NASA loob ng silid niya si Nanami ng may tumawag sa kanya kaya napakunot ang kanyang noo.
Bakit kaya sila tumatawag?
Ano kaya ang posibleng pag-uusapan namin?
Pinatay niya ang kanyang phone at hindi sinagot ang tawag ng kanyang ama at umupo na lang siya sa kanyang kama.
Kinuha niya ang kanyang laptop at binuksan niya iyon.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga habang dahan-dahang binuksan ang takip ng laptop niya.
Makakapag-concentrate kaya siya ngayon?
Isinuot niya ang kanyang reading glass habang nakatitig sa blangkong pahina para magsulat ng panibagong nobela. Ilang minuto na ay wala pa siyang naiisip na isulat.
“Bakit walang pumapasok sa utak ko, kainis?” Pasigaw niyang tanong sa sarili.
“Ugh. Ano ang gagawin ko?” kinagat niya ang ibabang labi, kinakalikot ang mga kanyang mga daliri sa kamay.
“Mag-iisang buwan na siyang pahinga sa pagsusulat pero hanggang ngayon ay hindi parin gumagana ang utak ko ngayon. F*ck,” Sinabunutan niya ang kanyang buhok sa sobrang inis niya.
“Dapat na ba akong sumuko sa pagsusulat?”
Mabilis niyang ipinilig ang kanyang ulo, at inalis sa kanyang isipan ang pag-suko.
“Hindi, hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ako susuko.” Napabuntong-hininga siya.
“Kailangan ko lang ibalik ang konsentrasyon at inspirasyon ko para makapagsulat ulit ako.”
Ibinaba niya ang takip ng laptop matapos niyang isinara ito, at pagkatapos ay humiga siya sa kanyang kama habang nakatutok ang kanyang tingin sa kisame niyon.
Ilang oras pa bago niya sunduin ang bata at tapos na rin naman siya sa mga gawain niya.
Kaya wala na siyang magawa, ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata hanggang sa nakalutog siya.
SAMANTALA, Ini-impake naman ni Chiara ang kanyang mga bag na dadalhin sa tulong ng kanyang matalik na kaibigan na si Ariana.
“Inumin mo ito bago tayo umalis.” Alok ni Ariana sa kanya at ibinaba nito ang hawak na hot chocolates sa kanyang center table na nasa tabi ng kanyang kama.
“Salamat.” Kinuha ito Chiara at ininom.
“Kailangan mo ba talagang gawin ito? Akala ko ba ay dadalaw ka lang kina Venom?”
“Nakapagpasya na ako at wala ng makakapigil sa akin.”
“Paano kung hindi ka pa rin niya mahalin? Paano kung may ibang tao na sa buhay nilang mag-ama? Ilang buwan na rin akong hindi nakakadalaw sa kanila, dahil may bussiness akong inaasikaso! Kaya hindi ko na alam kung anong naging buhay na nila at. . .
“Paano kung tumigil ka na lang sa pag-aalala .” Pinutol siya ni Chiara sa pagsasalita.
“Masyado kang nag-aalala at nagsisimula na akong mag-alala sa'yo na baka sa sobrang pag-aalala mo sa akin ay magsimula ng magkaroon ka ng kulubot na mukha.” Pagbibiro niya sa kanyang kaibigan.
“Paanong hindi ako mag-alalala, sabi mo pamangkin mo na lang ang concern mo, tapos ngayon nagpaplano ka pa lang doon tumira at anong iisipin ko, syempre kaya mo gagawin iyan ay para kay Venom, saan pa ba! Kaya paanong hindi ako mag-aalala sa'yo aber.” Tumawa si Chiara.
“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, saka pinayagan kita hindi para kunsintihin ko ang mga gagawin mo, pinayagan kita para makasama mo ang pamangkin mo.”
“Wala akong gagawin na ikakapahamak ko, doon lang ako titira para makasama ang pangkin ko, pero syempre hindi mawawala sa listahan ko si Venom, pagkakataon ko na ito para kami naman ni Venom ang magkatuluyan. Kaya pangako mag-iingat ako at kapag hindi na talaga kami pwede ni Venom, pakakawalan ko na siya.”
“Pangako mo iyan? Kapag may iba na siya, please lang 'wag mo ng ipilit ang sarili mo, kapag nalaman ko na kalabisan na ang ginagawa mo ako mismo ang pipigil sa'yo.”
“Oo na, promise!” pero pinag-exis niya ang kanyang daliri sa likuran niya na hindi mahahalata ng kanyang kaibigan.
“Hindi ako naniniwala sa iyo, ngunit tatanggapin ko ang sagot mo.” Dugtong pa nito kaya ngumiti si Chiara.
“Trust me, pangako ay pangako at hindi mapapako, peksman pumangit ka man.” Pagbibiro nito.
“Oh! Sige na, ihahatid na kita doon.” Tumango si Ariana.
“Basta two weeks ka lang doon tulad ng sinabi mo tapos babalik ka na dito para mag-invest sa negosyo ko.”
“Oo naman, bibistahin na lang kita dito kasama ang pamangkin ko.”
