Chapter 44

2218 Words
“DADDY!” tumakbo si Nanami papunta sa kanyang ama at nagyakapan sila. “Miss na miss na kita anak. Kumusta ka na?” masayang saad ng kanyang ama. “Ayos lang po ako daddy. Na-miss din kita ng sobra.” Saad ni Nanami at kumalas sa yakap ng ama. Nakipagkita kasi siya sa kanyang ama kinabukasan matapos niyang matanggap ang mensahe nito at ngayon ay nagkita sila sa isang Restaurant na malapit lang sa lupain nina Venom. “Mukhang maganda ang buhay mo ngayon anak saan ka ba naglalagi ngayon?” tanong nito habang kumakain silang mag-ama. Ngumiti si Nanami at saka sinagot ang tanong ng kanyang ama. “Okay naman ako dad, ikaw kumusta ka na?” sabi niya at hindi sinagot ang tanong nito kung saan siya naglalagi. “Ganoon pa rin anak nakalulungkot kasing hindi na kita nakikita.” Sagot naman ng kanyang ama sasagot na sana si Nanami ng may biglang nagsalita sa tabi nila. “Tito Rodel?” narinig nila ang isang boses na pamilyar din sa kanya. Hindi na kailangang lumingon si Nanami para malaman kung sino iyon. ‘Oh, sh*t. What the heck is Adrian doing here?’ napaisip siya habang nakatingin sa kanyang ama na nakatingin kay Adrian. “Oh, kumusta ka na Adrian?” “Ayos lang po ako.” Hinarap nito si Nanami, at saka siya nito binati. “Hi, babe.” Bati nito kay Nanami kaya napasimangot ito. ‘Ang kapal din ng lalaking ito na kung makatawag sa akin ng babe parang wala itong naging kasalanan sa akin,’ naiinis na bulong nito. “Dad!” saad niya rito at hindi niya pinapansin si Adrian; Hindi ko po alam dad na pinapunta mo rin siya rito, akala ko po ba tayo lang dalawa ang mag-uusap?” tanong niya rito. “Oo anak, pinapunta ko rin siya rito dahil ayaw magsalita ng Mommy Matilda mo kung ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa?” naguguluhang tanong ng kanyang ama. “Kaya kailangan kong marinig ang magkabilang panig ninyo ang totoong dahilan. Kasi iba ang sinasabi ng mommy Matilda mo. You are my daughter and I love you so much Nanami, but Adrian is ​​also like a son to me. I don’t want to judge without hearing his side of your story.” Dugtong pa nito at saka hinawakan ang kamay niya. “Kung ganoon dad makinig ka sa akin at ako ang paniwalaan mo,” sabi naman niya at taas noong tiningnan si Adrian ng masama. Ngunit ngumiti lang ito sa kanya na parang hindi kinakabahan. “SIMULAN mo nang magsabi sa akin ng totoo anak makikinig ako.” Sabi ni Rodel kay Nanami habang umiinom ng kape. Nagpalitan ng tingin sina Adrian at Nanami pero walang sinabi sa isa’t isa at sinamaan lang ni Nanami nang tingin si Adrian. “Ano tatahimik lang ba kayong dalawa ng buong araw? Pumunta ako rito para makipag-usap at hindi titigan ang mukha ninyong dalawa.” Seryosong saad nito. Sinabi ni Rodel kaya huminga ng malalim si Nanami, “I don’t get why you had to invite him too, dad. Ang pag-uusap nating ito ay dapat sa pagitan lang nating dalawa.” Nakasimangot na sabi ni Nanami. “Napag-usapan na natin ito, honey. Gusto kong marinig mula sa magkabilang panig ninyo kung ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa. You are my only daughter and I love you so much but I don't want to be partial or do favoritism.” Patas na sabi ni Roman sa anak. “So anong nangyayari sa inyong dalawa?” tanong muli ni Rodel at pinagmasdan silang mabuti. “Dad_” panimula ni Nanami ngunit pinutol iyon ni Adrian. “Si Nanami po kasi ay may mahal ng iba, tito Rodel.” Sabat naman nito kaya napatayo si Nanami. “Ano? Ang kapal naman ng mukha mo para baliktarin ako.” Saad naman ni Nanami at masamang tiningnan ang huli. Napalunok si Adrian at inayos ang sarili sa upuan at itinuon ang atensyon sa matandang lalaking nakaupo sa harapan nila ng dati nitong kasintahan. “Ayaw niya na po akong pakasalan dahil may bago na siyang lalaki.” Malungkot na sabi ni Adrian kaya lalong nainis si Nanami. “Anong kalokohan ang sinasabi mo?” singhal ni Nanami at masamang nakatitig kay Adrian. “Pagod na ako sa pagpapanggap, okay?” sabi nito sabay tingin kay Nanami. “Sinubukan kong pagtakpan ka, Nanami. I tried to make our relationship work but you . . .hindi mo lang ako pinagbigyan. Sarili mo lang ang inaalala mo.” Kunyaring naiiyak na saad ni Adrian sa kanya. “Ang galing mong magpaggap na parang ikaw ang biktima. Hanggang kailan mo balak magsinungaling sa mukha ng daddy ko? Ang kapal talaga ng mukha mo, binabaliktad mo pa ako.” Sigaw niya rito habang nakakuyom ang mga kamao niya. “Isa kang malaking duwag at pavictim.” Aniya pa na ikinagulat hindi lang ni Adrian kundi pati na rin ng kanyang ama dahil sa lakas ng pagkakasabi niya rito. “Totoo ba iyon, Adrian na ikaw ang nagsisinungaling at binabaliktad mo ang aking anak?” baling ni Rodel kay Adrian. “H-hindi po tito, totoo po ang sinasabi ko, may iba na ang anak mo, kaya po kami nagkahiwalay.” Pagsisinungaling pa rin ito. “Huwag ka ng magsinungaling, kapal talaga ng mukha mo!” nanggigil na sabi naman ni Nanami dito dahil patuloy pa rin itong nagsisinungaling. Bumulong naman si Adrian kay Nanami kasi magkatabi lang ang upuan nilang dalawa habang nakatitig ito sa kanya. Habang si Rodel naman ay nakatingin lang sa dalawa at sinusuri ang mga mukha nito. “Huwag kang gagawa ng bagay na pinagsisisihan mo, Nanami, dahil kakampi ko ang iyong ina. . . “Binabantaan mo ba ako ngayon dahil sa nanay ko?” bulong din niyang putol rito at binigyan niya ito nang nagagalit na tingin. “Yes, she's in support of you at mga kasinungaligan mo but guess what, tapos na ako sa pagiging puppet ko sa madrasta ko, or should i say tunay kong ina.” Sabi niya rito na ikinakunot ng noo ni Adrian. Pinikit niya ang kanyang mga mata at saka huminga ng malalim. “Natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ko hindi isinisiwalat ang mga panloloko mo sa akin?” Kinakabahang lumunok naman si Adrian at ikinuyom nito ang kamao sa ilalim ng mesa. “Hindi mo yata inalam. Sabagay, ano pa nga ba ang inaasahan ko sa isang hamak na tulad mo?” matalim na tingin ni Nanami ang ibinigay nito sa dating kasintahan. “Teka,” putol ni Rodel sa dalawa na mukhang nalilito. “Anong nangyayari dito? Ano bang pinagbubulungan ninyong dalawa riyan, naghihintay ako sa sagot mo Nanami sa mga akusasyon saiyo ni Adrian!” “Dad ako ang paniwalaan mo, nagsisinungaling si Adrian, hindi iyan ang totoong nangyari,” taas noong saad naman niya sa kanyang ama. “Nanami, pwede bang mag-usap muna tayong dalawa sa labas?” kinahabahang tanong ni Adrian. “Hindi. Wala tayong dapat pag-usapan, Adrian. Kung may sasabihin ka sabihin mo dito. I’m sure my dad won’t mind unless ayaw mong marinig niya kung ano mang kalokohan ang sasabihin mo sa akin.” Nanghahamong sagot naman ni Nanami. Kung wala ka naman sasabihin manahimik ka na lang dahil sasabihin ko na lahat ng kawalanghiyaan mo. “We were never engaged dad. Naghiwalay kami ni Adrian five years ago.” “Oh shit.” Napabuntong-hininga si Adrian, pinikit ang mga mata nang ibinagsak ni Nanami ang bomba sa harap ng ama ni Nanami. Nagbago naman agad ang mukha ni Rodel sa mga narinig. “Limang taon na ang nakalipas. . .Nahuli ko si Adrian sa isang restauran at ang ex bestfriend kong si Precilla at naghahalikan sila kitang kita ng dalawang mata ko dad! Kinumpronta ko sila at walang pagtatangi ang nangyari at lantaran pang ipinagmalaki sa akin ng haliparot na babaeng iyon na matagal na raw akong niloloko ni Adrian.” Galit na kwento ni Nanami sa kanyang ama. “Nanami please.” nagmamakaawang tawag ni Adrian sa kanya at umaasang mananahimik siya ngunit hindi niya ito pinansin. Nagpasya na siyang magsabi ng totoo at wala siyang pakialam sa mga kahihinatnan nito. “Dalawang taon na pala niya akong niloloko sa relasyon namin.” Kinuyom nito ang kanyang kamao bago ulit nagsalita habang inaalala ang pagtataksil at sakit na napuno sa kanyang puso. “Alam mo ba kung ilang beses kong naisip paghigantihan ka? Alam mo ba kung gaano ako nasaktan sa pagtaktaksil mo? Dinurog mo ang puso ko. Sinira mo ang pagmamahal at tiwala ko para sa iyo at pagkatapos ng limang taon. Nagkaroon ka ng lakas ng loob na magsinungaling sa aking ama tungkol sa pakikipagtipan mo sa iba. Tapos babaliktarin mo ako sa kasalanang ikaw ang may gawa. Wala kang kahihiyan.” Galit na galit na baling ni Nanami kay Adrian at saka niya ito binigyan ng mag-asawang