CHAPTER 23

2546 Words
“ANONG nangyayari?” tanong ni Eve ng makitang mugto ang mga mata ni Mela. Tumingin si Mela kay Manang Eve. “Bakit ba? Anong nangyari?” “Please ayoko po munang pag-usapan manang.” Sabi nito at naglagay ng tubig sa ginigisa nitong bawang at sibuyas. Bumuntong hininga si Manang Eve at humakbang palapit kay Mela at iniba na lang ang tanong niya. “Nakita ko ngayon lang si Dr. Bernard na umalis ng bahay. Anong nangyayari? May sakit ba si Amalie?” “Hindi po wala namang sakit si Miss Amalie.” Umiling si Mela at sinimulang haluin muli ang kumukulong sabaw ng sopas. “Si Venom ba ang may sakit?” tanong ulit ni manang. “Hindi rin po, pero himala kung si master gagamotin, pero hindi po siya.” “Kaya nga naguguluhan ako. Sino kaya ang may sakit? kung hindi si Amalie or si Venom sino pa ba ang gagamotin ni Bernard dito?” Nagkibit balikat si Mela. “Si Nanami po ang ginamot niya kanina.” Napataas ang kilay ni Eve. “Si Nanami? Ano naman ang nangyari sa batang iyon?” “Hindi ko rin po alam, manang.” Kibit balikat na sagot naman ni Mela. “Mahabagin, kung ganoon grabi ang nangyari sa batang iyon, dahil kung simpleng sakit lang iyan hindi ipapatawag ni Venom ang family doctor nila? Ano kayang nangyari sa kanya?” nag-aalalang tanong ni manang Eve. “Hay naku manang 'wag ka ng mag-alala doon mas mag-alala ka dapat sa sarili mo, ikaw dapat ang pinapagamot ni Master Venom, imbis na kung sino lang.” Saad naman ni Mela. “Hoy, 'wag ka namang ganyan sa kapwa mo? Mabait naman si Miss Heart kaya wala namang masama kung mag-alala ako sa batang iyon.” Napabuntong hininga naman si Mela tama naman ito pero 'di talaga niya maiwasang makaramdam ng kaunting inis sa bagong yaya ni Amalie. “Pero manang narinig ko kanina na pinagalitan ni master si Nanami at sinakal daw ito, kasi naman nakikinig siya sa amo natin at doon sa babaeng dumating kagabi. Habang nag-uusap ang dalawa sa library ni Master Venom.” Kwento nito kay manang Eve kaya nagulat ang matanda. “Ano? Bakit niya gagawin ang bagay na iyon, sus mareyusep na batang iyon, napaka-ususera kasi.” “Pero mabuti na rin iyon, she deserves whatever punishment she got. Pero medyo naaawa ako sa babaeng iyon. At naguguluhan din ako,” binaling ni Mela ang atensyon kay Eve. “Bakit pa ipinatawag si Dr. Bernard kung pinarusahan ni Master si Nanami, 'di ba dapat galit siya doon? At ito pa, inutusan lang naman ako ni master na ipagluto siya ng sopas? Hindi ko gets.” Naguguluhang saad ni Mela kaya pati si Manang Eve ay hindi rin mapaniwalaan ang ginawa ng kanyang alaga sa dalaga. “Ahh si Venom ang nag-utos sa iyo na gumawa ng sopas para kay Heart?” hindi makapaniwalang tanong ni Eve. “Opo. Personal na sinabi sa akin ni Marcel ito kanina, na ipaghanda ko raw ng mainit na sopas si Nanami dahil utos raw iyon ni Master.” Sabi nito. “Hmmn! Nakakapanibago nga ang lahat ng ito at hindi kapani-paniwala. Baka naman pinilit yata ni Amalie ang kanyang ama na gawin ang lahat ng ito. Alam naman nating lahat kung gaano kagusto ng batang iyon ang kanyang yaya.” Sapantaha ni manang Eve sa lahat na nalaman niya ngayong araw. Nagkibit balikat si Mela, “Siguro nga po manang, sige na po at bibilisan ko na ang pagluto nito.” “Sige tutulungan na kita.” Alok ni Eve. “Naku manang huwag ka na pong mag-abala kaya ko na ito, salamat po.” "Okay lang gusto kong tumulong para mapadali ang pagluto mo niyan.” Giit nito. Tumawa si Mela at umiling. “Hay manang kahit kailan talaga ’di ako manalo-nalo pagdating sayo.” Natawa na rin si Manang pero hindi pa rin mawala sa isipan niya na parang unti-unti na muling nagbabago si Venom mula ng dumating si Nanami sa buhay nila. “PWEDE bang tumigil ka na sa paglakad-lakad mo nahihilo na ako kasusunod ng tingin sayo.” Reklamo ni Danie kay Laila. Sinamaan siya ng tingin ni Laila at nagpatuloy sa palakad lakad. “Umupo ka nga muna at magrelax dahil walang mangyayari sa ginagawa mo, mahihilo ka lang sa kalikutan mo.” Sabi pa ulit ni Danie kay Laila. Nang makarinig sila ng katok na sinundan ng pagtunog bell nila sa pintuan. Nagmamadaling binuksan ni Laila ang pinto. Makalipas ang ilang segundo bumalik siya sa sala kasama na nito sina Raphael at Luke. “Oh, hi babe.” Napangiti si Danie ng makita ang kasintahan. Umupo si Luke sa tabi niya at hinalikan ito sa labi. “Ano bang ginagawa mo rito?” Tumango si Luke kay Laila na kausap din ang nobyo na mukhang nag-aalala at natatakot si Laila. “Tinawagan ako ni Laila, kaya pumunta kami dito.” “Ahh! Pero bakit hindi niya sinabi sa akin na pupunta kayo?” “Talaga? baka nawala sa isip niya.” Nagkibit balikat si Luke kaya napatango naman si Danie sa nobyo. “Hindi ka ba busy sa trabaho mo?” tanong ni Danie. “Medyo pero pagdating sa iyo at sa mga kaibigan mo, lagi akong available. At saka, wala namang kaso sa akin kung iwanan ko muna saglit ang ginagawa ko.” Ngumiti ito. Naglakad naman si Laila papunta sa kanilang dalawa. “I have been trying to call her number since pero hindi niya sinasagot dalawang araw ko na siyang hindi makontak. Nag-aalala na talaga ako kay Nanami.” “Hindi ko alam kung bakit ka nag-aalala, Laila. Sigurado akong ayos lang si Nanami doon baka busy lang iyong tao.” katwiran ni Danie. “Nagbibiro ka ba?” “Nag-aalala nga ako ng mabasa ko ang huling text message niya? Tingnan mo!” Inilabas niya ang phone niya sa harap ng mga mukha nila. “She was practically scared when she sent us this message and what, you expect me to fu*king calm down?” Hinawakan ni Luke ang cellphone ni Laila at binasa ang mensahe, nagsalubong ang mga kilay nito. “Hindi mo ba siya kinausap simula noong itext ka niya?” tanong nito kay Laila. “Hindi na nga siya nagrereply tinawagan ko rin siya matapos kung mabasa iyon pero hindi na naman nito sinasagot.” Umiling si Laila. “Babe, please stop panic. Baka okay lang si Nanami nag ooverthink ka lang.” Pahayag naman ni Raphael sa kasintahan. “Iyon nga ang problema! She may be okay and pwede ring baka hindi siya okay. Kung hindi ko siya agad makausap bago matapos ang araw na ito susugod na ako sa kanyang pinagtatrabahuhan, I swear!” nanggigil na sabi nito. “Tsk alam mo ba ang Address? Kung alam mo sasamahan ka pa namin?” tanong naman ni Luke at Danie. Kinagat ni Laila ang ibabang labi at bumuntong-hininga. “Hindi nga eh.” Nalulungkot na sabi nito. “Come here!” ipinulupot ni Raphael ng mga braso sa katawan ni Laila at hinila siya palapit dito. Hinalikan nito si Laila sa noo at sinabing, “Huwag ka ng mag-alala. Pero susubukan nating tawagan nang paulit-ulit si Nanami at hindi ako aalis at sasamahan ko kayo hanggang sa sagutin na ni Nanami tawag natin o baka tumawag ito sa atin mamaya, malay natin.” Pagpapagaan ng kalooban nito sa kasintahan. Pilit na ngumiti si Laila at saka tumango. Ginulo naman ni Danie ang buhok ni Laila at nagpakawala ng malalim na hininga. “Sasabunutan ko ang babaeng iyon kung ayos lang siya ngayon at pinaprank lang tayo. Uubusin ko talaga ang buhok niya sa baba.” Pagbabanta ni Danie kay Nanami kaya natawa si Laila pati na ang dalawang lalaki. “Ako rin, masyado niya akong pinag-aalala, pero sana ayos lang siya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa pinsan ko s***h bestfriend kong iyon.” Natatawa ngunit nag aalala ito ng mga oras na iyon. “NANDITO siya. Gusto niya akong patayin. Nandiyan na siya. Pakiusap iligtas mo ako Please . . .tulungan mo ako.” “Please, help me, 'wag mo akong ibibigay sa kanya, papatayin niya ako.” Napakagat labi si Venom ng maalala niya ang mga sinabi ng babaeng iyon sa kanya ng gabing nasa torture room sila kung saan niya pinadala ang babaeng iyon. “Ano bang nangyayari sa kanya?” sa isip ni Venom habang nakatitig sa kawalan. “Sino naman ang papatay sa kanya? Ako ba ang tinutukoy ng babaeng iyon?” Pagtatakang tanong niya sa sarili habang mahigpit na hinawakan ang bote ng alak. Na alala niya na ganoon din ang kanyang asawa tuwing magigising ito noon sa panaginip o mas higit na sabihing kapag binabangungot ito at ganoon din ang mga katagang namumutawi sa bibig ng kanyang asawa ay kapareho sa nanababangit ng yaya ng kanyang anak. Bakit ganoon din ang mga sinabi ng yaya ng kanyang anak? “May trauma din ba siya tulad ng sa asawa ko? How the fu*k is that even possible?” Napaungol siya sa frustration at galit, sabay lagok ng alak. May mga itatanong siya at tanging yaya lang ng kanyang anak ang makakasagot dahil patay na ang kanyang mahal na asawa. May koneksyon ba silang dalawa at pareho ang mga lumalabas na mga kataga sa dalawa tuwing nanaginip ng masama? Nagkaroon din ba ng trauma ang babaeng iyon? O nagkataon lang ang lahat? Binaba niya ang bote sa desk at lumabas ng kwarto. TUMIGAS ang mukha ni Venom ng makita niya si Chiara na nakaupo sa isa sa mga couch sa sala habang abala ito sa kakadot-dot nito sa cellphone nito habang humihigop ng isang baso ng alak. Lumapit siya dito at mahigpit itong hinawakan sa braso kaya nagulat ito ng bigla na lamang siyang hablutin ni Venom Pero imbis na magalit ay matamis lamang niya itong nginitian. “Bakit nandito ka pa?” angil niya. “'Di ba sinabi ko sayo ay hindi ako aalis sa bahay mo.” Sabi nito sabay iling. “Nandito ako para makasama ang aking pamangkin, ano ang mali doon?” “Ikaw. Ikaw ang mali, hindi mo ba nakikita na galit pa rin ako sayo, ha? ang presensya mo ang nakakagalit sa akin. Nakakairita 'yang pagmumukha mo. Para kang surot na gusto kong durugin.” Itinuro nito ang hintuturo sa kanya at pabalang na binitawan nito ang braso ng babae. “Matagal na kitang gustong patayin pero ang nagpatigil sa akin ay ang kapatid mo at siya pa rin ang pumipigil sa akin hanggang ngayon dahil magkapatid pa rin kayo. Pero I swear, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka kung hindi ka umalis sa paningin ko at sa buhay ko.” Nanginig naman ang mga binti ni Chiara dahil ramdam niya na sobrang galit pa rin talaga ito sa kanya. Mula noon hanggang ngayon. Kinagat niya ang ibabang labi saka pinakalma ang sarili at hindi pinahalata dito na may konting takot siya para kay Venom. Alam din niya kung paano ito magalit pero sanay na siya pero hindi pa rin niya maiwasang matakot dito. “May karapatan din ako para sa pamangkin ko at hindi mo iyon pwede ipagkait sa akin, anak siya ng kapatid kong si Nanami.” Matigas na sabi niya ng mawala na ang takot niya kay Venom. Lumambot ang mukha ni Venom ng mabanggit ni Chiara ang pangalan ng asawa niya. “Saka bago maaksidente si Nanami ay nagtext siya sa akin at hinabilin niya ang pamangkin ko sa akin, pati na ikaw kaya wala kang magagawa kung hindi ako aalis dito.” Taas noong sabi nito. “Ano pinagsasabi mo? Kailan kayo ng usap eh, patay na siya?” naiinis na tanong ni Venom dahil pinagloloko siya ng babaeng ito. Kinuha ni Chiara ang kanyang cellphone at nag-scroll ito ng ilang segundo at sa wakas ay huminto ito sa isang partikular na text message sa inbox nito. “Here,” inabot nito sa kanya ang phone nito. Inagaw ito ni Venom at binasa ang message na galing sa unknown number. Hi Chiara. Si Nanami Ito, Ang Kapatid Mo. Kumusta Ka Na? Nag-aalala Ako Sayo Dahil Ang Tagal Na Ay Hindi Ka Pa Rin Nagpaparamdam Sa Akin. Sana Okay Ka Lang. Hindi Mo Ako Kailangan Replyan, Kasi Alam Kong Galit Ka Pa Sa Akin Sa Nangyari Sa Pagitan Natin. Bagamat Medyo May Galit Pa Ako Sayo Ay Hindi Pa Rin Kita Matiis Dahil Kapatid Kita At Napatawad Na Kita. Kaya Ako Nagtext Sayo Ngayon. Sana Ay Mabasa Mo Ito At Huwag Mo Agad Burahin. Alam Mo Ba May Good News Ako Sa Iyo, Buntis Na Ako Sa Unang Anak Namin Ni Venom! Super Excited Ako Maging Nanay At Oo Magiging Tita Ka Na Mahal Kong Chiara, Alam Kong Maraming Pagkakaiba Tayo At Alam Kong Nagagalit Ka Pa Rin Sa Akin Pero Pwede Mo Bang Kalimutan Na Natin Ang Lahat? At Magsimula Tayo Ulit? Gusto Ko Nandito Ka Kapag Ipinanganak Ko Siya. Ikaw Na Lang Ang Pamilya Ko, Gusto Kong Makita Ng Anak Ko Ang Nag-iisang Kapatid Ng Kanyang Ina. Please, Chiara. Kaya Mo Ba Itong Ibigay Sa Akin? Sana Kapag Nabalitaan Mong Nanganak Na Ako Ay Umuwi Ka At Bisitahin Mo Ako, Miss Na Miss Na Kita Kapatid Ko Sana Mapatawad Mo Na Ako. Uwi Ka Na Please!! Basa ni Venom at tiningnan niya ang numerong ginamit ng sender at totoo nga sa asawa niya iyon. Pinisil ni Venom ang cellphone na halos masira ito. “Gusto niyang makita ko ang anak niya at bisitahin ko bago siya maaksidente, hindi lang ako makapunta dahil sa trabaho ko doon. Marami akong contract sa Las Vegas bilang model kaya hindi ko iyon pwedeng bitiwan dahil makukulong ako kapag iniwan ko iyon doon dahil nakaperma na ako ng kontrata. Ikinalulungkot kong wala ako dito noong ipinanganak niya ang pamangkin ko at lalo na din sa kanyang libing. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko natupad ang hiniling ng kapatid ko bago siya mawala.” Na iiyak na sabi ni Chiara at pinunasan ang luha. “Kaya please,” pinagdikit niya ang mga kamay at parang nagmamakaawa, “'Wag mo akong paalisin sa buhay ng pamangkin ko. Gusto ko talagang makasama ang maganda kong pamangkin. Please, hayaan mong tuparin ko ang huling hiling ng yumaong kapatid mo.” Sabi pa nito at lumuhod pa ito sa harapan ni Venom. Naikuyom naman ni Venom ang kanyang kamao at nagtagis ang kanyang mga bagang at pagkatapos ay inihagis ang cellphone ni Chiara sa sopa, at walang sabi-sabing bumalik siya sa itaas sa kanyang silid at nakalimutan nang puntahan si Nanami sa sariling clinic nila sa bahay niya. Ngumisi si Chiara habang pinupunasan ang mga luha sa kanyang mukha. “Salamat, mahal kong kapatid. Kung hindi ka nagpadala ng katangahang mensaheng ito ay wala na sana akong dahilan para manatili dito dahil alam kung gagawin talaga iyon ni Venom sa akin. Minsan sa buhay mo, may nagawa kang mabuti para sa akin. Huwag kang mag-alala, aalagaan kong mabuti ang asawa mo sa oras na mahulog ulit siya sa kagandahan ko.” Malademonyong ngiting sabi niya sa sarili at muling umupo sa sopa at uminom ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD