CHAPTER 22

2568 Words
NANLAKI ang mga mata ni Nanami ng mahulog siya sa mga bisig ng kanyang amo. Parang tumigil ang mundo niya ng mapatitig ang mga mata nila sa isa’t isa. Nakadikit ang mga palad ni Nanami sa matigas at malapad na dibdib ng lalaki habang ang mga braso nito ay mahigpit na nakapulupot sa bewang niya. Ang galit sa mga mata nito ay nagsasalita ng kamatayan para sa kanya, ngunit ang mga braso nito na nakayakap sa kanyang baywang ay nagbigay sa kanya ng kaginhawahan at proteksyon. Bumibilis naman ang t***k ng puso ni Venom ng muli silang magkalapit ni Nanami sa ikalawang pagkakataon. Nagagalit siya pero at the same time ay nagugustuhan niya ang presinya nito habang yakap-yakap niya ang babae. Itutulak na sana niya ito kaagad ito, ngunit tulad ng dati sa kusina ay hindi niya nagawa kaagad ito sa babae sa halip ay ninamnam nito ang sandaling kayakap niya ang babae ngayon. Parang nag-freeze ang sense of reasoning niya at ang tanging naiisip niya ng mga sandaling ito ay ang mahal niyang asawa at hindi ang babaeng kayakap niya. Samantalang si Nanami naman ay biglang nanghina ang mga paa at bigla na lamang iyong lumabot kaya lalo siyang napakapit sa dibdib ng lalaki na kung hindi dahil sa pagkakahawak nito sa kanya ay baka bumagsak na siya sa sahig. ‘Ano bang problema sa akin, bakit bigla akong nanghina? May sakit ba ako bigla, kaya ako nanghina?’ sa isip ni Nanami ng maramdaman niya ang kanyang panginginig pero mayamaya lamang ay bumalik na ang kanyang lakas ng pakalmahin niya ang sarili. Unti-unting lumawak ang ngiti sa labi niya at binati ang amo, “Magandang gabi!” ngiwi ni Nanami ng bigla siyang pakatitigan ni Venom. Agad naman siyang binitawan ni Venom ng makabalik ito sa katinuan ng magsalita ang babae. Mabilis na niya itong itinulak ngayon palayo sa katawan niya at napaatras ng ilang hakbang. “A-anong ginagawa mo rito? Bakit ka nasa tapat ng pintuan ko?” angil niya ng makabawi sa nangyaring naganap sa kanila ng babaeng ito. Kinagat naman ni Nanami ang ibabang labi at doon napako ang tingin ni Venom sa mapupulang labi ng dalaga. Napalunok ito ng wala sa oras at parang bigla siyang nauhaw, kaya nalilito siyang napasasuklay sa kanyang buhok at sinamaan niya ng tingin ang babae. Bakit? Bakit patuloy na pinapaalala ng babaeng ito ang presensya ng kanyang asawa? Bakit? Dahil ba pareho sila ng pangalan o dahil pareho sila ng mga mata ng kanyang yumaong asawa? Kailangan na niyang tapusin ang lahat ng kalokohang ito. Hindi niya hahayaang guluhin siya nito sa ganitong paraan. Marami na siyang pinoproblema at hindi niya pwedeng idagdag pa sa kanyang isipin ang babaeng ito na nasa kanyang harapan. Habang si Chiara naman na nanonood sa kanila ay napakuyom ng kamao dahil sa selos nasa likod siya ni Venom sa loob ng library na iyon dahil kausap siya nito kanina bago nangyari ang eksinang ito sa dalawa. Pakiramdam niya ay gusto niyang sakalin ang babae hanggang mamatay. Ngunit ayaw naman niyang gawin iyon sa harapan ni Venom at baka kung ano pa ang isipin nito. Lumunok naman ng laway si Nanami at sinagot ang tanong ng lalaki. “Pasensya na may hinahabol kasi akong daga na papasok sa pintuan mo, huhulihin ko sana.” Napangiwi si Nanami sa kanyang sinabi dahil palusot lamang niya iyon dito. Nauuyam naman si Chiara sa alibi ng yaya ng pamangkin niya at umikot ang kanyang mga mata sa sinabi ng babae kay Venom. “Naghahabol ng daga? Or more like is, nakikinig sa usapan natin.” Biglang sabat naman nito. Sinamaan naman ng tingin ni Nanami ang babaeng pinaglihi yata sa clown dahil sa kapal ng make up nito pero tama naman ito ng hinala sa kanya. Ibubuka na sana ni Nanami ang kanyang bibig para magsalita nang bigla niyang maramdaman ang pangangatal ng kanyang katawan dahil sinasakal na pala siya ni Venom ng mga sandaling iyon. Habang si Chiara naman ay nagulat sa umpisa pero mayamaya lamang ay may napangisi na ang mga labi nito at parang nasisiyahan sa ginagawa ni Venom sa kanya. Kaya imbis na awatin ay nagkibit balikat lamang ang bruha. Pilit na kumawala si Nanami sa higpit ng pagkakahawak ni Venom sa kanyang leeg, ngunit habang lumalaban siya ay mas lalo lamang nitong dinidiinan ang pagpisil sa kanyang lalamunan. “Sabi ko naman sayo na sa susunod na hawakan mo ako papatayin na talaga kita, 'di ba?” madiin nitong sabi. “Hindi, hindi. . .ako. . .makahinga, hindi . . .ko naman sinasadya. . .” Sabi niya sa garalgal na boses. Parang nawala na si Venom sa sarili niya ng mga oras na iyon at ang tinging laman na lamang ng isipan nito ay nakatuon sa pananakal sa kanya. Halos mawalan na siya ng malay nang bitawan siya nito at bumagsak siya sa sahig na nanghihina. “Dalhin mo siya, alam mo na kung saan mo siya dadalhin, siguraduhin mong hindi iyan makikita ng anak ko,” utos niya sa lalaking tauhan nito na napadaan sa kanilang kinatatayuan. Iniyuko nito ang ulo sa pagsang-ayon at agad na binuhat si Nanami na nanghihina pa rin. Umuubo pa rin si Nanami nang ilayo siya ng nangangalang Anton sa kinaroroonan nina Venom. Ngumiti naman Chiara at kumaway ng palihim kay Nanami na may mapang-asar na mukha at humakbang papalapit kay Venom. “Grabi ka pa rin kung magalit I like that, pero saan mo naman siya dadalhin at ano ang gagawin mo sa babaeng iyon?” tanong ni Chiara dito. “Wala ka ng pakialam at kung ayaw mong matulad sa kanya, umalis ka na sa harapan ko o mas mabuting sa bahay ko at sa buhay namin ng anak ko.” Galit na sabi ni Venom at lumabas na sa libraring iyon. “ANO ang napag-usapan niyo ni Mela?” tanong kaagad ni Marcel pagkapasok niya sa loob ng kwarto. Nakita kasi niya ang dalawa na nag-uusap sa may garden ng ihatid niya si Venom kanina lang. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng dalawa kaya nacurious siya sa mga ito. Napasandal si Boa sa kanyang upuan at tinitigan ang lalaking pumasok sa kanyang silid nang hindi man lang kumakatok. “Anong klaseng tanong 'yan?” “Sagutin mo na lang ang sagot ko.” Seryoso namang sabi ni Marcel. “You interrupted our peaceful conversation and now, you are asking me what we were discussing about? Teka,” tumayo si Boa, “Nagseselos ka ba?” Halos dinig na dinig ang paglunok ni Marcel dahil sa tanong ng kasamahan, “A-nong pinagsasabi mo? Ako? Nagseselos? Hindi ah kaibigan ko lang si Mela at curious lang ako sa pinag-uusapan ninyo, mukha kasing seryoso?” maang maangang sagot naman ni Marcel. “Talaga lang ah? At sino sa amin ang kaibigan mo? Ako? O si Mela?” tinaasan siya ng kilay ni Boa at naghihintay ng sagot. Natahimik si Marcel ng ilang segundo bago nagsalita, “Kung ayaw mong sasabihin sa akin kung ano ang pinag-uusapan ninyo, ’di huwag.” Tumalikod na siya para umalis ng magsalita si Boa mula sa likuran niya. “Nag-alok lang ako na tulungan siya sa garden kanina ng palitan ako ni Anton dito sa CCTV area. Wala kaming masyadong nasabi sa isa't isa. Masaya ka na ba ngayon?” nakangising sabi ni Boa at umupo sa monitor. Ngumiti si Marcel at binalik ang tingin sa kasamahan. “Talaga? Iyon lang ang napag-usapan ninyong dalawa?” “Oo, but come on man, hindi mo ba sasabihin sa kanya ang nararamdaman mo?” tanong ni Boa. “Anong nararamdaman ko?” “Seryoso ka ba? Halatang gusto mo siya. Ano ang pumipigil sa iyo na ipahayag ang iyong nararamdaman para sa kanya?” magsasalita sana si Marcel ngunit nagpatuloy si Boa. “Huwag mo ng ipagkait ang nararamdaman mo para sa kanya. At alam kung nagseselos ka ng makita mo kami sa garden kanina. I can see in you're eyes. Kaya kapag hindi mo inamin sa kanya na mahal mo siya ay baka balang araw, maagaw ng kung sinong lalaki ang Mela mo, kung hindi ka kikilos ng mabilis.” Payo nito at saka may kung anong kinalikot ito sa computer nito. “H-hindi ko siya gusto.” Nagpumilit si Marcel na ideny ang nararamdaman. “Talaga eh, kung ganoon pwede ko na pala siyang ligawan, wala ka naman palang gusto sa kanya.” Nakangiting sabi ni Boa kay Marcel. “G-gusto mo siya?” “Oo.” Walang gatol na sabi ni Boa. Nanlaki ang mga mata ni Marcel sa narinig sa kasamahan. “ANO!” Tumawa si Boa sa naging reaksyon ni Marcel halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya dito. “Niloloko mo ba ako? Bakit ka tumatawa?” “Mm-hmm bakit naman kita lolokohin? Hindi ba sinasabi mong hindi mo siya gusto, eh bakit ka nagagalit ng sabihin kong gusto ko si Mela? Nagsisinungaling ka talaga!” He chuckled at umiling-iling ulit. “I swear, kung patuloy kang tatawa ay sasabog ang utak mo dito.” Galit na sabi nito dahil alam niyang pinagseselos siya nito kay Mela. “Hindi ko mapigilan.” Muli itong tumawa at pagkatapos ng ilang segundo, tumigil din siya. “Hindi mo naman ako kailangang bantaan ng ganyan okay! Gusto ko si Mela pero hindi sa romantic na nararamdaman. Para ko na siyang kapatid iyon lang.” Tatawa tawang sabi nito kaya tiningnan ng masama ni Marcel si Boa, pero nakahinga ito ng maluwag ng marealize niyang niloloko lamang siya nito tungkol kay Mela. “S-sigurado ka bang wala ka talagang gusto sa kanya?” paniniguro ni Marcel. Ngumisi si Boa, “Gotcha aminin mo na kasing may gusto ka talaga kay Mela!” Taas kilay na pang-aasar niya kay Marcel. “Ewan ko sayo, siraulo ka.” Gigil na sabi ni Marcel at wala na siyang maitatago kay Boa tungkol sa nararamdaman niya para kay Mela. IPINASOK si Nanami sa isang silid na madilim at malamlam lang ang ilaw na umuukupa sa buong silid na iyon, habang nakapiring ang mga mata niya. Nagpupumiglas si Nanami pero wala siyang lakas upang makawala sa lalaking buhat-buhat siya. Tinanggal nito ang blindfold at itinapon siya sa isang maliit na kulungan at ikinulong siya bago pa siya makalabas ay mabilis nang naisinara ng lalaki ang bakal na pinto ng kulungan na iyon at iniwan na siya doong mag-isa. Noon lamang siya nakaramdam ng takot sa buong buhay niya, hindi naman niya akalain na tututohanin nito ang banta sa kanya. “Alisin nyo ako dito!” sigaw ni Nanami at kinalampag ang bakal na pinto ng munting kulungan na iyon, “I swear hindi ko sinasadya ang nangyari kanina. Okay, wala akong narinig na kahit ano kaya palabasin mo na ako rito!” Nagpatuloy siya sa pagkalampag ng bakal na pinto ngunit walang sumasagot sa kanya. Kahit hangin ay wala siyang nararamdaman doon kulob na kulob ang malaking silid na iyon. Siya ay ikinulong at walang paraan para makalabas, kaya naiiyak na siya sa takot at inis hanggang sa mapagod siya sa kakasigaw. ‘Talaga bang papatayin siya nit. . .hindi niya nagawang kompletuhin ang kanyang iniisip nang mawalan siya ng malay dahil may nalanghap siyang amoy na nagpawala ng kanyang kamalayan. “Asan ka na bata, huwag ka ng magtago kasi kahit anong tago mo ay makikita pa rin naman kita, kaya 'wag mo na akong pahirapan.” Sabi ng isang boses ng lalaki habang paawit ang mga sinasabi habang hinahanap niya ang kanyang biktima. Isang mababang kama ang nakaposisyon sa dulo ng bahagi ng silid na iyon ngunit wala doon ang hinahanap niya. Sa gitna ng silid ay may isang mesa na may iba't ibang kagamitan tulad ng kutsilyo, screwdriver, at iba pa. “Oh, bata lumabas ka na, maglalaro lang tayo!” Tawag ng isang lalaki na may nakakatakot na ngiti sa kanyang mukha habang may hawak na kitchen knife sa kamay nito na may bahid din ng dugo pati na ang suot nito ay nababahiran na rin ng dugo. Nang hindi niya makita ang batang iyon ay mabilis namang lumabas ang lalaki at pumunta sa unfurnished na kusina. Sinuri nito ang mga aparador at kabinet at hinanap kung saan-saan ang batang babaeng bibiktimahin niya sa gabing iyon. Ngunit wala pa rin siyang makita kaya pumunta naman ito sa may pasilyo papunta sa may sala para doon naman maghanap. Kaya lang nakarinig ito ng kaluskos sa may bandang lumang mesa, kaya lumapit siya doon at nakarinig ito ng malalim na paghinga na nagmumula sa isang malaking kabinet na luma na nakatambak doon. Kaya sumilay ang ngisi sa mukha ng lalaki at kunyari ay hindi niya iyon narinig. “Nasaan ka na grabi ang galing mong magtago hindi man lang kita mahanap.” Pero papalapit naman siya sa drum na iyon at sinilip niya ang laman niyon. “Aha! Nandiyan ka lang pala? Huli ka!” Ngising aso ito at hinila ang buhok ng kawawang bata. Kaya napasigaw ito sa takot dahil mukhang katapusan na ng buhay niya. “Ahhh!” “Kahit madilim ay hahanapin pa rin kita, dahil papatayin kita.” Napabalikwas nang bangon si Nanami habang nagsisigaw at ramdam niya ang sakit ng pagkakasabunot ng lalaki na napanaginipan niya sa kanyang mahabang buhok. Tumingin siya sa paligid at huminga ng malalim at nagpalinga-linga kung nandoon siya sa lumang bahay na lagi niyang napapanaginipan noon bata pa siya hanggang sa magdalaga siya. Ang boses ng lalaking iyon ay paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang isipan. Pero matagal na panahon na iyon mula ng huli siyang bangungutin. Dahil tumigil na iyon mula ng madiskubre niyang may talinto pala siya sa pagsusulat. Pero bakit muli na naman iyong bumalik ang bangungot na iyon? Niyakap niya ang kanyang mga tuhod matapos niyang mamaluktot habang nanginginig sa kaba. Muli siyang tumingin sa paligid at narinig na naman niya ang nakakatakot na boses ng lalaki sa kanyang mga bangungot at ramdam din niya ang paghinga nito sa tagiliran ng kanyang leeg. Kaya napasuksok siya sa takot at nagtataka kung bakit niya naririnig ang boses nito gayong gising naman siya ngayon. Hindi na mapigilan ni Nanami ang umiiyak habang nanginginig sa takot. Bumukas naman ang pintuan ng silid na iyon at pumasok doon si Venom at binuksan nito ang kinalalagyan ni Nanami dahil pakakawalan na niya ito dahil hinahanap na ito ng kanyang anak. Tinakot lang naman niya ito at hindi naman niya talaga ito papatayin dahil kailangan pa ito ng kanyang anak. Magsasalita pa lang sana si Venom ng agad na yumakap si Nanami sa kanya. Isang malalim na pagsimangot ang bumungad sa mukha ni Venom dahil sa pangatlong pagkakataon ay nagdikit ulit ang kanilang mga katawan. Kaya handa na sana niya itong singhalan ng maramdaman niyang tila takot na takot ito. “Nandito siya. Gusto niya akong patayin. Nandiyan na siya. Pakiusap iligtas mo ako Please . . .tulungan mo ako.” Umiyak na pagmamakaawa nito habang yakap siya ng mahigpit. “Please, help me, 'wag mo akong ibigay sa kanya, papatayin niya ako.” Umiiyak na ungol nito at nagmamakaawa ulit ito sa kanya at pagkatapos ay nawalan na ito ng malay. Ang mga braso nitong nakayakap sa kanyang leeg ay nagsimulang kumawala sa pagkakayakap sa kanya. Kaya matutumba na sana ito sa sahig na kanilang kinatatayuan kaya no choice siya kundi saluhin ito at niyakap niya ito ng mahigpit para ’di ito tuluyang matumba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD