NAGMAMADALING kumatok si Boa sa pinto. “Buksan mo ang pinto.” Sabi ni Venom kay Marcel.
“Okay, boss.” Yumuko naman ito at agad na pumunta sa tapat ng pintuan para buksan iyon.
“Boa?” kumunot ang noo ni Marcel ng makita nito ang hacker nila.
“Nasa loob ba si boss?” tanong ng huli kay Marcel kaya tumango ito.
“Pwede bang pumasok. May kailangan lang akong ipakita sa kanya.” Ikinaway ni Boa ang tablet na hawak sa harap ng mukha ni Marcel.
“Bakit may problema ba?”
“Hindi, good news ito nahanap ko na siya.”
“Anong nangyayari diyan?” tanong ni Venom dahil medyo matagal na kasi ang pag-uusap ng dalawa.
“Sige na pumasok ka na.” Malawak na binuksan ni Marcel ang pinto at pumasok si Boa.
Lumapit si Boa sa harapan ni Venom at pormal na binati ito sabay abot ng tablet na hawak niya rito.
“Anong gagawin ko riyan?” tanong ni Venom habang malamig nakasandal sa kinauupuan nito.
“Nahanap ko na siya, master,” sabi ni Boa na inilapag ang tablet sa mesa para makita ni Venom kung ano ang sinasabi niya. “Tama nga po ang kutob natin, nandito lamang siya sa Pilipinas.” Nakangiting sagot nito.
Nagdilim ang mga mata ni Venom habang nakatitig sa pulang spot sa location map na nasa tablet na may kasama pang address.
“Nandito lang si Dee sa Pinas!” galit na napaungol ito at kinuyom niya ang kanyang mga kamao. Napatingin ito kay Marcel. At saka nagwika, “Hanapin nyo siya rito at huwag kayong titigil hangga’t hindi ninyo siya naihaharap sa akin.” Utos ni Venom sa maawtoridad nitong boses.
SAMANTALA galit na bumaba sa taas si Chiara at pumunta sa kusina at nakitang walang katao-tao roon. Napaungol ito sa galit at pumunta sa maids’ quarter. Hindi na siya nag-abalang kumatok at agad na pumasok sa loob niyon.
Mahimbing naman natutulog si Eve at walang awa itong ginising ni Chiara.
Agresibo niyang hinampas ang matandang babae sa binti nito, na nagpagising dito.
“Tumayo ka ngang, matanda ka.” Bulyaw ni Chiara kaya naalimpungatan si Manang Eve.
“C-Chiara anong ginagawa mo rito?”
“Sagutin mo na lang ang tanong ko nasaan ang babaeng iyon?” walang galang na tanong nito.
Kumunot ang noo ni Eve at napakamot sa pisngi. “Sino?”
“Sino pa ’di iyong atribidang yaya ni Amalie? Nasaan siya? Wala siya sa kwarto niya o kahit saan sa paligid ng bahay. Saan siya pumunta?” nakataas kilay na tanong ni Chiara.
“Ano bang problema mo, Chiara?” Bumangon si Eve sa kama at tumayo sa harap nito.
“Hindi pa ba sapat ang ginawa mo, ha? Aawayin mo naman ba si Nanami?”
“Huwag mo akong tanungin ng ganyan matanda. Wala akong oras para paliwanag sa iyo. Sabihin mo na lang kung nasaan ang babaeng iyon.”
“Hindi ko alam, nagpaalam siyang may pupuntahan.” Sagot naman ni manang.
“Ano pinapayagan nyo ang babaeng iyon kahit hindi pa niya day off?”
“Wala ka ng pakialam doon Chiara, nagpaalam din iyon kay Venom kaya pinayagan ko na rin.” Nagkibit-balikat na sabi ni Manang Eve.
Itinaas ni Chiara ang kanyang kamay para hampasin si Eve sa mukha ngunit tumigil din ito kaagad.
“Huwag mong subukan na idampi iyang kamay mo sa akin bata ka, hindi mo ako alipin para saktan mo ako matagal na akong nagtimpi sayo noon, 'wag mo akong subukan!” babalang sabi ni Manang Eve.
Huminga ito ng malalim at tinaasan niya ng kilay ang matanda.
“Go to hell!” himutok ni Chiara at tumalikod na siya para umalis nang biglang nagsalita si Eve mula sa likuran niya.
“Kung ako sayo Chiara, umalis ka na lang sa buhay ni Venom dahil baka magsisi ka naman sa bandang huli at ikaw na naman ang matalo!” Sabi nito.
