Chapter 43

1864 Words
KINABUKASAN. Maaga pa rin nagising si Nanami, kahit hindi siya makatulog ng ayos dahil sa nangyari sa kanila kagabi ni Venom. Ramdam pa rin niya sa kanyang labi ang pagdikit na labi nila ni Venom at pati na ang yakap nitong dalawang beses niyang naramdaman. Napapangiti siya nang maalala ang gabing iyon pero napapawi rin iyon ng marealize niyang napagkamalan lang siguro siya ni Venom na siya ang asawa nito. Sinuklay na lang ni Nanami ang kanyang buhok at kinalimutan na lang niya ang nangyari kagabi dahil alam naman niyang hindi na iyon maalala ni Venom lalo na at naghahalucinate lang ito kagabi dahil sa lagnat na natamo nito. Tinalian niya nang high ponytail ang kanyang mahabang buhok at naglagay siya ng pulang lipstick sa kanyang labi. Nang biglang may kumatok at pumasok doon si Amalie. “Ate Nanami, handa ka na po ba?” “Oo kanina pa ano pala ang itsura ko ngayon?” tanong niya rito kaya nag-isip naman ang bata. “Hmmn, you're so very pretty!” masaya namang sagot nito. “Salamat! Tara na!” yaya niya dito pero may tinanong ito. “May pupuntahan ka po ba pagkatapos mo akong ihatid sa school?” “Uhmn wala naman. Bakit mo natanong?” “Wala lang po nakaayos ka po kasi kaya po ay nagtataka ako kung bakit?” “Bata ka pa at hindi mo pa ito maiintindihan, tara na.” Natatawang sagot niya rito, pero ang totoo ay gusto lang niyang magmukhang maganda ngayong araw. Hinawakan na niya ang kamay ng bata at sabay silang lumabas ng silid niya. Habang pababa sila ng hagdanan ay nakita nila sina Venom at Marcel, papalabas ng opisina nito. Ngumiti si Amalie at tumakbo para yakapin ang ama ng makita iyon ng bata. “Hey! my princess, good morning!” bati nito sa kanyang alaga. “Good morning, daddy!” “Kumusta ang tulog mo?” sabay tanong nang mag ama sa isa’t isa at hinalikan ni Venom si Amalie sa noo. “Hehehe, sabay pa po tayo!” natatawang saad ni Amalie kaya napangiti si Venom. Nakangiti rin si Nanami sa dalawa at nang mapadako ang tingin niya kay Venom ay pumormal ang mukha nito. “Mukhang maganda ang mood mo, daddy? Nanaginip ka po ba ng maganda?” tanong ng bata. Natatawa namang tumango si Venom sa anak. “Kumain ka na ba?” tanong nito at hindi sinagot ang tanong ng bata. “Hindi pa po daddy, sabay na tayong kumain.” Masayang alok ni Amalie sa kanyang ama. “Okay, let’s go.” Inakbayan nito ang anak at dumaan ito sa gilid ni Nanami. “Good morning boss!” bati niya at ngitian niya ito. Pero hindi siya nito pinansin at bumaba na ang mag-ama papuntang kusina. Napawi naman ang ngiti ni Nanami at napasimangot sumunod na siya sa dalawa habang sumabay naman si Marcel bumababa sa kanya. “Anong nangyari doon?” tanong ni Nanami sa sarili. Matapos siyang yakapin nito ay parang galit naman ito sa kanya. “Bakit ’di niya man lang ako pinansin?” umiling siya at tinitigan ang likod ni Venom hanggang sa makapasok ang mag-ama sa kusina. “Tumahimik ka, Nanami. Isa lang ang ibig sabihin niyon talagang nagdideleryo lang iyon kung bakit ka niya nagawang yakapin at halikan kaya 'wag kang assuming.” Saway niya ulit sa sarili at napailing iling. Papasok na rin sana siya sa kusina ng biglang tumunog ang kanyang phone na senyales na may pumasok doon na text message. Napatingin dito si Nanami kaya nawala ang kanyang isip tungkol kay Venom at saka binasa ang nilalaman ng mensahe. Daddy: Honey, pupuntahan kita diyan sa Maynila magkita tayo. Maiksing text message ng kanyang ama kaya nakakunot ang noo niya. “TUMAHIK ka nga dyan girl. Sa palagay ko ay baka kukumustahin ka lang ni Tito kaya gusto ka niyang makita.” Nakangiting saad ni Laila. “Matagal ng hindi niya ako naaalala. Kaya ano ang dahilan kung bakit niya ako pupuntahan?” nagpanic na saad ni Nanami sa mga kaibigan habang pabalik-balik sa kanyang silid. “Marahil ay baka kakausapin ka niya tungkol kay Tita Matilda or should I say ang mommy Matilda mo,” sabi naman ni Danie sa kanya. Napaungol naman si Laila at kinontra ang sinabi ni Daniel. “Tanga, pwede bang 'wag kang nega Danie. Tinatakot mo naman si Nanami.” “Tinawag mo akong tanga?” nanlaki ang matang saad ni Danie kay Laila kaya sinimangutan nito ang kaibigan. “Tsk, nagsasabi lang naman ako ng posibleng sadya ni tito, sinabihan mo pa akong tanga, it’s hurt ah!” saad nito sabay kurot nito kay Laila. “Aray, tunay naman kasi, pero sorry na.” Nakaingos naman na sabi ni Laila kay Danie. “Kayong dalawa, tumigil nga kayo, kinakabahan na nga ako, mag-aaway pa kayo sa harapan ko.” Naiinis na saad ni Nanami sa kanyang telepono kaya natigil ang bangayan ng dalawa. “Pwede bang huwag muna kayong mag bayangan, lalo akong nalilito sainyo.” Sabi pa ni Nanami sa dalawa na nag-aktong iziniper ang mga bibig nila. “Walang dapat kasing isipin, Nanami. Hintayin mo na lang ang kanyang pagdating at pakinggan ang kanyang sasabihin.” Sabi ni Laila. “At saka, mabait naman ang daddy mo, hindi katulad ng iyong madrasta ay hindi tunay mo palang inang Tita Maldita.” Dagdag naman ni Danie. “Hindi ko pa rin alam. I doubt na sinabi na ni mommy Matilda na alam ko na ang totoo na siya ang ina ko. At baka ngayon ay mas lalo siyang maging desido ipakasal ako kay Adrian.” Naiiyak na siya nang sabihin iyon. “Oh, ano ang gagawin mo ngayon?” tanong naman ni Danie. “Hindi ko alam, siguro, hihintayin ko na lang kung ano ba talagang tunay na pakay sa akin ni daddy!” “Basta erelaks mo na muna ang isip mo, saka mo na iyan isipin kapag nagkita na kayo ng daddy mo.” Payo naman ni Laila sa kanya. Tumango naman si Danie na sinang-ayunan ang sinabi ni Laila. Umupo naman si Nanami sa gilid ng kanyang kama. At saka huminga ng malalim. “Tama kayo, pero sana naman hindi masamang balita ang sabihin ni Daddy sa akin!” “Pero Nanami, may naisip ako,” biglang sabi ni Laila kaya napatingin siya. “Ano naman iyon?” nakakunot noong tanong niya. “Bakit hindi ka na lang pumayag na pakasal kay Adrian at kapag okay na ang lahat, 'wag mo siyang siputin sa kasal n'yo, Oh 'diba nakapag higante ka na sa kanya, nakabawi ka pa kay Tita Matilda sa ginawa niya sa'yong paglilihim, kapag 'di natuloy ang kasal mo tiyak na maiinis iyon sayo.” Sabi ni Laila at napangisi. “Alam mo hindi magandang idea iyan. Sa totoo lang ay gusto kong mag higante sa lalaking iyon noon, dahil dinurog ni Adrian ang puso ko dahil sa pagtataksil niya sa akin. Gusto ko siyang masaktan ng ilang libong beses na mas masahol pa sa pananakit niya sa akin. Gusto kong makita siyang naghihirap hanggang sa kusa na siyang humingi ng tawad sa akin, pero 'di ko naman kaya iyon at hindi ko naman magagawa iyon, lalo na kung pati si dad ay maloloko ko rin at masasaktan kaya kahangalan na maghigante ako sa ganyang paraan. Ayoko nang maging komplikado ang mga bagay-bagay.” Mahabang sabi niya rito. “Na isip mo pala iyon pero mabuti at hindi mo ginawa.” Malungkot na sabi ni Laila. “Tama ka sis at saka wala ka na rin mapapala kung maghihigante ka nga sa kanya.” Sang-ayon naman ni Danie sa kanyang mga sinabi. “Huwag kayong malungkot para sa akin, Ako ang nagdala nito sa sarili ko sa ganitong sitwasyon.” “I swear, babaliin ko ang mga binti ng bastard na iyon kapag nakita ko siya.” Ungol ni Danie. “Ikaw nagbabalak pa lang ako noong nakaraang linggo nasapak ko na iyon sa ilong dahil nagkita kami sa restaurant at naasar ako sa pagmumukha noon.” Sabi ni Laila kaya natawa si Danie. “Mabuti naman at naigante mo na si Nanami, kung nandoon ako 'di lang sapak ang gagawin ko doon babasagin ko ang kayamanan niyon, pag nag-krus ang landas namin.” Matapang naman nasabi ni Danie kaya napailing si Nanami. Tumawa naman si Laila at nag apir ang dalawa. Napailing na lang si Nanami dahil sa dalawa niyang kaibigan. Habang nag-aalala pa rin siya sa pagkikita nila ng daddy niya bukas. PUMASOK si Ariana sa ward kung saan nakaconfine si Chiara at naabutan niyang wala doon ang kaibigan niya, nandoon lang ang doktor na tumingin dito at isang nurse. “Chiara, may_” Napatigil siya sa pagsasalita nang makita niyang walang laman ang kama. “Chaira?” tumingin siya sa paligid ngunit wala roon ang kaibigan niya. “Nasaan siya?” tanong niya sa doktor na nagtataka. Nagkibit-balikat ang doktor, kaya tiningnan niya ang banyo maging ang wardrobe ngunit hindi niya nakita si Chiara. “Ah paanong wala siya eh, iniwan ko siyang natutulog dito kanina? Saan kaya siya nagpunta?” nagtatakang sabi niya sa mga taong nandoon. “Nurse, doc,” napalingon ang doktor sa babaeng nakatayo sa may pinto. “Sabi raw po ng mga securities ay lumabas daw po ang isang babae kanina. Sakto po sa hinanap ni ma'am.” Agad namang lumabas ng kwarto si Ariana pagkarinig lang niya sa sinabi ng isang nurse. Patuloy na nagdadasal si Ariana at umaasa na walang ginawang masama ang kanyang matalik na kaibigan. Dahil kung uuwi talaga ito kina Venom na ganoon ang kalagayan baka mapahamak pa ito. SAMANTALA ay sumakay si Chiara sa kanyang sasakyan at pinaandar na ito upang bumalik sa bahay ni Venom Inilabas nito ang kanyang telepono at dinial ang numero ni Ariana. Tumunog ito ngunit walang sumasagot, paulit-ulit niyang sinubukan ang numero ngunit wala pa ring sumasagot. Pero mayamaya ay may nagtext sa kanya kaya binasa niya ang laman niyon. Ariana: Gawin mo na ang gusto mong gawin. Bahala ka na sa buhay mo ang tigas talaga ng ulo mo. Pero eto lang ang masasabi ko. Isang word of advice. ’WA KANG GUMAGAWA NG KATANGAHAN ULIT AT KAPAG MAY NANGYARI NA NAMAN SAYO NG MASAMA AY HINDI NA KITA TALAGA TUTULUNGAN PA. nakakapagod ka na Chiara, kaya good luck na lang sa katigasan ng ulo mo, bye! Basa niya sa nilalaman ng text messege kaya napaismid na lang si Chiara at hindi na niya tinawagan pa ang kaibigan. Huminga ng malalim si Chiara at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho nang kanyang sasakyan. Pagkarating niya sa bahay ni Venom ay agad siyang umakyat sa silid niya at pagod na umupo sa gilid ng kanyang kama habang mahigpit na nakakuyom ang kamao sa kanyang telepono. ‘Kasalan ito ng babaeng iyon. Kung lumayo lang agad ito sa mag-ama at hindi na lang siya kinalaban nito siguro ay wala siya sa ganitong sitwasyon. Tumigas ang mukha ni Chiara sa galit at naikuyom ng mariin ang kamao. Humanda ka sa akin Nanami pag-sisihan mong dumating ka pa kina Venom, hindi na ako magpipigil sa mga gagawin ko sayo sa susunod.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD