pagsasara ng pinto na may pumasok sa silid ni Amalie.
Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita niya si Amalie na nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.
“Anong ginagawa mo po rito ate Nanami?” tanong nito.
“Uhm, I came to call you down for dinner pero hindi kita nakita. Saan ka nanggaling?”
“Kasama ko si tita Chiara,” Sagot ng bata.
“Oh. Hindi ko alam na ganito na kayo kaclose ng tita mo?”
“Sabi po kasi ni daddy kahit daw po maldita si Tita Chiara ay batiin ko pa rin daw po siya at bigyan ng chance. But Ate Nanami guess what?” saad nito at huminto sa pagsasalita.
“Hindi naman po pala sobrang maldita si tita gaya ng naisip ko. May pinagdadaanan lang daw po siya dahil sa sakit ng pagkawala ni mommy Nami na kaisa-isa na lang daw po niyang pamilya. Kaya naipaliwanag na sa akin ni tita ang lahat at mahal na mahal niya raw po ang aking ina.” Mukhang masayang saad nito kaya napataas ang kilay ni Nanami. Parang may mali sa pagka-kalapit ng dalawa.
“Iyon ba ang sinabi niya sa iyo?”
“Opo, at naniniwala naman po ako sa kanya. Lalo na nang ipakita niya sa akin ang mga video nila sa luma niyang camera magkasundong magkasundo sila ni mommy Nami.” Masayang sabi nito.
“Hmm!” naalala ni Nanami ang larawan sa kanyang kamay. “Uhm, baby Amalie, may itatanong sana pala ako sayo,”
“Po? Oo naman po iyon?”
“Nakita ko ang larawang ito sa mesa mo sino ba ito?” curious na saad niya sa alaga.
“Ah ito po ba?” inipon ni Amalie ang mga larawan dahil hindi lang iisa ang mga larawan na nasa center table.
“Sino ang mga bata iyan? Mga kaibigan mo ba iyan? pero parang luma na at halatang hindi ito kuha ng basta sa cellphone lang?”
Umiling si Amalie bago ito sumagot, “Hindi po, ibinigay po ito sa akin ni tita Chiara kahapon.”
“Sa tita Chiara mo?” tumango naman ang bata.
Ibinalik naman ni Amalie ang mga naka-frame na larawan kung saan ito kinuha ni Nanami.
“So sino ang mga iyan?”
“Sila tita Chiara po at si. . .Pero teka po bakit po ngayon ka lang po nakauwi,ñ at nagpakita sa akin?” pag-iiba ng saad nito.
“I'm so sorry, iha. Mayroon kasi akong napakahalagang bagay na inaasikaso kaya hindi kita nahahatid sa school mo at napupuntahan.” Sagot naman niya at nakalimutan na niya ang mga picture na nakita niya.
“Mas mahalaga po ba ang bagay na iyon kaysa sa akin?” nag pout ang bata dahil nagtatampo.
“Oo, Amalie si daddy kasi ang kinita ko noong nakaraang araw kaya hindi ko siya pwedeng ‘wag puntahan. Hindi kasi siya rito nag-i-stay sa Maynila dahil nasa Cebu siya kaya I miss him so much. Kaya nang bigla siyang pumunta rito para sorpresa ako at binisita ay pinuntahan ko siya sana naiintindihan mo?” saad ni Nanami kaya hindi ito nakakibo.
“Ganoon po ba Ate Nanami, masaya ako na nakita mo siya. Sorry ate Nanami kung nagtampo ako, pero dapat po sinabi mo sa akin papayag naman po ako eh, so ate Nanami? Gaano mo na po katagal hindi nakakasama ang tatay mo?” curious na tanong ni Amalie.
“Mula ng grumaduate ng College ay hindi ko na siya nakakasama,”
Nalungkot naman ang mga mata ni Amalie. “Siguro po namimiss mo na po talaga siya ng sobra?”
“Oo naman kaya nga pinuntahan ko na siya dahil ilang taon na naman kaming hindi nito magkikita.”
“I’m sorry ate Nanami kung nagtampo ako sa iyo. May magandang dahilan ka naman pala kung bakit hindi mo ako na ihahatid sa school at na aasikaso. Dapat nagtanong muna ako bago ako nagtampo sayo.” Mapagkumbabang sabi naman nito.
Ngumiti naman si Nanami, “Sus ayos lang iyan.” Muli niyang ibinalik ang tingin sa larawan at bumuntong-hininga.
“Pero, curious ako. . .
“Tungkol po saan?”
“Diyan sa mga batang babae na nasa larawan sino iyang may kulay abong buhok sino siya?” tinuro niya ang larawan ng bata mga nasa edad pito or walong taon ang mga ito parehong maganda. Pero ang batang babaeng may kulay abo ang buhok na kangiti na katabi ng batang may itim at tuwid na buhok ay pamilyar sa kanya. Pamilyar din naman ang mukha ng isa pero mas interesado siya doon sa isang bata.
“’Di ba sabi mo binigay sayo ng tita mo ang mga picture na iyan, sino ang mommy mo diyan?” tanong niya.
“Ito po si mommy sa kaliwa na itim ang buhok,” turo ni Amalie sa larawan na nasa kaliwa.
“Pero sino niyang katabi ng mommy mo na babaeng kulay abo ang buhok?” tanong ni Nanami.
“Si tita Chiara raw po iyan sabi niya.” Sagot naman ng bata.
“Ah siya pala iyan kaya pala pamilyar ang mukha, pero ang ganda pala ng mommy mo ano? Sa kanya ka pala nag mana Amalie, pareho kayong maganda.” Pag-iiba na lang ng topic ni Nanami at hindi na niya inusisa pa ang larawan ni Chiara.
“Oo naman po proud po ako na hawig ko si mommy.” Sagot naman ni Amalie na may pagmamalaki.
Napangiti na lamang si Nanami pero sa isip-isip niya ay. . .Bakit parang pamilyar ang mga nasa larawan na iyon sa kanya? Nakita na ba niya ang mga ito dati? Pero hindi eh, matatandaan naman niya kung nakita na talaga niya ang mga ’yon? napapaisip na bulong niya sa sarili.
SUMANDAL si Venom sa kanyang upuan, habang humihit-hit ng sigarilyo at nagbuga ng usok.
“Gusto mong patayin si Dee? Pero bakit?” tanong niya sa kausap niyang si Mr. Atena.
“Nagtaksil lang naman sa akin ang lalaking iyon. Kinuha niya ang kargamento ko noon pagkatapos ay bigla na lang itong nawala na na parang sa hangin. I fvcking want to kill him!” Galit na galit na sabi nito.
“At paano? gusto mo tulungan kita ganoon ba ang gusto mong sabihin?” tumaas naman ang kilay ni Venom sa kausap.
“Oo. Kaya ako nga nandito. Simula nang mahanap mo siya ay biglang nabuhay ang dugo ko na mapatay ang hayop na iyon. Laki ng nakuha niyang pera sa akin.”
“Bakit sino bang nagsabing nahanap ko siya?” tanong ni Venom.
“Huh?”
“Oo, pinasusubaybayan ko ang kanyang lokasyon ngunit hindi ko pa siya nahahanap,” saad naman niya sabay buga muli ng usok.
“Bakit hindi mo pa siya nahuhuli?” tumaas ang boses nito pero kumalma rin naman nang makita niyang tumiim bagang ang tingin ni Venom sa kanya.
“Kaya maling impormasyon ang nakalap mo, George.”
“Ano kahit tungkol sa pamilya nito ay wala kang na kukuhang impormasyon?”
“Ano naman ang gagawin ko sa mga iyon si Dee lang ang hinahanap ko at may atraso sa akin.” Seryosong saad ni Venom.
“Ang pamilya kasi ang magandang pang alas sa taong ayaw magpakita. At sigurado akong meron siya. Baka isang anak na lalaki o asawa o ’di kaya may anak siyang babae.” Dugtong pa ni Mr. Atena.
Tumigil sa pagsisigarilyo si Venom at Ibinagsak niya ang sigarilyo sa ashtray na nakapatong sa mesa at tumigas ang mukha niya.
'A daughter. . .I know someone who is close to that bastard, pero hindi niya ibibigay ito kahit kanino.’
“Sabi ko hindi ako magsisisi na pumunta ako rito, pero guess what pinagsisisihan ko na pala ang pagpunta rito hindi mo pa pala hawak si Dee.” Tumayo na ito.
“Lagi mo kasing siguraduhin na tama ang iyong impormasyong nakukuha mo bago ka mag kumahog na pumunta dito. George. Sa susunod na abalahin mo ako para sa kalokohang ganito ay papatayin kita kahit ano pa ang kahihinatnan nito.” Walang emosyong saad ni Venom.
“Bakit bigla kang defensive, Borromeo,” tumayo na ito bago nagpatuloy; “Mayroon ka bang sinusubukang protektahan?” nagdududang saad nito kay Venom.
“Huwag mo akong subukan. Dahil kahit na subject mo ako sa exam at pag-aralan mo ng sampung taon, hindi mo pa rin mapag-aaralan ang galawan ko. Makakaalis ka na, by the way isipin mo na lang hindi naganap ang pagpupulong na ito.” Ipinasok niya ang isang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
At inimuwestra ang pintuan ng kanyang club sa lalaking na ngangalang Mr. Atena na nagbabaga ang mga tingin kay Venom dahil wala itong napala sa pakay nito kay Venom.
HUMIGA si Nanami sa kama pagkatapos kumain kasama sina Chiara at si Amalie, wala silang imikan ng bruhang si Chiara dahil inis pa siya rito. Nakahiga na siya sa kama at nakatitig sa kisame.
Ang kanyang amo naman na si Venom ay hindi pa rin bumalik mula sa pinagkakaabalahan nito. Sa totoo lang, na-miss niya ito, pero hindi niya alam kung bakit?
Pero maya-maya ay bumalik sa kanyang isipan ang larawang nakita niya sa silid ni Amalie.
‘Ang bata pong iyan na kulay abo ang buhok na katabi ni mommy Nami ay si Tita Chiara.’
Umalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ni Amalie kanina.
Tatanungin sana ni Nanami si Chiara kung nagkita na sila noong mga bata pa sila pagkatapos ng hapunan, ngunit pinigilan niyang gawin iyon. Walang paraan na makilala niya ang isang maliit na bersyon ng nakakainis at bastos na si Chiara sa nakaraan dahil wala naman siyang natatandaan noon na nagkita na silang dalawa.
“Mababaliw na yata ako.” She murmured, habang nakahiga sa kama niya.
“Huwag ka nang mag-isip, Nanami. Tumigil ka na lang kaya siguro nasabi mo na parang nakita mo na iyang si Chiara sa batang version niya pero wala naman siyang maalala.” Saway ni Nanami sa isipan habang unti-unti na siyang nakakatulog.
Walang ingay. . .
Walang hangin. . .
Wala siyang nakikitang liwanag kundi puro kadiliman. . .
Para itong kawalan na walang malalabasan ang kanyang kinaroroonan at ang nakakatakot ay napasikip at para siyang
nasu-suffocate.
Paanong magiging tahimik ang paligid ng ganito?
Nasa kawalan ba siya?
Patay na ba siya?
Pero napatunayan niyang mali siya nang magsimula siyang makarinig ng mga yabag.
May papalapit sa kanya.
Hindi alam ni Nanami kung saan siya nakatayo at hindi rin niya nakikita ang mukha o katawan ng mga yabag na kanyang naririnig.
Madilim pero kitang kita niya ang buhok ng isang batang babae na may kulay abo sa madilim at papalapit sa kanya.
At pagkatapos ay narinig niya ang boses ng isang bata babae.
“Hi, ako si Chiara.”
Napamulat ang mga mata ni Nanami nang magising siya, mula sa bangungot o baka sa isang alaala?