Namumula ang mga mata ni Chiara at napuno ng galit ang mga iyon.
Padabog na lumabas ito ng maids quarter at umakyat ito sa kanyang silid.
Sumisigaw habang umiiyak ito sa sobrang sama ng loob. At nang mahimasmasan ay napagdesisyonan niyang hanapin si Nanami dahil hindi pa siya tapos dito.
Si Nanami na yaya ni Amalie ang may atraso sa kanya kaya ito ang pagbubuntunan niya ng galit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
HINANAP ni Nanami sa parking lot ang kanyang ama at Adrian, ngunit wala ang dalawa sa kahit saang sulok ng parking lot.
Dinial niya ang numero ng kanyang ama ngunit ang tawag niya ay hindi nito sinasagot kaya nag voicemail na lang siya at tinanong niya kung nasaan ang mga ito.
“Ano na kayang nangyayari sa dalawang iyon, sana walang gawing masama ang kanyang daddy kay Adrian, hindi dahil concerne siya rito ngunit nag-aalala siya sa kanyang ama at baka makagawa ito ng hindi maganda sa lalaking iyon. She groaned at the back of her throat, walking to the back of the coffee shop and that’s where he found them sa likod ng isang delivery track na nakapark sa dulo ng parking lot.
Pinuntahan niya ito dahil narinig niya ang galit na boses ng kanyang ama, nakita niya si Adrian na nakaluhod sa paanan ng alalay ng kanyang habang binugbog nito si Adrian.
Ang kanyang ama ay nakasandal sa dingding ng track at pinagmamasdan ang buong eksena na walang kahit anong emosyon sa mukha nito, mahigpit ang pag tiim bagang ng panga nito.
Aawatin na sana si Nanami ang alalay ng kanyang ama nang biglang nagbago ang isip niya. Inilabas na lang niya ang kanyang telepono at nagsimulang i-record ang eksenang ginagawa ng mga ito. Ngunit nang makita niyang hindi pa humihinto ang pambubugbog ay nagpasya siyang makisali na rin at baka mapatay pa nila si Adrian, tama nang nabugbog ito at ng kanyang daddy sa mga ginawa nito sa kanya.
“Dad, enough!”
Tumigil sa pambubugbog ang alalay ng kanyang ama kaya lumapit na siya sa mga ito, “Ano ang nangyayari rito?” kunwari ay hindi niya nakakita ang mga nangyari.
“Umalis ka na rito anak, kailangan maturuan ng leksyon ang lalaking ito sa ginawa niya sa iyo.” Sabi ng kanyang ama na hindi tumitingin sa kanya.
“Dad, alam kong galit ka. Gayunpaman ay mali na ang ginagawa ninyo. Paano kung mapatay ninyo iyan? Kayo. . .
“Wala akong pakialam ako.” Marahas nitong putol sa mga sinasabi niya. “This is good for nothing sinaktan ka ng hayop na iyan. Papalampasin ko sana ito kung hindi lang siya sinungaling sa akin at binaliktad ka pa talaga niya.” Umiiling iling na galit na saad nito sa kanya.
“Kung hindi siya tuturuan ng leksyon at walang maglakas-loob na gawin iyan sa kanya ay malaya siyang makakagawa ng mali sa lahat ng oras.” Dugtong pa nito.
“Dad, alam kong mahal mo ako at mahal din kita. Pero gusto kong itigil mo na iyan. Please.” Tumingin siya sa paligid at umaasang walang nakakita sa kanila.
Bumaling siya kay Adrian na bugbog sarado at seryoso niya itong tiningnan, “Siguro naman ay madadala ka na hindi maganda na mag sinungaling ka para lamang masabing wala kang ginawang masama sana aral na iyan sa iyo.” Sabi niya rito at tumingin ulit siya sa ama niya.
Itinaas ng kanyang Daddy ang kamay nito na nagsasabing bitiwan na ng alalaya ni Dad si Adrian kaya nakahinga siya ng maluwag.
Halos hindi na makilala si Adrian dahil puro pasa at sugat ang mukha nito na naghahalo ang dugo. Naaawa siya rito pero, deserved nito iyon para tigilan na siya nito.
Nilapitan nang kanyang ama si Adrian at saka nagwika. “Sa susunod na makita kita kahit saan sa paligid ng aking mahal na anak, papatayin na kita, maliwanag!?” madiing tanong nito sa lalaki.
Tumigil ang pagtibok ng puso ni Nanami nang marinig ang mga katagang iyon. Hindi siya makapaniwala na ang mabait niyang ama ay makakapagsalita ng ganoon sa kanyang kapwa. Pero iniisip na lang ni Nanami na galit lang ito kaya nakapag sabi ito ng ganoon.
Nagtatakbo naman si Adrian at walang lingon-lingon itong umalis sa kinaroroonan nila kaya napailing siya. Dahil duwag naman pala ang lalaking minsan niyang minahal, mabuti na lang at nangyari ang lahat ng ito dahil baka magsisisi siya kung ito ang kanyang nakatuluyan.
PAGKARAAN ng ilang sandali ay naglakas loob si Nanami na magtanong sa kanyang ama, ng tanong na bumabagabag sa kanya.
“Dad, papatayin mo ba talaga si Adrian kung hindi ako nakialam?”
“Saan ka ba ngayon tumutuloy at nang maihatid na kita?” tanong nito sa kanya at hindi pinansin ang tanong niya.
“’Wag na dad, kaya ko naman umuwi mag-isa pero dad paano po si Mommy Matilda? Baka magalit siya kapag nalaman niyang alam mo na ang lahat?”
“Wala akong pakialam sa galit ng mommy mo. Basta okay ka ay okay na ang lahat, ako ng bahala sa mommy mo!” sagot naman nito.
Kinagat ni Nanami ang ibabang labi. “Hindi ka po ba galit sa akin? Dahil hindi ko agad ito nasabi sayo at nagsinungaling pa si Adrian dahil sa pananahimik ko?”
“Nagalit ako sayo, Oo! Ngunit kahit wala na tayong magagawa nangyari na ang hindi dapat mangyari, pero ’wag mo ng alalahanin iyon.” Nakangiting sabi nito at wala ng mababakas sa mukha nito ang kaninang emosyon na nakita niya rito.
Napangiti siya at pinulupot niya ang braso sa braso ng kanyang ama.
“Thanks dad, kahit kailan ay hindi mo talaga ako pinabayaan kaya mahal na mahal kita, daddy!” Humagikgik si Nanami at inihilig niya ang mukha sa kamay nito.
“Mahal na mahal din kita anak, sorry kung nagsinungaling kami ng mommy Matilda mo tungkol sa tunay mong pagkatao at sa pagiging tunay niyang ina saiyo.”
“Okay na po iyon dad, sana lang talaga ay magbago na si Mommy Matilda at ituring niya akong tunay na anak na may malasakit sa akin. Ngunit alam ko naman na hindi na mangyayari iyon. Pero okay lang ikaw lang po dad ay sapat na sa akin!” naiiyak na sabi niya rito kaya niyakap siya ng kanyang ama ng mahigpit.
KUMUHA ng inumin si Venom at umupo sa kanyang upuan sa may opisina niya sa kanyang mansyon.
Binuksan niya ang bote at ininom iyon at tumingala sa babaeng nakatayo sa harapan niya.
“Anong gusto mong pag usapan?”
“Venom, wala akong ginawa sa yaya ng anak mo.” She said, going straight to the point.
Tumango si Venom at saka nagsalita, “Alam ko.”
“Ano? Alam mo?” gulat na sabi ni Chiara kay Venom.
“Hindi ako tanga. Obvious naman na nagsisinungaling siya.” Walang ganang sabi niya sabay lagok ulit sa bote.
“Wow, I can’t believe this,” bulalas ni Chiara at galit na galit na inaway nito si Venom na wala namang pakialam sa kanya.
“Alam mong nagsisinungaling siya pero nagalit ka pa rin sa akin noong isang araw. Inakusahan mo ako at ang mas malala ay pinagbantaan pa.” Naggagalaiting saad ni Chiara.
“I don't care Chiara, tandaan mong mabuti ang aking sasabihin. Pinaiyak mo pa rin ang aking anak kaya wala akong pakialam kong si Nanami or ikaw ang may mali, kung sino ang dahilan ng pag-iyak ng anak ko kahit wala kang ginawang masama ay gagawin at sasabihin ko pa rin iyon, naiintindihan mo?”
babalang sabi ni Venom.
“But she cried for the wrong reasons, Venom,” katwiran pa rin nito.
Kaya tumingin ng masama si Venom kay Chiara. Napalunok naman sa kaba si Chiara.
“I-I’m sorry. H-hindi na mauulit.” Wala na siyang nagawa kundi ang humingi na lang ng tawad kahit alam niya sa kanyang sarili na wala siyang ginawang masama sa kanyang pamangkin.