“Tara na at baka gabihin tayo.” Sabay na silang lumabas sa bahay ni Ariana.
“KUMUSTA sa Starlion Club?” tanong ni Venom kay Marcel ng pumasok ito sa kanyang opisina.
“Maayos naman master, wala naman nagiging problema.”
“Mabuti naman kung gan'on. Ihanda mo na ang sasakyan, pupunta ako doon para tingnana kung nagsasabi ka ng totoo.”
"Okay, master.”
Yumuko si Marcel bago lumabas ng opisina niya.
Tinapos ni ang kanyang mga pinirmahan at lumabas na rin doon.
Akmang kukunin na niya ang kanyang cellphone, may nag-pop up doon ang isang notification.
Kumunot ang noo niya at binasa ang text message mula sa hindi kilalang tao.
NADYAN KA BA SA BAHAY MO?
Binura ni Venom ang mensahe dahil hindi naman niya kilala ang nagtext sa kanya kaya ibinulsa na lang niya ang kanyang cellphone at lumabas ng silid pagkatapos.
Sumalubong kay Venom ang loob ng club na may kulay asul at dilaw na mga ilaw at nang makapasok siya sa loob ay maririnig ang musika na bumabalot sa buong club. Kasabay ng amoy alak at mga sari-saring pabango ang kanyang nalalanghap na pumuno sa buong lugar.
Ang sahig ay makinis at malinis habang may mga nakahanay ng mga nag-iinumin ng mga kilala sa lipunan, may mga babaeng namang sumasayaw at gitna ng intablado habang nagkakasiyahan naman ang mga kalalakihang naglalaway na mga nakatitig sa kanyang mga alagang mahusay na nagpi- perform sa gitna ng stage.
Ang Starlion Club ay isang legal na kilalang club sa bahagi ng Makati at ito ang isa sa kanyang mga negosyo maliban sa dalawang kompanya niyang itinayo. Hindi ito kinakanti ng mga kapulisan, dahil halos lahat ng kanyang mga customer ay halos alagad ng batas may mga iba't ibang malalaking tao rin ang mga dumadayo rito, hindi na niya isa-isahin dahil mga pribadong tao ang mga ito.
Sa gitna ng lahat ng mga taong naroon ay may isang lalaking nakaupo sa VIP lounge na naninigarilyo at umiinom habang may nakakandung dito na babae ang pinakasikat na dancer niyang hawak si Star.
Naging matigas ang mukha ni Venom ng makita ang lalaki pero hindi na lamang niya ito pinansin at patuloy na nag-inpeksyon sa paligid.
Walang nangahas na lumapit sa kanya dahil sa kanyang aura na ipinapakita niya sa mga tao, bukod tanging si Marcel lang ang nakakalapit sa kanya, dahil ito ang kanang kamay niya pagdating sa ganitong mga negosyo niya.
“Master.” Yumuko si Marcel sa kanya.
“Nandito na ba siya?” walang emosyong tanong ni Venom.
“Hindi ko po alam, master.” Sagot naman ni Marcel kaya sinamaan siya ng tingin ni Venom.
“Sige hanapin mo at dalhin mo siya sa opisina ko sa taas.” Utos niya dito kaya tumango naman si Marcel na sumang-ayon sa kanyang utos.
“Okay, master." Naglakad na palayo si Marcel at siya naman ay umakyat na sa taas upang dumeritso sa kanyang opisina dito sa Club
SI MARCEL at ang isang babae ay pumasok sa loob ng opisina ni Venom.
“Narito na siya, master.”
Sabay tango si Venom at pinaypay ang kamay sa ere na parang nagtataboy ng langaw.
Nakuha ni Marcel ng pahiwatig at lumabas na ito ng opisina.
Naiwan si Venom at ang babae.
“Hi, Mr. Borromeo!” Ngumiti ito sa kanya at inilahad ang kamay nito sa kanya para makipagkamay. “Nice to meet you, at ikinagagalak kitang makilala ka nang personal.”
Hindi pinansin ni Venom ang pakikipagkamay ng babae at tumingin lamang siya dito dahil naka-upo siya.
“Umupo ka at simulan na natin ang ating pag-uusapan.” Alok niya dito.
Binawi naman nito ang kamay at medyo nahiya ito ng kaunti sa kanya.
“Bakit hindi sumama ang daddy mo?”
“Wala siya may inaasikaso siyang isa pang negosyo. Kaya ako ang pinapunta niya dito. Bakit may problema ka ba sa akin lang?”
“Bakit mayroon ba akong dapat ipag-alala?”
“Wala naman, pero parang hindi ka_”
“Tatapatin na kita Miss. Akirama, you don't have to feel less confident about yourself, wala akong mataas na expectations sayo.”
“Okay, nakaka-offend ka alam mo ba iyon?”
“Mukhang ba akong may pakialam?” Sagot naman ni Venom at seryosong tumingin sa babae.
“Makinig ka Mr. Borromeo. Kung ayaw mong magtulungan tayo, pwede mo akong paalisin ngayon, para makaalis na ako sa lugar na ito. Dahil hindi ko deserved ang pang-iinsulto mula sa iyo.” Tinaasan siya nito ng kilay.
“Ang ama mo ang hinihintay ko dito pero ikaw ang dumating tama bang isang katulad mo ang makaka-usap ko? Kung ama mo naman ang katransaction ko.”
Kinakabahan namang itong napalunok mukhang magkakaproblema pa na baka hindi maclose nila ang deal sa arroganteng lalaking ito.
“Pero ngayon na nandito ka rin lang naman may magagawa pa ba ako. Miss Akirama.”
“Shenna Akirama ang pangalan ko, call me my name.” Nakahinga ng maluwag ang babae at mukhang itutuloy parin ni Venom ang pakikipag-transaction nito sa kanyang ama kahit siya ay proxie lamang ng kanyang ama. Itinama rin niya ang pagbangit sa buo niyang pangalan.
“What ever kung ano man ang pangalan mo. Bababa na ba tayo sa negosyo ngayon o ano?”
“NANONOOD ka po ba talaga?” tanong ni Amalie kay Nanami.
“Hmmn!” Tanging sagot naman nito sa alaga.
“Sige nga po, anong pinapanood natin ngayon?” Naninigkit na tanong nito sa kanya.
Napaiwas ng tingin si Nanami sa phone niya at napatitig sa malaking TV screen.
“Sponge bob,” Sagot niya pero ng tumingin siya sa TV ay tom and jerry na ang pinapanood nito.
“Mali ka Ate Nanami, tom and Jerry na iyan, kanina pa tayo kay Sponge bob.” She pouted at halata ng bata na hindi talaga siya nakatutok sa TV.
“Makinig ka, Amalie, ayoko kasi ng pinapanood mo kasi pambata iyan? Di na bagay sa akin.” Paliwanag ni Nanami.
“Bakit iyong iba na naging yaya ko, nakikisabay sila manood nito kasi nagugustuhan nila.”
“Baka kasi hindi pa sila nakakapanood niyan, pero ako napanood ko na iyan, ilang bes. . .
Naputol ang sasabihin ni Nanami ng makarinig sila ng tunog ng dorbell sa gate.
“Nandiyan na yata ang Daddy mo.” Sabi ni Nanami kaya masayang tumayo si Amalie at pumuwesto ito sa may pintuan at hinintay nitong pumasok ang ama.
Pinatay na rin ni Nanami ang Tv at lumapit sa kanyang alaga at sinamahan ito.
Mayamaya lang ay may isang naka-itim na kapute dahil medyo malakas ang ulan at lumapit ito sa may pintuan at binuksan ito. Kita ni Nanami ang pigura iyon at hindi siya nagkakamaling isa itong babae at nang alisin nito ang kapute ay tumambad sa kanila ang isang magandang babae, pero mataray ang hulma ng mukha nito.
“Sorry pero sino po sila.” Tanong ni Nanami dahil ngayon lang niya ito nakitang dumalaw dito at ni minsan din ay hindi nagkaroon ng bisita ang kanyang amo, habang nandito siya.
“Umalis ka sa daraan ko.” Sabi nito at naglakad papasok ng bahay habang hila-hila ang mga bagahe nito mula sa likod nito.
Lumabas naman si Manang Eve mula ng marinig niya ang mga boses na nag-uusap sa sala at agad na nanlaki ang mga mata nito.
“Chiara, ikaw na ba iyan? Anong ginagawa mo dito?”
Nakangisi si Chiara sa matanda habang naglalakad patungo sa sofa na inalisan nina Nanami at Amalie at prenting umupo doon.
“Hi manang long time no see, hindi n'yo ba ako namiss?” At bumaling ang mga mata nito kay Nanami.
“Hey, maid right! Pakikuha mo ang mga maleta ko at dalhin ito sa silid ng malapit sa silid ng amo mong si Venom.” Utos nito kay Nanami.
“Excuse me?” tanong ni Nanami, gustong makasigurado kung siya ang inuutusan nito.
“Hindi ka naman bingi, 'di ba?” mataray na tanong nito kay Nanami.
Akmang sasagutin na siya ni Nanami ng sumabat si Manang Eve, sa kanilang usapan.
“Chiara!”
Humarap ang dalaga sa matandang babae.
“Oh manang nandiyan ka pa pala, bakit po?”
Pero kahit na gumamit ito ng paggalang ay mababakas parin dito ang katarayan.
“Kailangan nating mag-usap. Kailan ka pa dumating?”
“Wala po akong obli. . .
Ngunit hindi na nito na natapos ang sasabihi ng hinila na siya ni Manang Eve papasok sa may kusina.
Napatitig si Nanami sa dilaw na maleta na pag-aari ng babaeng iyon na kung magsalita parang isa rin ito sa may ari ng bahay.
Nakatulala naman si Amalie na hinabol ang tingin sa babaeng kahawig ng kanyang mommy Nami.
“Sino po iyon?” tanong nito kaya Nanami.
Nagkibit-balikat naman si Nanami sa bata.
“Ako nga dapat magtanong niyan sa'yo, sino siya?”
“Hindi ko nga po alam, pero hawig siya ni mommy Nami ko.”