sampal dahil matagal na niya iyong gustong gawin dito noon pa man. Napalunok muli si Adrian, nanginginig ang kanyang mga paa habang patuloy na nakakuyom kanyang kamao dahil sa inis kay Nanami. Umiiyak namang tumingin si Nanami sa kanyang ama. “Pasensya na po, dad. Dapat sinabi ko na sayo noon pa man ang break-up namin ni Adrian. At hinding-hindi ko dapat hinayaan ang mga kasinungalingan niya. I wanted a revenge for him pero mas pinili kong sarilinin na lang ang lahat dahil ayaw ko ng magkaroon pa ng ugnayan sa lalaking ito. Gusto ko siyang saktan at pahirapan pero mas pinili kong kalimutan na lang ang lahat at magsimula ng panibagong buhay na wala siya sa buhay ko. Galit na galit ako kay Adrian dad pero mas pinili kong manahimik.” Mahabang sabi niya at mababakas sa mukha niya ang labis na kalungkutan. Pero maya-maya lang ay pinunasan niya ang kanyang mga luha at pinapormal ang kanyang mukha. “Subalit napagtanto ko na ang lalaking iyan ay hindi karapat-dapat na paglaanan pa ng aking oras at galit ko dad.“ Nanggigil na dugtong pa nitong sabi at saka napabuntong-hininga. “Kaya Dad, hindi ako magpapakasal sa lalaking iyan. Deserve mong malaman ang totoo at ang mga dahilan ko sa pagsisinungaling ko. Kaya nasa sa inyo na kung paniniwalaan n'yo ako ni m-mommy Matilda, dad or hindi.” Huminto siya at pinakalma ang sarili. “Kaya Dad, may karapatan kang magalit sa akin sa paglilihim ko, sorry po talaga.” Umiiyak na ulit na sabi ni Nanami at hinawakan ang kamay ng kanyang ama. Halos hindi makahinga si Rodel ng makita niya ang galit at lungkot sa mga mata ng kanyang anak kaya alam niyang nagsasabi ito ng katotohanan. Nasasaktan siyang nakikita niyang nasasaktan ang kanyang anak. Inilipat nito ang tingin kay Adrian na ngayon ay namumutla na. “Kilala ko ang anak ko kaya walang dahilan upang magsinungaling siya tungkol sa isang bagay na tulad nito.” He cleared his throat para paluwagin ang pagsikip ng dibdib nito dahil sa nakikita niyang paghihirap ng kanyang anak sa piling ni Adrian. “Pero tatanungin pa rin kita. . .huminto ito at matamang nakatitig sa mga mata ni Adrian; Lahat ba ng sinabi niya ay totoo ba? Sabihin mo ang totoo at ayaw kong magsinungaling ka pa dahil kilala mo ako Adrian masama akong magalit sa taong sinungaling.” Ibinaba ni Adrian ang kanyang tingin at hindi makapagsalita. “Sagutin mo ako!” madiing ulit ni Rodel, na umagaw sa atensyon ng iilang customer at ng staff sa coffee shop na kinaroroonan nila. Gayunpaman ay walang pakialam si Nanami at nakikinig lang sa sasabihin ng manlolokong nasa tabi nito. “Niloko mo ba ang anak ko at pagkatapos ay nagsinungaling ka pa sa akin?” “I'm sorry, t-tito!” mahinang saad ni Adrian at saka napaluhod sa paanan ni Nanami. “I’m so sorry, Nanami, please patawarin mo na ako at magsimula ulit tayo, pinagsisihan ko na talaga ang nagawa ko sayo!” pagmamakaawa nito pero napaismid lang si Nanami. “Ang lakas ng loob mong magsinungaling sa akin?” galit na sabi ni Rodel na nagputol sa pagmamakaawa ni Adrian. “I'm sorry. . . po Tito. . .I'm. . . Napahinto si Adrian sa pagsasalita nang tumayo si Rodel mula sa upuan nito at humakbang patungo sa kinaluluhudan ni Adrian. “Hindi ako makapaniwala na pinaglalaruan mo kaming lahat,” galit na sabi nito sabay hawak sa kwelyo ng damit ni Adrian. Tahimik na pinagmamasdan lang ni Nanami ang kanyang ama at hindi niya itatanggi ang ibang iba nitong aura na bumabalot sa mukha ng kanyang ama. Para bang ibang tao ang kanyang ama na nakatayo sa harapan ni Adrian, madilim ang ekspresyon ng mukha nito at ngayon lang niya ito nakitang ganoon kagalit. Halos maawa siya kay Adrian pero deserve nitong maturuan ng leksyon para tumanda ito at hindi na muli pang gumawa ng pagkakamali sa iba. “Sumama ka sa akin,” sabi ni Rodel kay Adrian at lumabas ang dalawa sa coffee shop at hindi pinapansin ang mga tingin ng mga taong nasa paligid. Mabilis namang tumayo si Nanami at sinundan ang dalawa dahil natatakot din naman siya na baka kung ano pa ang magawa ng kanyang ama sa lalaking iyon kaya kailangan niyang maawat ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD