CS 29 Pagbalik namin sa isla ay sabay sabay kameng nag dinner. Lilac prepared everything! Ang mga pagkain at drinks. I was biting my nails habang pinapanood ang mga lalake na kumakain. Nilagyan ni Lilac ng pang patulog ang mga pagkain nila para sa gagawin namin mamaya. Walang naging halata sa aming mga babae habang kumakain. The boys never suspected anything pero grabe ang kaba at excitement na nararamdaman ko para sa gagawin mamaya. We prepared it all. The yarns, honey, buckets of paint, water balloons, glue, hair ties, make up and all! Kapag tulog na ang mga lalake ay tsaka kame gagalaw. "Are you really okay, Lilac? Baka naman may sakit ka?" nang aasar na tanong ni Uno. Umirap ito kay Uno. "Don't eat if you don't want to!" bulyaw neto kay Uno. "Here we go again..." sabi ni Alona h

