Chapter 46

2150 Words
“COME in!” bumukas ang pinto at pumasok si Marcel, may hawak na sobre. Nakatayo si Venom sa malaking glass window habang nakadungaw sa swimming pool sa ibaba ng kanyang mansyon. “Nahanap mo na ba siya?” “Opo, boss.” “S-So nandito lang talaga siya Pilipinas. After all these years, sa wakas ay magkakaharap na kami.” Aniya. “Boss!” “Ano?” “May kailangan kang malaman. Dapat mong makita ito.” Binuksan ni Marcel ang envelope at may kinuhang mga picture saka inabot kay Venom. Ang larawan ay sa isang may edad ng lalaki na nasa isang coffee shop, may kasama itong babae ang nakaupo sa harap nito at isang lalaki. Nakatalikod ang mga ito kaya hindi niya nakita ang mukha ng babae at ng isa pang lalaki. Kumunot ang noo niya nang tingnan niya ang pangalawang larawan. Hindi pa rin nakikita ang mukha ng dalaga pero parang medyo pamilyar ito sa kanya ang hubog ng katawan nito at alon-along buhok. Lumipat siya sa susunod na larawan at kaagad nababalot ng galit ang nyang mukha. Ganap na nakuhanan ang mukha ng babae sa pagkakataong iyon. Nandoon sa larawan ang yaya ng kanyang anak na nakayakap sa may edad ng lalaki na alam niyang si Dee. Ngunit ang tanong dito ay ano ang relasyon nito kay Dee? Tanong niya sa kanyang isipan habang nagbabaga ang kanyang mga mata sa galit. NAPUNO ng tawa ni Laila at Nanami ang silid nito na umalingawngaw sa apat na sulok ng dingding niyon. Umupo si Danie sa tapat ng dalawa niyang mga kaibigan at pinagmamasdan nito ng mabuti ang dalawa habang nakakunot ang mga kilay. Ang dalawa kasi ay nanood ng video nang higit sa limang beses na, kahit hindi nakakatawa ay wala pa ring humpay ang tawa ng dalawa. Kumuha si Laila ng isang dakot na popcorn sa kanyang kamay at kinain ito habang tumatawa pa rin ng malakas hanggang sa tumulo na ang mga luha nito sa sobrang pagtawa. ‘Paanong nakakaaliw pa rin ang video kahit bugbog sarado na ang lalaki nasa video na walang iba kundi si Adrian ang ex boyfriend ng kanyang kaibigang si Nanami?’ Huminga ng malalim si Danie at umiling iling sa dalawa. “Hindi ko maintindihan. Ano bang nakakatawa riyan?” hindi na nakatiis na tanong ni Danie at ni-rewind ang video mula sa simula. “Tingnan mo kasi ang mukha ni Adrian, nakakatawa nawala ang yabang sa makapal na mukha nito.” Sagot naman ni Laila at natatawa pa ring sabi naman nito kay Danie. “Hindi nga tumitigil si Dad kung hindi pa ako nakialam.” Sabi ni Nanami at sumeryoso na ang mukha nito. “Bakit ka nga pala nakialam?” tanong ni Laila na ngayon ay nakakunot ang noo. “Kasi, paano kung may nakakita sa eksena at tumawag ng mga pulis at ereklamo si Daddy ha? And besides, I think sapat na 'yong pambubugbog na nakuha niya.” “Karapat-dapat na bugbugin ang asungot na iyon. Kung ako lang ang nandoon baka tinanggal ko na ang alaga ang isang iyon, para hindi na makatikim ng babae.” Sabi naman ni Danie at hindi siya natawa kundi lalo lamang siyang nagalit sa lalaking iyon. “Natutuwa akong tinuruan ng ama mo ang hayop iyon.” Dugtong pa nga baklitang si Danie. “Ako rin. Pero sa totoo lang,” huminga ng malalim si Nanami; Naaawa pa rin ako kay Adrian. Sana okay lang siya at. . . “Bakit, mahal mo pa ba siya?” tanong ni Laila at pinutol si Nanami. “Of course not! hindi ko na mahal ang mukong na iyon.” Mabilis namang sagot ni Nanami habang umiiling iling. “Sus, kunyari ka pa!” sabay na sabi nina Laila at Danie. “Hindi niyo naiintindihan, hindi ko na mahal ang manlolokong lalaking iyon, 'no!” Napaungol naman si Laila at tiningnan ng nang-aasar si Nanami. “Sobrang nasaktan ka ng bastos na iyon. Dahil sa kanya kaya nawalan ka ng trabaho bilang isang manunulat at hindi lang iyon, nawalan ka rin ng inspirasyon at konsentrasyon sa pagsusulat. Sa katunayan, hindi pa sapat ang pambubugbog sa Adrian na iyon.” Sabi naman ni Danie. “Tama!” segunda naman ni Laila dito. “So bakit ka na aawa doon sa lalaking iyon, kung hindi mo na pala iyon mahal?” tanong ulit ni Laila. “Dahil, kahit naman niloko ako nito ay naging maalalahanin din naman siya sa akin at never naman niya akong sinaktan ng pisikal!” sagot ni Nanami. “Kahit na, sinaktan ka naman niya emosyonal kaya dapat lang doon sa lalaking iyon kaya 'wag ka ng maawa at maguilty doon deserve niya iyon.” Sabi naman ni Laila kaya na pahinga ng malaming si Nanami at inalis na sa kanyang sistema ang awa at guilty dito. Tama nga ang kanyang mga kaibigan hindi dapat siya maawa at maguilty doon sa tao, choice niyang magloko at dapat itong maturuan ng lesyon dahil nagsinungaling pa ito sa kanyang mga magulang. “ANO?” humarap si Venom kay Marcel; “Sigurado ka ba dito?” “Oo, boss. Hiniling ko kay Boa na gumawa ng ilang background check sa kanya. Si Mr. Dee at nagpanggap na ama ni miss. Nanami ay iisa, dahil namatay na ang tunay na ama nito sa aksidente ay siya ang nagpanggap na ama ni Nanami. At dahil nga malaki ang pagkakautang ng tunay na ama ni Nanami kay Mr. Dee na kakambal nito at nang hindi ito makapagbayad ay ang paluging kompanyang ng kanyang kapatid ang kinuha nitong bayad sa kanya at siya na ang namamahala niyon hanggang sa makabawi at muling lumago. Pero hindi alam ng mag-ina na patay na ang tunay nilang padre de pamilya at impostor lamang nito ang nakakasama nila.” Mahabang paliwanag ni Marcel sa mga impormasyong nakalap. “So kinuha ni Dee ang pagkakataong iyon para makatakas sa akin. Pagkatapos ay itinuring na niyang tunay na anak si Nanami. Ganoon ba? Pero bakit niya raw nagawa iyon sa kakambal nito?” hindi makapaniwalang tanong ni Venom. “Dahil sa pera master, walang kapa-kapatid kay Mr. Dee, pagdating sa pera lalo na at sobrang laki talaga ang naging utang sa kanya ng kakambal nito. Balak nga sana niyang idespatsa ang mag-ina ng kanyang kakambal dahil anumang oras ay malalaman pa rin daw nila na wala na ang haligi ng buhay nila. Ngunit nagbago nga ang isip nito at sa halip ay ito ang ginawang paraan para makatakas sa iyo.” Mahabang salaysay ni Marcel kay Venom “Gaanong katagal na siyang nagpapanggap na kakambal nito?” “Mahigit labing apat na taon na rin po bago ka pa niya kinati boss. Magaling nga itong magtago at magpanggap kaya hindi natin nalaman ang totoong buhay nito,” patuloy pa ni Marcel. Kaya napakuyom ni Venom ang kamao dahil naiinis siya sa mga nangyayari ngayon. PUMASOK si Mela upang hanapin si Eve sa maids quarter at nakita niya itong minamasahe ang sarili nitong balakang. “Ayos ka lang po ba, manang?” nag-aalalang tanong ng dalaga sa matanda. Napabuntong-hininga si manang Eve bago sumagot. “Oo naman, iha, ayos lang ako.” “Anong nangyari po sa balakang mo? Nahulog ka ba?” “Hindi naman ewan ko ba at biglang nanakit ang balakang ko.” “Manang Eve. Sinabi ko naman kasi sa inyo na lagi kayong magpapahinga kapag may dinaramadam kayo.” Nag-aalalang sabi nito. Napangiti si Eve; “Ayos lang ako, iha, nga pala. Nasaan si Amalie?” “Nasa kwarto niya lang po. Nag-aalala kay Nanami, kasi hindi pa raw ito umuuwi.” “Talagang napalapit na ang batang iyon kay Nanami ayaw ng mawala sa paningin niya.” Na iiling na sabi nito. “Bakit hindi siya lumabas dito at nang mamakapamasyal naman siya sa garden, tagal ng hindi nalabas ang batang iyon sa paligid nitong mansyon.” Sabi pa ni manang. Umupo si Mela sa kama. “Ayaw niya po at baka raw makita niya ang tiyahin niya at pagalitan naman daw siya nito ulit, tulad noong una siyang sinundo nito manang! Wait speaking of her tita, tagal ko na siyang hindi nakikita manang umalis na ba?” nagtatakang tanong ni Mela. “Hindi pa nandito pa rin siya. Hinahanap nga kanina si Nanami, hindi ko alam kung bakit.” “Siguro para ituloy ang pang bu-bully nito kay miss Nanami. Ano kayang meron sa roon at napakasungit?” “Mela!” “Po manang, Eve.” Nag-alinlangan ang matanda na sabihin ang gusto nitong sabihin ngunit nagsalita pa rin ito. “Maaari mo bang bantayang mabuti si Chiara?” Lalong napakunot ng noo si Mela sa pagkalito. “Bakit ko po kailangan gawin iyan manang?” “Kasi . . .Tumigil ito, Ah wala naman iha, ’wag mo ng isipin ang sinabi ko.” “May hindi ka ba sinasabi sa akin, Manang Eve?” “Bagay na tulad ng ano?” “Hindi ko po alam. Pero parang may alam ka sa pagkatao ni maam Chiara na hindi ko alam. At sigurado akong may alam kayo, dahil mas matagal ka na pong nagtatrabaho para sa amo natin kaysa sa akin. Si Miss Chiara ba talaga manang ay masamang tao?” “Hija, may mga bagay na mas mabuting hindi mo na lang dapat na malaman or alam.” Marahan nitong tinapik-tapik ang balikat ni Mela at saka ito humanda para lumabas at magluluto pa siya ng hapunan ng lahat. “LONG time no see, Borromeo!” Bati ng isang lalaki kay Venom at nagkamayan silang dalawa. “Long time no see, rin. Mr. Atena.” Seryosong bati naman niya rito at umupo. “Hindi ko inaasahan na pumunta ka rito.” dugtong pa ni Venom. Tumawa si George at umupo sa tapat ni Venom. “Isa akong kaibigan na puno ng surpresa.” “Hmmn. Buti na lang at hindi ako nagulat.” “Nakikita ko nga iyon.” Sabay tawa ng lalaki sa kanya. “So tell me, Bakit ka nandito?” Umiling ang matandang lalaki, “Umorder muna tayo ng drinks, bago ko sa iyo sabihin ang pakay ko.” “Inumin? Bakit may problema ka ba?” “Wala naman ilang taon kasi tayong hindi nagkita kaya hindi naman siguro masama na mag inuman tayo ngayon?” “Nandito ka lang ba, para makipag-inuman sa akin o makipag-uusap ka tungkol sa ating negosyo?” naiiling na tanong ni Venom. “Actually, nandito ako para sa dalawang rason.” Ngumiti ito. Pinitik ni Venom ang daliri para tawagin si Marcel, yumuko naman ang binata at naglakad papalayo dahil alam na nito ang ibig sabihin ng kanyang amo. “Nakikita kong loyal na loyal sa iyo ang kanang kamay mo na parang aso.” Sabi ni George na si Marcel ang tinutukoy. “Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo. Baka marinig ka na niya at hindi mo gugustuhin ang magagawa niya sayo.” Babala ni Venom. Itinaas naman ni George ang kanyang mga kamay sa ere na parang sumusuko habang tumatawa. “I crossed the line, my bad.” Ngunit seryoso lamang si Venom at hindi natawa sa kausap. “Habang kumukuha sila ng inumin, sabihin mo na sa akin kung bakit ka nandito.” Nag-alinlangan si George bago nagsalita. “Balita ko nahanap mo na si Dee.” Madilim na tingin ang iginawad ni Venom sa matandang lalaki, “Ang bilis namang lumipad ng balitang iyan.” Naiiling na sabi ni Venom. “Alam mo naman walang sikreto sa mundo ng mga mafia.” “Mafia na mundong matagal ko ng tinalikuran!” dugtong naman ni Venom kaya natahimik ang kausap nito. “Mahigit anim na pung taon na ako sa organization na ito. Kaya walang balita ang hindi ko kayang malaman.” Sabi na lamang nito hindi naman umiik pa si Venom. Bumalik si Marcel dala ang mga inumin at inilapag sa center table. Isasalin na sana nito ang drinks sa loob ng wine glass nila pero pinigilan siya ni Venom. “Iwan mo na riyan. I don’t think George will mind pouring his shot by himself.” Tumawa si George at tumango. “Siyempre, may kamay naman ako.” Yumuko si Marcel at umatras ng ilang hakbang. “Sinasadya mo ba iyon dahil tinawag ko siyang tapat na aso?” tanong nito sa mahinang boses. “Hindi kanang kamay ko siya at hindi utusan ng kahit na sino.” Natatawa na naman ang matanda at nagsimulang magsalin ng inumin sa baso. “Medyo abala ako sa isang bagay sa bahay nang mabalitaan ko ang pagdating mo. Sana kung ano man ang nagdala sayo rito ay worth it sana.” Nagsalin din ng alak si Venom sa kanyang shot glass. “Trust me, hindi ka magsisisi na nandito ako.” Garantisadong saad ng lalaki, at saka uminom ng alak na hawak nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD