CHAPTER 21

2720 Words
“BAKIT ba manang Eve?” maarting saad ni Chiara ng makapasok sila sa kusina, habang inaagaw ang kamay sa mahigpit na pagkakahawak ni Eve sa kanya. “Ano bang ginagawa mo rito?” tanong ni Eve. “Wala ka na roong pakialam manang!” “May pakialam ako Chiara, dahil para ko ng anak si Venom. Kaya anong ginagawa mo dito? hindi ba dapat nasa Las Vegas ka?” “Well, as you can see wala na ako sa Las Vegas. Nakabalik na ako at wala kang karapatang tanungin ako kung bakit!” Mataray na sagot nito. “Bakit ka nandito? Ilang taon na ang nakalipas, ano pa ba ang gusto mo?” Humalukipkip si Chiara at tumaas ang kilay habang naka pamewang. “Para kunin ko na kung ano ang nawala sa akin.” “Chiara!!” “Tigilan mo na ang pagtawag sa pangalan ko manang Eve. Sino ka sa tingin mo para kuwestyunin ang pagdating ko? Kailangan ko bang ipaalala sayo na isa ka lang maid? Sabagay matagal ka na nga namang nag trabaho dito kaya ngayon ay nakikita mo ang iyong sarili bilang isang bahagi ng pamilya nila Venom, ang kapal naman ng mukha mong katulong ka!” “Pitong taon na ang nakalipas, tahimik na ang buhay nina Venom, 'wag mo ng guluhin pa,” saad ni Eve at hindi pinansin ang pamamastos nito sa kanya kahit noon pa man ay wala na talaga itong galang sa kanya, kaya sanay na siya rito. “At saka hindi mo ba balitaan ang balita tungkol sa pagkamatay ng iyong kapatid na si Nanami? Kaya hindi ka man lang nakilibig sa libing niya tapos ngayon ay babalik ka rito na parang wala lang nangyari?” naiinis na tanong ni Eve sa babae. “So?” “Iyan lang ang sasabihin mo matapos ang lahat at namatay ang kapatid mo at mukhang wala ka ng pakialam.” Hindi makapaniwalang gulat na saad ni Eve. “Bakit ako magluluksa, manang? Ako ba ang dahilan ng pagkamatay niya hindi naman diba?” “Ano bang nangyayari sayo!? Akala ko pumunta ka sa Las Vegas para magbago ka at napatawad mo na ang kapatid mo, pero parang hindi ka pa rin nagbabago ang pangit pa rin ng ugali mo.” Napangisi si Chiara at umiling-iling. “Pinatawad, uh! Matapos ng ginawa niya sa akin sa tingin ninyo mapapatawad ko pa siya, never at kahit patay na siya, naiwan pa rin ang malalim na sugat na ginagawa niya sa puso ko.” “Matagal na iyong nangyari. Sana man lang kinalimutan mo na iyon, dahil hindi na rin naman maibabalik ang lahat, kaya please iha, patawarin mo na siya pati na rin ang sarili mo.” “NO, manang, ayaw kong patawarin siya.” Sumigaw na si Chiara. “Pero sabagay manang, siya pa rin naman ang kakampihan mo kahit wala na siya. Alam mo kung bakit? dahil kahit kailan hindi mo ako nagustuhan at si Nanami lang ang mabait at mabuting tao para sa inyong lahat. Kaya nga noon nagsusumikap ka na kumilos tulad ng aming ina sa amin ni Nanami at tinatrato mo si Nanami bilang paborito mong anak-anakan at pagkatapos ay ipinaparamdam mo sa akin na wala akong halaga sa inyo. You don't deserve to be a mother and maybe that's why God never gave you a child of your own!” “Sumosobra ka na.” Sabay sampal ni Eve kay Chiara, ngunit ngumisi lamang ang bababe sa matanda at poise na inayos lamang nito ang buhok at mukha. Naging makintab ang mga mata ni Eve dahil sa mga luhang gustong pumapatak sa kanyang mga mata. Natamaan ni Chiara ang lugar na pinakamasakit sa kanya. “Bakit manang, hindi ba totoo ang sinasabi ko.” Ikiniling ni Chiara ang kanyang ulo at saka nakangiti na parang walang nangyari. “Hindi ka lang baog kundi wala kang asawa dahil iniwan ka niya dahil baog ka. Anong klaseng buhay ang pamumuhay mo noon, manang Eve? hindi ba napakasakit at napakalungkot?” “Wala kang karapatan para sabihin mo sa akin ang mga iyan,” sita niya kay Chiara na pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. “Bakit hindi? Ikaw nga kung makapagsalita ka sa akin parang anak mo ako ah! Hindi naman kita kaano-ano, kaya huwag mo akong pakikialaman.” Bago nito tinalikuran si Eve ay huminto siya saglit para dugtungan ang mga sinabi niya sa matanda. “Kung may problema ka sa pananatili ko rito, problema mo na iyan. Dahil kahit anong sabihin mo ay mananatili pa rin ako rito kahit kailan ko gustuhin. Nanami is dead and gone now kaya nasa akin pa rin ang alas at huling halakhak.” Pagkasabi niya noon ay tuluyan na itong lumabas ng kusina na taas noo. Habang si manang Eve ay umiiling iling habang naiiyak at nangangamba, dahil tiyak na gulo na naman ang dala ng kapatid ni Nanami sa pagbabalik nito sa buhay ni Venom. NAGULAT si Chiara nang makita pa rin niya ang kanyang mga maleta na nasa sala kung saan niya ito iniwan bago siya kinaladkad ni Manang Eve sa kusina. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa couch na inuukupa ng dalaga at ng kanyang pamangkin. Galit siyang lumapit sa mga ito. Natigilan naman si Amalie at hindi inaasahan ang malakas na boses ng babaeng kahawig ng kanyang mommy na galit na nakatingin sa kanyang yaya. “I told you, to take my luggages upstairs, bakit nandito pa rin iyan sa baba? At bakit ka nandito lamang habang nag si-cellphone imbis na sundin mo ang inuutos ko sayo?” naggagalaiting tanong nito kay Nanami. “Amalie,” tawag naman ni Nanami sa alaga. “Yes, ate Nanami.” Naguguluhang sagot naman ng bata. “Takpan mo muna ang mga tainga mo, dahil si ate ay may sasabing hindi mo dapat marinig.” Sabi niya sabay tayo niya sa sopa. Masunurin namang tinakpan ni Amalie ang kanyang mga tenga gamit ang kanyang mga palad, ngunit hindi inalis ang tingin sa dalawang babae. “Alam mo, hindi mo ako utusan para utusan mo ako ng wala man lang pakiusap. Alam mo bang nang titiris ako ng taong walang mudo. Pero parang gusto mo talagang matiris ng wala sa oras?” naiinis na sabi ni Nanami sa babae dahil rinig din niya ang pinag-usapan nito nila manang Eve sa kusina. Kaya inis siya sa babae kahit hindi niya masyadong narinig ng malinaw ang pinag-uusapan ng dalawa ay alam niyang nagkakainitan sina manang at ang bababeng mukhang clown na ito na nasa kanyang harapan. Gulat na gulat ang tingin ni Chiara sa babaeng tinawag na Nanami ng kanyang pamangkin at talagang kapangalan pa nito ang bruha niyang kapatid. “Aba ganyan na ba makipag-usap ang isang dukhang katulong na tulad mo?” Hindi makapaniwalang saad nito. “Ako katulong na dukha? Tingnan mo nga ang sarili mo mula ulo hanggang paa, sino ang mas mukhang katulong sa pagitan nating dalawa?” Nakataas kilay na sagot naman ni Nanami. “Ano? Aba't!” “Makinig ka, hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala. Kaya mabuti pang 'wag mo ng pangaraping kausapin ako at utusan dahil hindi ako katulong mo, yaya ako ng alaga ko at hindi ko obligasyon ang kahit na sino kundi ang alaga ko lang, kuha mo?!” madiing sabi naman ni Nanami. “Ikaw pa itong matapang eh, yaya ka lang naman pala ng pamangkin ko. Kaya tingnan natin at sisiguraduhin kong matatanggal ka sa trabaho mo!” sabi ni Chiara. Nagsimulang tumawa si Nanami dahil hindi siya natatakot sa banta ng babae. “Ikaw? paalisin mo ako? At sino ka para sabihan mo ako ng ganyan. Ikaw ba may ari ng bahay na ito? Hindi naman diba kaya sa susunod na bastusin mo ako. Sisiguraduhin kong kakainin mo ang mga mata mong iyan na kung makatingin akala mo mangangain ng buhay, eh mukha ka namang clown sa kapal ng make up mo.” Nayayamot na sagot naman niya sa babae. “Excuse me? Ako mukhang clown how dare you!” “Opps! sige subukan mong sampalin ako nakikita ka ng bata.” Sabi naman ni Nanami kaya ibinababa ni Chiara ang kamay niya at inis na nagpapadyak ito. “Amalie alisin mo na ang kamay mo sa tainga mo.” Utos naman ni Nanami sa alaga. Halos wala pa ring imik si Chiara, dahil hindi ito makapaniwala sa inasta ng isang yaya lamang sa kanya. Magsasalita na sana ito nang mula sa likuran nila ay isang malalim na boses ang nagsalita. “Anong nangyayari rito?” dumagundong ang boses ni Venom sa buong sala. Sina Amalie, Nanami at Chiara naman ay napalingon sa direksyon ng pintuan at nakita nila si Venom na nakatayo roon kasama si Marcel. “Daddy!” tumakbo si Amalie patungo sa kanyang ama at nagpakarga rito. “Kumusta ka na princess!” Bati nito sa anak. “Ayos lang po ako. Saan ka nanggaling?” “Marami akong trabahong ginawa na miss mo ba ako?” “Syempre po.” Tuwang tumango ito at ngumiti ng malawak sa ama. “Miss ka na rin ni Daddy.” Hinalikan nito sa noo ang anak, bago muling inilipat ang tingin sa dalawang babae. Nagsalubong ang kilay nito nang makita ang hindi imbitadong bisita na pumasok sa bahay niya ng walang pasabi. “Anong ginagawa mo dito?” galit na saad nito kay Chiara. Napangiti si Chiara at nagbago ang mukha. Kanina ay clown ito ngayon ay mukha na itong maamong bibe este galit ang mukha nito kanina at ngayon naman ay matamis itong ngumiti kay Venom na parang isang anghel pero payaso pa rin ang tingin dito ni Nanami kaya napairap ito sa nakitang pagbabago ng babae ng dumating si Venom. “Hello my dear, long time no see! I miss you!” Ibinaba ni Venom si Amalie sa sahig at masama itong tumingin kay Chiara. “Hindi ka dapat nandito.” Pero hindi iyon pinansin ng babae. “Bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko kanina?” sa halip ay tinanong nito si Venom sa hindi pagreply nito rito kanina. “So ikaw pala iyon? kailangan nating mag-usap.” Sambit naman ni Venom sa nangangalit na ngipin, “Sumama ka sa akin ngayon din.” Bago ito umakyat sa taas at sinenyasan nito si Chiara na sumunod sa kanya sa taas. Binigyan ni Chiara si Nanami ng naiinis na tingin, habang hinahawakan ang dalawang maleta at sinundan nito sa itaas si Venom hanggang sa library nito. “Ate Nanami aakyat lang po ako sa taas naiihi na po ako,” sabi naman ni Amalie ng makaalis ang kanyang ama at ang babae kanina na kahawig ng kanyang mommy kahit ito ay naguguluhan kung sino ang babae. “Ayos ka lang ba?” tanong ni Marcel kay Nanami na may malalim na pagsimangot sa mukha, kita kasi niyang sinamaan ng tingin ni Chiara ang babae kaya tinanong niya ito. Napatingin naman si Nanami kay Marcel at may tinanong matapos niyang tanguan ang lalaki na nagsasabing ayos lang siya. “Marcel. Pwede ba akong magtanong sa iyo?” “Hindi.” Agad namang sabi nito at lumabas na ng bahay upang iwasan ang kanyang pag-usisa. “Tsk, baliw din ang isang iyon.” Bulong niya dahil kanina concern ito sa kanya, ngayon naman ay sinungitan siya nito purke may itatanong siya dito, manang mana sa amo niyang pinaglihi sa sama ng loob. “Sino kaya iyong babaeng clown na iyon? Kaibigan? girlfriend?” napabuntong-hininga siya dahil sa mga tanong na gusto niya sanang malaman. Kinagat ni Nanami ang ibabang labi at mabilis na umakyat sa hagdan at naglakad patungo sa pinto ng library ni Venom at dahan-dahang lumapit sa pintong iyon para makinig sa pag-uusapan ng dalawa. ‘Bahala na, I know I shouldn’t be doing this but I have no other choice.’ Itinapat niya ang kanyang tenga sa dahon ng pinto at tahimik na nakinig sa usapan ng dalawa sa loob niyon habang kinakabahan siyang nanalangin na sana walang makakita sa kanya. SAMANTALA, “Anong ginagawa mo rito?” Galit na tanong ni Venom kay Chiara na kasing lamig ng yelo ang boses nito. Kinakabahan namang napalunok si Chiara pero nilabanan niya ang panginginig ng kanyang kamay at nginitian ang lalaki. “Umuwi ako rito para makita ko kayo ng pamangkin ko lalo na ikaw kumusta ka. . . “Wala kang karapatang sabihin iyan, matapos mong hindi magpakita sa libing ng kapatid mo. Tapos ngayon na alam mong wala na siya ay maglalakas loob kang bumalik dito para sabihin iyan?” putol ni Venom sa sasabihin ni Chiara. “Pero wala ako noong maluwag na schedule dahil hectic ang schedule ko noon sa pagmomodel. Pero alam ng diyos kung paano ako nagluksa ng malaman kung p-patay na siya.” Naiiyak na sabi ni Chiara ngunit parang wala lang iyon kay Venom. “’Diba sabi ko sayo ’wag ka ng magpapakita sa akin pero bakit bumalik ka pa? At sa sinasabi mong nagluksa ka pero hindi ko nakikita sa mga mata mo.” Galit na sabi ni Venom at matalim siya nitong tinitigan. Humakbang si Venom palapit kay Chiara na parang mandaragit at galit na tinutumbok ang biktima nito. “Ikaw ang taong pinaka-ayaw kong gusto kong makita, alam mo ba iyon.” Madiing sambit niya. “V-Venom, t-taon na ang nakakalipas, galit ka pa rin ba sa akin?” nalulungkot na tanong nito habang napapalunok sa mga titig ng lalaki na kung nakamamatay lang ang tingin nito ay kanina pa siya bumulagta na wala ng buhay. “Umalis ka na rito sa bahay ko habang nakakapagtimpi pa ako at 'wag na 'wag ka ng babalik pa.” Sigaw nito kaya napaatras si Chiara sa gulat. Pero tinatagan nito ang loob at galit din itong nagsalita. “Hindi mo ako mapapaalis sa bahay mo, kahit anong gawin mo saka may karapatan din naman akong kilalanin ng pamangkin ko.” Matigas na tangi nito. “Exactly bahay ko ito kaya magagawa ko ang lahat ng naisin ko lalo na sa isang tulad mo.” Anito at hinawakan sa braso si Chiara. “Hindi ito magugustuhan ng kapatid ko kung paano mo ako tratuhin ng ganito at alam mo iyon.” Deritso lang ang tingin nito na parang hindi natatakot. “Ang lakas ng loob mong isali ang kapatid mo? pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa kanya? wala ka ba talagang kahihiyan?” “Lahat ng nangyari ay nangyari na sa nakaraan. At hindi na maibabalik pa ang dati pero tayo, tayo ng anak mo na pamangkin ko pwede pa tayong magsimula muli.” Lumuluhang sagot naman nito. “Ang tigas pa rin talaga ng ulo mo. Umalis ka na bago pa ako magalit sayo ng higpit pa sa galit na nararamdaman ko sa pumatay sa kapatid mo. I swear hindi mo gugustuhing makita mo iyon!” Sigaw ulit nito sa kanya at lumayo ito na parang diring diri kay Chiara na kahit ang paglapit dito ay hindi nito matagalan. Pero imibis na matakot ay ngumiti lamang si Chiara and she took a step back to closer to him. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, pero buo na ang desisyon ko titira ako rito para sa pamangkin ko. Gusto ko siyang makilala at gampanan ang pagiging ina sa kanya sa ayaw mo man o sa gusto. At syempre para makasama na rin kita dahil miss na miss na kita.” Kindat nito sa kanya kaya mabilis na lumayo si Venom at mahigpit ulit na hinawakan nito ang braso ng dalaga at agad iyong kinaladkad dahil ayaw talaga niyang makita pa ito o kahit anino man nito. “Umalis ka na hindi kita kailangan dito, lalo na ng anak ko.” Kaladkad pa nito kay Chiara papalit sa pinto. Nang buksan ito ni Venom ay bigla na lamang may sumigaw doon at agad na na-out balance ang taong nasa likod ng pintuan. Kaya bumagsak ito kay Venom na agad naman nitong nahawakan kaya nabitiwan nito ang braso ni Chiara. Itinaas naman ng taong iyon ang ulo nito at tumingin sa kanya at doon niya nalaman kung sino iyon. Ito lang naman ang babaeng iniiwasan niya nitong mga nakaraang linggo matapos niyang ipangako dito na papatayin niya ito sa oras na magkahawakan naman sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD