CS 3

2925 Words
CS 3 Family Maaga akong nagising dahil pupunta kame ni Dash sa Xavier University ngayon. I was wearing my silk black skinny jeans and a white sleeveless top and I finished it of with my cream stilettos. Ipinatong ko ang aviators ko sa ulo ko and I grabbed my channel hand bag. Pagbaba ko ay dumiretso ako sa kusina at nakita si Dash na naghahain ng almusal namin. He was wearing maong pants and a white polo na tinupi niya ang sleeves hanggang siko together with his brown topsider. Nang napa tingin ito sa akin ay pinasadahan nya mula ulo hanggang paa ang kabuuan ko. I felt my throat becoming dry kaya kaagad akong lumapit sa lamesa at naupo. Nag salin ako ng banana juice sa baso ko at uminom nun. I remembered that we will be meeting his parents later! "Let's eat," sabi ni Dash at umupo na rin. Napanguso ako saka kumuha ng brown bread. I've been shamelessly eating a lot this past four weeks at nararamdaman kong tumataba na ako. I need to cut down and get back on my diet kase kung hindi ay baka mag mukha na akong balyena. Not that I have something against plus size people, it's just not for me because I feel sick and unhealthy everytime I gain weight for eating junk. "Pagkatapos mag enrol, san tayo?" tanong ko rito. Nang makita nyang ubos na ang laman ng baso ko ay sinalinan nya ito. "We'll be having lunch with my family at our ancestral house." Tumango tango ako. "Am I fat?" tanong ko rito dahil nararamdaman ko na ang rolyo sa gilid ng tiyan ko. Natawa ito sa tanong ko kaya napa angat ang tingin ko sa kanya. There's a glint of humor in his eyes like he finds my question somewhat ridiculous. "Why would you ask that? You're not fat, Tal. If your collarbones popping out is what you call fat then I don't know anymore..." naiiling nitong sabi. Napanguso ako at tinignan ang braso ko.  "But... nevermind. Is there a gym nearby? I'd like to enrol there." Natigil ako sa ginagawa ng maramdaman ang daliri nito sa gilid ng labi ko. "I have my own gym at the third floor, Tal." he said wiping of the bread crumps on the side of my lips. Nanlaki ang mga mata ko at tila nag ningning. "Really?" Tumango ito saka uminom ng juice. "U'huh... you can use it as long as you want. Just don't beat yourself up. Okay?" Malapad akong ngumiti saka tumango. "Okay okay!" Habang nasa sasakyan kame ni Dash papunta sa university ay hindi ko napigilan ang sarili kong mag kwento rito. I was telling him my childhood story and other stuff. Lalo na noong panahong elementary ako at sobrang taba at bilog ng mukha ko. "Pero nung nag senior high school na ako I started watching what I eat and I work out five times a week kase mahirap na..." sabi ko at nagkibit balikat. "Pero I don't work out naman just for my physical appearance. Of course it's still about my health. Alam mo kase every time I eat junk or too much I feel nauseous." Nang tignan ko ito ay naka taas ang isang sulok ng labi nito. Napa titig ako dito at napahawak sa dibdib ko. His eyes were so expressive and goddamn... my heart is insanely beating so fast right now. "Wife?" sabi nito at sumulyap sa akin. Napailing ako saka pumikit ng mariin. "Huh?" Natawa ito. "I was asking what you usually do when you work out?" Napa awang ang labi ko saka napatango tango. "Ah! I do high intensity interval training together with core work out every monday, wednesday and friday. Legs, arm and butt work out every tuesdays and thursdays. I do yoga on saturdays and sundays." sabi ko. Kumunot ang noo nito. "And your diet?" "I don't eat rice. I usually eat oatmeal, vegetables, fish, fruits and lean meat for my diet and ah! Smoothies!" sabi ko. "But whenever I'm extra hungry, I add a cup of brown rice." dagdag ko. Tumango ito at iniliko ang kotse sa front gate ng University. "Just make sure that you don't starve yourself, Tallulah Desiree." seryoso nitong sabi. Hindi ko na ito nasagot pa dahil naging abala ako sa pag tingin sa paligid. Mayroon pang mga estudyante na pumapasok. Probably summer classes or may mga nilalakad na requirements. The university is big and clean! Pinarada ni Dash and kotse at hindi na ako nakapag antay na bumaba agad. May mga estudyante na napalingon kaagad sa gawi ko. Bumaba din si Dash sa kotse at tinignan ako. "Let's go." sabi nito. Tumango ako at kaagad na sumunod sa kanya. Not bad for my last year in college. I'll make sure that I'll make a lot of friends. May mga cheerleader at football players na nagpa practice sa gitna ng field. Maybe I could join the chearleading squad. Sa dati kong university ay kasali ako sa squad. Nag punta kame ni Dash sa office at may kinausap ito. I filled up some forms at kumuha ng entrance exam. It took about half an hour and Dash patiently waited for me to finish. The exam was easy. Tatlong major subjects lang naman ang exam. Pagkatapos ay mayroong nag interview sa akin. "I'm done," sabi ko kay Dash na naka upo sa may bench. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang ibang mga estudyanteng babae na halos dumikit na ang mata kay Dash sa kakatitig. Tumango si Dash at lumapit sa akin. Tumingin ito sa relo nya at humarap sa akin. "I'll take you to my favorite cafe before we go to our ancestral house. Maaga pa naman." sabi nito. Nanatili lamang ang titig ko sa mga babae hanggang sa mapansin nila ako. Tumingin ang mga ito sa akin at hindi ko mapigilang taasan sila ng kilay. Sinundan ng tingin ni Dash ang tinitignan ko at hindi naka takas sa akin ang pag angat ng gilid ng labi nito. Ngumuso ito na parang pinipigilan ang pagbabadya ng ngiti at kinunot ang kanyang noo. Hinawakan nito ang kamay ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin. Naputol ang tingin ko sa mga babae at napa tingin kay Dash na nakatitig sa akin. "Come on, let's eat some sweets." Ngumuso ako saka napatango at nagpahatak na lamang dito. Sa labas ng school ay tumawid kame sa malapit ng cafe. The shop looks cozy and comfortable. Pag pasok namin ni Dash ay nag hanap ako ng upuan. Dumiretso ako sa may sulok at sa tabi ng bintana. May lumapit na waiter sa amin. "One iced americano latte and a slice of blueberry cheesecake," order ni Dash. "What's yours?" Ngumuso ako saka tumingin sa menu. "One chocolate mousse overload frappe and a slice of sansrival please," Inabot ni Dash ang card nya at napa tingin sa akin. "You're a fan of sweets?" tanong nito sa akin. He was sitting comfortably on his chair. Naka buka ang mga binti nito na parang sa kanya ang buong lugar habang ako ay maayos na naka upo. I look like a pixie in front of a hot beast. "Yes, I love sweets!" sabi ko. Dumating ang order namin at nanlaki ang mga mata ko. Ngumiti ako sa lalakeng waiter. "Thank you!" sabi ko rito. Napansin ko ang pamumula ng pisngi nito. Napa kamot ito sa batok nya saka tumango. Umalis ito kaagad ng tumikhim ang lalake sa harapan ko. Nagkibit balikat lamang ako at kumain na. Damn, this is so good! Tumingin ako kay Dash na umiinom lamang sa latte nya at pinapanood akong kumain. Nagtaas ako ng kilay saka uminom sa chocolate mousse overload at halos mapatirik ang mga mata ko sa sarap. Oh my God, dapat sa susunod ay hindi na ako dalin ni Dash dito. This will ruin my diet! Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kame sa kotse. Parang tumatakbo namaman ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito dahil sa kaba. Papunta kame sa ancestral house nila at nandoon ata ang buong pamilya ng mga Fletcher! Tumingin ako sa salamin saka inayos ang buhok ko. I tied the half upper part of it to highlight my face and cheekbones. Ngumuso ako at nag lagay ng dark violet na lip stain. Ngumiti ako sa salamin nang masatisfied sa itsura ko. Damn, I look good! Lalo lamang dumoble ang kaba ko nang makita ang isang malaking gate na may naka limbag na Fletcher sa gitna pumasok kame doon at malayo pa ang dinrive ni Dash bago makarating sa tapat ng isang spanish mansion na sa may harapan ay mayroong malaking fountain. Huminga ako nang malalim nang makita ang ilang mga sasakyan na nakaparada sa may gilid. Mukhang andito nga ata ang buong pamilya nya! Napalingon ako kay Dash nang tawagin nito ang pangalan ko. Nakatayo na ito sa labas ng sasakyan. Pinag buksan nya ako ng pinto at naka dungaw ito sa akin. Hinaplos nito ang pisngi ko. "Relax, wife. I'll take care of you." "Dash, what if magalit sila? Do they even know that we're married?" nanghihina kong tanong dito. Hinawakan ni Dash ang kamay ko. "Yes, they know and they're excited to meet you." Tumango ako at bumaba na rin ng kotse. Pinadausdos ni Dash ang braso nya sa bewang ko at iginiya ako papasok sa mansion. Sa b****a pa lamang ng malalaki nilang pintuan ay rinig na rinig na ang tawanan mula sa loob. "Hijo, nandoon sila sa hardin. Kanina pa nila inaantay ang inyong pag dating." sabi ng isang matandang katiwala nila. Nagpasalamat si Dash sa matandang babae na nag ngangalang nana Ligaya at iginiya na nya ako sa garden. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang dami nang tao. The scene almost looked like a family reunion, kung hindi pa iyon ang matatawag dito. There were elders and a group of adults the same age as Dash and young adults same with my age I think. Napa tingin sa amin ang isang matandang lalake at kaagad kaming sinalubong. "Xian!" sabi nito at humalakhak. Niyakap nito si Dash at tinapik sa likod. "Papa," Dash said in his fast intonation. "This is my wife, Tallulah Desiree..." pakilala sa akin ni Dash. I shyly smiled at Dash's dad. "Good afternoon po, tito." magalang kong sabi dito. Tumawa ang matanda at nagulat ako nang yakapin din ako nito. I heard some of the other elder's laugh as well. "Don't call me tito, call me daddy or papa! You're my son's wife. You're a part of the family now," "This is Leassandra, my wife..." sabi nito at hinawakan sa bewang ang isang magandang babae. She looked so elegant and beautiful inside his arms. Nakita ko ang pagkaka hawig ni Dash sa kanyang Ina. Pagkatapos akong ipakilala ni Dash sa halos napaka rami nilang kamag anak ay umupo na kame sa lamesa. Dash's family was very warm and welcoming. Sa hapag kainan ay kinakausap nila ako at tinatanong kung maayos naman ang trato sa akin ni Dash. Nagtataka nga ako kung bakit hindi nila naitatanong kung paano kame nagka kilala ni Dash, kung paano kame kinasal dahil parang ayos na ayos lamang sa kanila ang relasyon naming dalawa. They don't even know that we don't really love each other. Matapos kumain ay nagpaalam na ang matatanda at pumasok sa loob habang kame ng mga pinsan ni Dash ay naiwan dito sa garden. He has eight cousins. Six boys and two girls. Lahat sila ay magaganda at gwapo, parang bawal ang pangit sa lahi nila! Isa isa ko silang nakilala kanina. There's Archer, Achilles and Alona from Tita Alyanna and Tito Anton. Then there's Abo, Asul, and Lilac from Tita Primmiena and Tito Landon. And there's Uno and Dos from Tita Martina and Tito Matthew. "Kuya, she looks way too young for you! How old are you Tal?" mahinhing tanong ni Lilac sa akin. Ngumuso ako at umusog papalapit kay Dash. "I'm nineteen." Napatingin ako kay Archer at Uno na mabilis na humagalpak sa tawa. "Child abuse ka, Kuya!" tawa ni Archer. "Alona and I are the same age as yours. Pano ba kayo nagka kilala ni Kuya Dash?" tanong ni Lilac. Kanina ko pa napapansin na mukha itong makulit at madaldal. Dos and Asul looked the same age as Dash's. Si Abo at Achilles naman ay nasa may sulok at mukhang may pinaguusapan. Kinurot ni Dash ang tungki ng ilong ni Lilac. "That's between me and my wife, Lilac." sagot nito. Kung si Lilac ay mukhang madaldal at makulit ay kabaliktaran naman nito si Alona na mukhang walang pakialam sa mundo nya. Mabait naman akong binati nito kanina pero she just doesn't give a f**k about everything. Naka upo lamang ito suot suot ang headphones nya at naka pikit ang mga mata. Her hair is jet black with light blonde highlights on the tips of it. Hinawakan ni Dash ang kamay ko at hinatak ako paupo sa tabi nila Abo at Achilles. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pinag uusapan nila. I thought they were talking about something serious but turns out to be about girls and cars. Boys and their toys. "So tell us gorgeous lady, how did our cousin made you say yes? Knowing kuya Dash? He's not the courting type..." panglalaglag dito ni Uno. Ngumuso ako saka naisip na pag tripan si Dash. Tumingin ako dito at tinaas ang isang kilay. Biglang sumeryoso ang mga mata nito na tila alam ang binabalak ko. I smiled playfully and faced his cousins. Nagkibit balikat ako. "Well... your cousin is a good dancer. I told him that I'd only say yes if he'd dance budots..." natatawa kong sabi. Humagalpak sa tawa si Uno at Archer. Hindi rin napigilan ni Abo at Achilles. It's epic! Imagine Dash, a big and massive guy dancing budots. "What the fuck... did you really?" tanong ni Asul. Naramdaman ko ang braso ni Dash sa likod ng upuan ko. Nakitawa ito at dumantay sa akin. "This is how you want to play, huh wife?" malalim ang paos na boses nito. Napakagat ako sa labi ko at naramdaman ang mabilis na pag t***k ng puso dahil sa kaba. Uh-oh! Did I made the hot beast mad? But nah, I don't think so. "Yes he did. You should ask him to dance for you some time..."  naka ngiti kong sabi. Tawa ng tawa ang bungisngis na si Lilac. Hinahampas hampas pa nito si Alona na mukhang naiirita na sa kanya. "I could just imagine it all night!" sabi nito. "God, I can't wait for next week! Kuya Dash you should bring Tal in our outing." Napabaling ako kay Dash. Family outing? Hinaplos nito ang braso ko saka tumango kay Lilac. "Of course, Lilac." Napatili si Lilac sa excitement saka tumayo at lumapit sa akin. "Can I borrow Tal for a moment, kuya?" Bumaling sa akin si Dash at tumango naman ako rito. "Alright..." sabi ni Dash. Hinawakan ni Lilac ang kamay ko saka ako hinatak papasok sa mansyon. Hawak hawak din nito si Alona na mukhang ilang segundo nalang ay bubulyawan na si Lilac. Umakyat kame sa ikalawang palapag at pumasok sa isang kwarto. "Wait, wait, wait..." madramang sabi ni Lilac habang maarteng pinapaypayan ang sarili nya. Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil kung hindi mo siya nakakausap at nakikita lang sa malayo ay aakalain mong mataray at bitchesa sya. "So let me get this straight, you're nineteen and you married Kuya Dash, and you're both here, and Kuya Dash have a house nearby, so that means?" napatili ito. "Sa XU ka na din papasok?" Tuluyan na akong natawa. Si Alona naman ay tinanggal ang headphones nya at nakinig sa amin. "Tone down your voice, Lilac Krystal." Napairap si Lilac. "You don't have to say my whole first name, Alona Zephyrine." Napailing na lamang si Alona saka bumaling sa akin. "Sa Xavier ka na din mag-aaral?" Ngumuso ako. "Yup, kayo din duon?" napatili na naman si Lilac. Hindi na nakapag pigil si Alona at hinagis ito ng unan. "Oh my cheese balls!" gulat nitong sabi nang mahulog sa kama. "Alona!!!" sigaw nito na dumagungdong ata sa buong mansyon. Ngumuso si Alona na parang nag pipigil ng tawa. She shook her head held Lilac up. "What's your major, Tal?" tanong sa akin ni Lilac. "Business ad. Kayo?" "Same." sabi ni Alona. Napanguso si Lilac. "I'm taking medicine." sabi nya. "Per that's fine we can still hang out at lunch and uwian!" "How do you join the cheerleading team?" tanong ko kay Lilac. Nanlaki ang mata ni Lilac at naagaw ko naman ang atensyon ni Alona. "Oh my cheese balls! You dance? I mean gymnasts?" Nagkibit balikat ako. "I'm a part of the squad back in my old school," "There's audition tomorrow at the quad. Pwede ka namin samahan if you want to give it a try," sabi ni Alona. Naningkit ang mga mata ni Lilac na napa tingin kay Alona. "And how did you know that? E sa alam ko wala ka namang pakealam sa nangyayare sa university!" Tinulak ni Alona ang noo ni palayo sa kanya. "I just saw it on the bulletin board nung nagpasa ako ng requirements. Stop being so nosy, Lilac." Napalingon kame sa pinto nung may kumatok dun. Bumukas iyon at iniluwa nun si Dash. "I'm sorry girls but Tal and I have to go home." Ngumuso si Lilac saka tumango. "Okay. Take care you both. Anyway, I have to get your number pala first." sabi nito at inabot sa akin ang phone nya. My eyes widened when Alona handed her phone too. Nagkibit balikat na lamang ako saka itinipa ang number ko sa cellphone nila. Pagkatapos magpaalam ay dumiretso na kame sa kotse ni Dash. Pag upo ko sa passengers seat ay duon ko lamang naramdaman ang pagod. I rested my head on the head rest and closed my eyes. Natawa si Dash at inistart ang kotse. Napadilat ako nang hawakan nito ang kamay ko. Napaawang ang labi ko nang dalin nito ang kamay ko sa mga labi nya at halikan nya ito. Ngumiti ito sa akin at malamlam akong tinignan gamit ang mapupungay nyang mga mata. "Thank you for today, my wife. You did a great job." To be Continued...♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD