CS 28 Pag tapos naming mag dinner ay dumiretso kame sa bon fire. Uno was holding his guitar. Katabi ko si Sierra at si Ate Fleurette. Nasa tapat ko si Xian Dash sa gitna namin ay ang liwanag na nagmumula sa apoy. Napatingin ako kay Xian Dash na matamang naka tingin sa akin habang iniinom ang beer nya. Alcohol was scattered all over. Balak yata nilang mag lasing ngayong gabi. "Okay! So this is going to be the highlight of the night! Let's play treasure hunt!" sabi ni guide. Iniwas ko ang tingin kay Xian Dash saka uminom din sa beer na hawak ko. "Oh! Partner partner po ba or we go in groups?" tanong ni Lilac. "This is gonna be by partner," sabi ng guide. "Game!" sabi ni Kuya Gideon saka ngumiti kay Lilac na mukhang excited. Kaagad na umirap si Lilac dito. "You need to find a t

