Chapter 24

2363 Words
BAHAGYANG napaungol si Nanami, habang nakapikit ang mga mata. Napakunot ang kanyang noo at napabalikwas sa pagkakahiga, umuupo ito sa kama at hinilot niya ang kanyang sintido ng imulat niya ang kanyang mga mga. Anong nangyari? Ang huling naalala niya ay. . . “Ate Nanami?” tili ni Amalie ang kanyang narinig at agad na sumugod ito sa kanya at niyakap siya nito nang mahigpit. “Okay ka na po ba?” Nanigas si Nanami habang yakap siya ng bata. Hindi niya ito niyakap pabalik pero hindi rin naman siya humiwalay sa yakap nito. “Wait here, sasabihin ko po kay daddy na gising ka na.” Bago pa makapagsalita si Nanami ay agad nang lumabas ng kwarto si Amalie. “Aray, ang sakit ng ulo ko!” muli siyang napaungol at tumingin sa paligid ng silid. “Kahit madilim ay mahahanap kita, dahil papatayin kita.” “Umalis ka sa isip ko, demonyo ka.” Malakas niyang ipinilig ang kanyang ulo dahil naririnig na naman niya ang sinasabi ng killer. Isang alaala ang muli na namang bumalik sa kanyang isipan na pumupuno sa kamalayan niya noong bata pa siya na naging dahilan para malagay siya sa ganoong kalagayan. Sakto namang pumasok sina Venom at Amalie na naabutan si Nanami habang sabu-sabunot nito ang buhok. “Tingnan mo dad, gising na siya.” Nakangiting sabi ni Amalie, ngunit nawala ang ngiti ng bata ng makita ang kanyang yaya sa ganoon ayos. Humakbang papalapit si Venom kay Nanami na kasalukuyang nakatitig na sa kanya ng matiim. “My princess?” “Po daddy?” “Pwede mo ba kaming bigyan ng privacy ng yaya mo para makapag-usap?” “Bakit po dad, pagagalitan mo ba siya?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. “Hindi ko siya pagagalitan promise.” “Sige po babalik na lang po ako kapag tapos na kayo mag-usap, okay?” “Sige ate Nanami, babalik ako mamaya.” Sabi nito kay Nanami bago lumabas ng kwarto, pero tiningnan muna nito ang kanyang ama na nagpapahiwatig ng isang babala. Nang makaalis na ang anak ni Venom ay tinanong niya si Nanami, “Baka may gusto kang sabihin sa akin?” tanong nito kay Nanami. Bumangon si Nanami sa kanyang kama at lumapit kay Venom. Nang makalapit ito ay hinawakan nito ang kwelyo ng shirt ng lalaki at masama itong tiningnan ni Nanami. “Ikaw, saan mo ako dinala kagabi? Bakit mo ako ikinulong? Sagutin mo ako!” “Alisin mo ang mga kamay mo sa kwelyo ko.” Mahinahon niyang utos kay Nanami. “At kung ayaw ko ano ang gagawin mo ikukulong mo naman ako?” paghahamon ni Nanami kay Venom habang niyuyugyog siya nito sa sobrang inis nito sa kanya. “Iyan lang ba ang sasabihin mo matapos kitang iligtas kahapon habang naghehestirikal ka?” “Iniligtas? Hindi mo ako iniligtas dahil kung hindi mo ako ikinulong sa silid na iyon. Hindi, hindi babalik sa akin ang mga bangungot na matagal ko ng hindi nararanasan.” Mataas na boses na sabi ni Nanami habang naiiyak. Inalis ni Venom ang kamay niya sa kwelyo niya at nagkibit balikat. “Kasalanan mo na iyon. Kung hindi ka sana tsismosa in the first place hindi kita ikukulong, hindi sana ako magagalit sayo.” Napalunok si Nanami habang umuurong. Nandoon na siya pero gan'on pa rin nagpaliwanag na rin naman siya, hindi lang talaga niya ito siguro napaniwala. Pero wala pa rin itong karapatan na ikulong na lang siya ng ganoon-ganoon lang! “Hindi ko naman itinatangi, pero wala ka pa rin karapatan na sakalin ako sa ganoong dahilan lang at mas masahol pa ikinulong mo ako na parang bilanggo na para bang ang laki ng kasalanan ko. Kaya stop treating me like a trash, in fact, stop treating people like a sh*t.” Matapang na sabi niya at itinuro nito ang daliri kay Venom at masama niya itong tiningnan. “Sa susunod na ulitin mo pa ang ganito, makakalimutan kong amo kita at tatawag ako ng mga pulis para isumbong ko ang kalupitan ginagawa mo sa akin.” Banta nito habang nanggigil sa galit. Pinakatitigan naman ni Venom si Nanami, dahil sa tapang na mayroon ito ngunit ngumisi lamang si Venom at nagkibit-balikat. “Sa tingin mo matatakot mo ako sa mga pinagsasabi mo? sila ang matatakot sa akin at hindi ako ang matatakot sa kanila.” Sabi naman ni Venom at seryosong tumingin sa kanya. Kaya natahimik si Nanami at hindi makapaniwalang wala man lang mababakas sa lalaki na natakot ito sa kanyang banta. “Ngayon, manahimik ka na sa kaartehan mo at sagutin na lang ang mga itatanong ko sayo?” madiing sabi ni Venom kaya napalunok si Nanami. “Anong nangyari sayo kagabi sa kulungan?” “Wala ka na roon, at kahit anong gawin mo ay hinding hindi ko sasabihin, sayo.” Pagmamatigas na sabi ni Nanami. “Okay madali naman akong kausap, in fact wala naman akong pakialam sa nararanasan mo. Kaya sige na at magpalakas ka lang muna ngayon. Baka isipin pa ng anak ko pinabayaan kita.” Kibit balikat na sabi ni Venom sa mababang boses, kaya napakunot noo naman si Nanami sa pagbabago ng mood nito. ‘Anong nangyayari?’ MAY kumatok sa pintuan ng silid ni Amalie. At isang malawak na ngiti ang sumilay sa mukha ng batang babaeng habang nagmamadaling buksan ang pinto pero nawala rin ang ngiti ng bata ng makita kung sino ang kumakatok ang taong hindi niya inaasahang makikita. Kumunot ang noo niya. “Kayo po pala.” Ngumiti naman si Chiara sa pamangkin at kumaway. “Hi, my princess.” “Wala pong sinuman ang tumatawag sa akin ng ganyan maliban sa aking daddy. Kaya po don't call me princess.” “Oops! Sorry, my nepnew. Well, hindi ko kasi alam ang pangalan mo, kaya iyan ang tinawag ko sayo.” “Hindi ko po kasi sinasabi sa mga estranghero ang pangalan ko.” Ani naman ni Amalie. “Ouch, tita mo ako kaya hindi ako stranger lang.” Nagkunwaring nasaktan si Chiara at inilagay pa ang kanyang kamay sa kanyang dibdib. “Hindi po kita kilala at hindi rin po kita nakikita and that makes you a stranger to me.” “Pwede namang tayong magpakilala sa isa't isa, ano sa tingin mo?” nagkibit balikat lamang si Amalie. “Pwede bang pumasok man lang diyan sa silid mo, for a while please?” at nagpapungay pa nga ito ng mga mata. Nag-alinlangan si Amalie na papasukin ang babae, pero bumalik siya sa loob ng kanyang silid at binigyan si Chiara ng pagkakataong makapasok. “Sige po pwede naman!” Ngumiti naman si Chiara at naglakad papasok sa loob ng silid ni Amalie. “Thank you! Wow, ang ganda naman ng kwarto mo.” “Alam ko po, ako mismo ang pumili ng mga dekorasyon.” Maayos namang sagot ni Amalie kay Chiara. “Kaya pala ang ganda!” sabi naman ni Chiara at umupo sa upuan na naroon. Tumingin siya sa paligid at pinagmasdan ang kabuuan ng silid. “Oh! Hindi pa pala ako nagpapakilala.” Iniunat niya ang kanyang kamay. “Hi, ako nga pala si Chiara, call me tita Chiara or tita Ara for short ang nag-iisang kapatid na ng iyong mommy.” Nanlaki ang mga mata ni Amalie, “Talaga? Kapatid ka ni mommy Nami?” “Yes.” “Nagsisinungaling ka, bakit hindi ka nabanggit ni daddy sa akin kung tita kita?” Tanong ni Amalie at binigyan ng kahina-hinalang tingin si Chiara kahit may hawig ito sa mommy niya. “Patuloy mo akong sinasaktan sa mga salita mo sa akin. Bakit ako magsisinungaling tungkol sa bagay na iyan? Siguro nakalimutan yata ng daddy mo na sabihin sa iyo ang tungkol sa akin.” “Talaga, paano mo naman po mapapatunayan na kapatid ka nga po ni mommy?” “Mukhang matalino kang bata, may paganyan ka pang nalalaman. Pero sige papakitaan kita ng pruweba na kapatid nga ako ng mommy mo at tita mo talaga ako. ” At pinakita ni Chiara ang larawan nila ni Nanami noong mga dalagita pa lang sila na magkaakbay, magkahawig na magkahawig nga ang dalawa. Mapagkakamalan nga ng iba sa mga hindi nagkakakilala sa kanila na kambal sila dahil para silang pinagbiyak na bunga kaibahan lang ay medyo may katarayan ang mukha ni Chiara habang si Nanami na asawa ni Venom ay may maamong mga mata. Pinakatitigan naman iyon ni Amalie at saka tumango-tango. “Okay naniniwala na po ako.” Sabi naman ng bata at ibinalik ang lumang larawan ng kanyang mommy at ng babaeng ito sa kanyang harapan. “Ayan na pakita ko na magkapatid talaga kami ng mommy mo, so sasabihin mo na ba sa akin ang pangalan mo?” nakangiting tanong ni Chiara. “My name is Amalie po.” Sabi ng bata at nakipag kamay ito kay Chiara, para na itong matanda kong umasta kaya napairap naman ng lihim si Chiara. “Nice to meet you, aking pamangkin.” “Nice to meet you rin po,” at nakadaupang palad ang mag-tita. “Bakit nga po pala ang tagal bago ka sa akin nagpakilala at nagpakita?” tanong ni Amalie pagkatapos ng sandaling katahimikan. “Ganito kasi, kakauwi ko lang galing Las Vigas seven years ako roon namalagi.” “Oh, malayo po ba iyon kaya hindi ka makadalaw dito, saang planeta po ba iyon?” natatawang saad ng bata na tila iniinis siya. “Hindi, ibang bansa iyon or abroad. Iyon ang tawag sa malayong lugar na pinuntahan ko.” Paliwanag naman ni Chiara. Tumango tango naman ang bata. “Nag-aaral ka pa ba?” “Five years old pa lang po ako ano sa tingin mo po? alangan namang nagwowork na ako, syempre po nag-aaral pa ako?” “f**k, bakit ko ba tinanong sa kanya ang ganyang mga walang kwentang tanong? ang Bobo mo self. Pero, bakit ba ang batang ito ay patuloy akong kinakausap ng ganito? I'm freaking trying my damn best to be nice to her, pero lagi niya akong binabara. If she will continue like this, I swear I will break her into pieces kapag binara pa ako nito mamaya.” Bulong ni Chiara sa kanyang sarili. “Okay, I admit, that was a dumb question to ask. Gusto ko lang ituloy ang usapan natin para magkakilala pa tayo ng lubusan.” Nagtitimping saad naman ni Chiara. “Tita Chiara right?” “Yes, my dear, call me tita Chiara, I like that.” “Alam n'yo po kasi, tatapatin na po kita, I don't like you, hindi ko po kasi gusto ang paraan ng pakikipag-usap mo sa aking yaya noong una kang dumating dito.” Sabi naman ni Amalie. “Anong ibig mong sabihin?” “Napakasungit at ang masama mo po sa kanya. Tinatrato mo siya na parang basura at ayoko noon,” pagpapatuloy ni Amalie. ‘How about, I dump you in a trash can, you spoiled brat!’ bulong naman ni Chiara ngunit nakangiti pa rin siyang nagsalita. “Bastos din naman ang yaya mo sa akin, tama ba na hindi ako sinunod ng utusan ko siya, remember?” “Ikaw po kasi ang nauna, kung hindi ka naging bastos sa kanya, hindi niya ibabalik sayo ang pinakita mong masamang ugali.” Kibit-balikat lamang na sabi ni Amalie. “Ilang taon na ba talaga ang batang ito? Baka naman matanda na ito at nagpapanggap lang na bata, tsk!” bulong ulit ni Chiara at naiinis na sa bata. “Hindi ba tita mo ako, dapat nasa akin ang kampi mo.” “Ngayon lang po kita nakilala. At si yaya ay kilala ko na, kaya po si Yaya ang kakampihan ko. Kung ang yaya ko ang nagsimula, siguradong hindi ko naman po siya kakampihan,” pagtatanggol naman ni Amalie kay Nanami. Nagulat naman si Chiara, at hindi makapaniwalang nakatingin sa bata. “Bakit gaano mo na ba katagal na yaya ang babaeng iyon?” “Uhm, two months na po.” “Dalawang buwan pa lang?” naningkit naman ang mata ni Chiara. “Opo.” “Ganoon lang kaiksi ang pinagsamahan ninyo, pero kung ipagtanggol mo siya parang siya na ang nagpalaki sayo as mommy mo, I can't believe this.” Medyo inis na sambit nito. “At least she's prettier than you, I mean, better than you. I've only known you for a few hours, even though you're my aunti, but I know my ate Nanami is better than you.” Sabi pa ni Amalie kaya naputol na ang pisi ng pagtitimpi ni Chiara sa pamangkin. Kaya sasagutin na sana niya ang pamangkin ng biglangñ tumunog ang phone ni Chiara. Tinitigan niya ang caller ID at nakita niya ang pangalan ng kanyang best friend. Isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha at pinakalma ang sarili. “Sige, kung iyan ang nasa loob mo, igagalang ko ang mga sinasabi mo, but bigyan mo rin ako ng pagkakataon na makilala mo ako, and I promise I'll be better than your yaya. Okay so, mamaya na lang ulit tayo magkwentuhan. Sasagutin ko lang ang tumatawag sa akin, babalikan kita mamaya, (para tirisin kang kutong lupa ka) para ituloy natin ang pagkilala sa isa't isa.” Paalam ni Chiara. ‘Buti na lang tumawag ang ninang mo kundi, may kalalagyan ka sa aking bata ka, manang mana ka sa mommy mo.’ Muling bulong ni Chiara at muli itong nagpaskil ng pekeng ngiti. “Okay tita, take your time.” Inosenting ngiti nito at hindi pinansin ang mga pinagsasabi ni Chiara. Pero sa loob-loob ng bata na sana huwag na itong pumasok sa silid niya mamaya. “Sige bye, pamangkin.” Huling paalam ni Chiara bago tumungo ito sa pintuan at sinagot kaagad ang tawag. Sinundan naman ng tingin ni Amalie ang kanyang tiyahin hanggang sa makalabas na ito ng kanyang silid agad namang isinara ni Amalie ang pinto. Ayaw niya sa babaeng iyon sa totoo lang, mas gusto niyang maging tita ang ate Nanami niya kaysa sa babaeng iyon. May kung ano kasi sa pagkatao nito ang hindi gusto ni Amalie lalo na sa way nito sa pakikipag-usap nito kahapon sa kanyang manang Eve.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD