CS 2

2620 Words
CS 2 My girl "Xian Dash!"  Lalong kumunot ang noo ko saka huminga ng malalim at mas binilisan ang pag habol kay Dash. Hinatak ko ang bagahe ko na halos masira na sa pagkaka ikot ikot. Nilingon ako nito saka matamang tinignan. Tumaas ang isang sulok ng labi nito tsaka lumapit sa akin. Kinuha nito ang mga bagahe at hand bag ko ngunit pilit ko iyong iniiwas sa kanya. He groaned. "Come on, Tal... Me carrying your things won't bite."  Naka kunot noo itong inagaw sa akin ang mga gamit na dala dala ko. Wala na akong ibang nagawa kungdi ang magpaubaya. Kinagat ko ang labi ko saka inilibot ang tingin dito sa labas ng bahay niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ako ngayon sa Cagayan de Oro, kasama ang di ko kilalang lalake at titira kame ng magkasama. Relax, Talullah Desiree... Pinikit ko ang mga mata ko saka kinalma ang aking sarili.  "Breathe in..." huminga ako ng malalim. "breathe out..." Pag dilat ko ng mga mata ko ay naka ngising naka titig sa akin si Dash. He looked so amused with me! Do I look like a clown to him? There's his playful aura again that I don't like. Him being playful is just so dangerous. Inirapan ko ito saka nauna ng nag lakad papasok ng bahay niya. Tahimik itong sumunod sa akin saka sinara ang pintuan. Naka pamaywang akong tumingin sa kabuuan ng salas niya.  His house is huge for a man who is living alone! His house is clean and his things are well organized. Nang tignan ko ulit ito ay seryoso na itong naka titig sa akin. Kumunot ang noo ko saka iniwas ang tingin dito at nag lakad papunta sa mga bagahe ko ngunit hinawakan niya nag kamay ko dahilan nang pag bagsak ko sa dibdib niya. I was about to shout at him but he covered my lips with his sweet and luscious lips. Nanlaki ang mga mata ko at nag pumiglas dito ngunit hinawakan niya ang mga braso ko at pinirmi sa gilid ng dingding. My lips parted in shock and that made him flick his tongue inside my mouth.  Mabilis na tumambol ang puso ko. I literally felt my heart wanting to come out of my chest. Mariin akong pumikit at kinalma ang sarili ko bago buong lakas na itinulak si Dash. Nag salubong ang kilay ko saka galit na tumingin dito. He was touching the side of his lip and slightly wipe the stain that my lipstick brought.  "Don't..." pumikit ako nang mariin saka huminga ng malalim. "...don't do that again!"  Tumalikod ako rito at huminga nang malalim. "Where's my room? I'm tired, I wanna rest."  Hindi ito nag salita at binuhat na lamang ang bag ko saka dire diretsong naglakad paakyat sa hagdan. Pinasadahan ko ng kamay ang aking buhok saka sumunod dito. Huminto ito sa tapat ng isang kwarto at binuksan iyon. Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko sa kanya at sinarado ang pinto. Napasandal ako sa pintuan at tsaka lamang naka hinga ng maluwag.  My heart started beating fast again when he knock on the door. "Bakit?" tanong ko rito ng hindi binubuksan ang pinto. "My room is the door at the end of the corridor. Just tell me when you need something..." he drawled lazily. Kinagat ko ang labi ko saka tumango. "Okay! I'll sleep muna. I'm kinda tired." What the hell, Talullah? Ganoon ka ba ka-duwag para makipag usap sa asawa mo ng naka sara ang pintuan? Hindi na ito nag salita pa at narinig ko na lamang ang pag lakad nito palayo. I sighed in relief and glanced my eyes all over my room.   My mouth parted when I saw nothing but white. I kinda actually love the room. It's very minimal but I find it elegant and relaxing. Hinatak ko ang bagahe ko saka inilapag sa tapat ng kama. Umupo ako rito saka bumuntong hininga. Kinagat ko ang labi ko saka tumayo ulit at nag lakad pabalik balik sa tapat ng pintuan. Just... just why did he do that? I didn't know how much I sighed but it just stopped when my phone rang. Kaagad akong lumapit duon saka inabot iyon. My mouth parted when I saw Leanne calling me! Oh no... what will I tell her if she asks where I am? Sasabihin ko bang kasal na ako? Of course not! It will cause a ruckus!  I groaned and decided to turn off my cellphone before heading out of the room to find the kitchen because my tummy is growling! Dahan dahan akong bumaba sa hagdan habang tinatali ang kalahating itaas ng buhok ko. Nang makarating ako sa kusina ay dumiretso ako sa ref saka binuksan iyon. I saw stocks of frozen meat in the freezer, vegetables in the chiller and fruits. Naglabas ako nang mga sangkap para makapag luto ng sinigang na baboy. I started humming my favorite song and started to cut the vegetables needed for sinigang.  Halos mapa talon ako sa gulat nang pumasok si Dash sa kusina. Naka pag palit na ito nang pang bahay at ngayon ay naka shorts at sando na lamang. Basa ang buhok nito at medyo magulo, halatang bagong paligo lamang. Dash's scent quickly filled my nostrills. God! He smelled of mint, musk, aftershave and his signature expensive perfume! Kaagad akong umiling saka tinignan ang mukha nito. Nakataas ang isang kilay nito nang mahuli akong naka titig sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko saka kumuha ng dalawang plato at inilagay sa counter. Sumandok din ako ng sinigang na baboy at kanin para sa aming dalawa. "Kain tayo? Sorry I rummaged around your kitchen. I was hungry kase e." sabi ko at nagkibit balikat saka naupo sa high chair. Umiling ito saka dumiretso sa ref. "It's fine, Tal. Remember you're my wife now, this house and everything in it, is also yours." Kumuha ito ng banana juice at ng dalawang baso. Umupo ito sa high chair at nag salin ng Juice para sa aming dalawa pagka tapos ay sya na ang nag lagay sa akin ng kanin at ulam. Kinagat ko ang labi ko saka inantay na matikman nya ang luto ko. I was watching him chew the food on his mouth and waiting for his response. Natawa ito ng tumingin sa akin saka umiling. He drink a little on his banana juice and wipe the side of his lips. "It's delicious... now go and eat." sabi nito. Ngumuso ako saka umirap. "Para namang napipilitan ka lang," nag lagay ako sa kutsara ko at kumain na rin. Huminga ito nang malalim. Napa tingin ako dito nang hawakan nito ang kamay ko saka marahan itong pinisil. "Hey... it's delicious, okay? Hindi ako napipilitan." Naramdaman ko ang mabilis na pag t***k ng puso ko nang makita ang seryosong mga mata nito na naka titig sa akin. Binawi ko ang kamay ko saka umiling sa kanya. "I was just... I was just kidding. Ano ka ba!" naiilang kong sabi. Nagkibit balikat ito saka nagpatuloy sa pagkain. He was eating my food good like it was the most delicious dish that he has ever tasted and I can't help but to be thankful. Because no one has ever been that appreciative of me. "Dash, kaylan tayo pupunta sa school? I'm kinda bored..." sabi ko pagtapos naming kumain. Andito kame sa living room. I was watching the television while he was doing some work on his macbook. Tinigil nito ang ginagawa nya saka bumaling sa akin. "We can go there tomorrow morning... Go and get change," sabi nito at tinanggal ang salamin sa kanyang mata. Napanguso ako. I find him hundred times hotter with his glasses on. "Bakit? San tayo pupunta?" "You said you're bored. Get up, I'll tour you around then we'll eat dinner outside." Nanlaki ang mga mata ko saka napapalakpak. "Goodie! Wait, I'll change fast!" excited kong sabi. Napailing ito saka tumaas ang isang sulok ng labi. Tumayo ako at nagmamadaling umakyat sa kwarto ko. Pumasok ako sa walk in closet at inabot ang isang tattered maong shorts at puting halter top. I grabbed my strap heels and put them on. Humarap ako sa salamin saka pinasadahan ang maiksi kong buhok. Ngumiti ako sa repleksyon ko saka inabot ang purse ko saka bumaba na. Pagbaba ko ay nakita ko si Dash na nag aantay sa may harahe. He was wearing a dark blue polo and faded jeans. He was looking so dashing and I had to look away. "Where are we going?" tanong ko rito nang maka alis kame sa bahay. I was looking at the road while he was busy driving. "You'll see later, my dear wife." Napatingin ako dito. Nakaka loko itong ngumisi at isinandal ang kaliwang balikat sa may bintana. Napaawang ang labi ko. Uh-oh, he was back again to his playful aura that I dislike! "Don't call me that," sabi ko rito. "I have a name. It's Ta-lu-llah!" dagdag ko pa. Lalong lumaki ang ngisi nito. Mahina itong humalakhak saka umiling. "Oh my dear wife, you never fail to amuse me..." Kumunot ang noo ko. "Pinagsasabi mo? I was stating a fact! I'm not a clown, Xian Dash!" inis kong sabi rito. Ngumiti ito. "Calm down... By the way, I'll introduce you to my family tomorrow after we go to your school," Nanlaki ang mga mata ko at biglang kinabahan. "That fast?! I breaf mo manlang sakin kung ano yung mga gusto at hindi nila gusto! What if they don't like me? Oh my God! What if magalit sila sakin?" natataranta kong sabi. Binagalan nito ang takbo ng sasakyan saka hinawakan ang kamay ko. "Hey, don't think much... they'll like you. Just be yourself and I'll do the rest." Hindi gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya at tila lalo lamang kinabahan. Marahan nitong pinisil ang kamay ko kaya napa tingin ako rito. Hininto nito ang kotse at nagulat ako nang marahan nyang pinitik ang noo ko. Mabilis na kumunot ang noo ko saka napahawak dito. "What was that all about?!" inis kong tanong. "There... there's my girl. Hindi ikaw si Tallulah kapag seryoso ka." sabi nito. Napairap ako rito. "But seriously, Tal. Don't overthink, okay? I got you... Don't worry much." Dahan dahang akong kumalma saka napatango. Tumango rin ito saka nagpatuloy na sa pagmamaneho. He was still holding my hand kaya dahan dahan ko itong inalis sa pagkaka hawak nya saka tumingin sa labas ng bintana. Habang patuloy kame sa pag byahe ay hindi ko mapigilang mamangha. I've never been to CDO. This is my frist time and I must say that the people here are well disciplined because every structure and the streets here are well maintained and clean. Parang mahihiya ang kalat at polusyon dito. "We're here," napalingon ako kay Dash. Napa tingin ako sa paligid at nakitang dinala nya ako sa overlooking cliff. Hindi ko mapigilan ang excitement dahil mahilig ako sa ganitong lugar. I always wanted to see the beauty of something. Agad kong inabot ang dslr ko at isinuot sa leeg ko. Dash open the car door for me at nang makababa ako ay halos mabali na ang leeg ko sa kakalingon kung saan saan. Sa tabi ng cliff ay mayroong flower plantation at halos mapanganga ako nang makitang parang tila nakaayos ng rainbow ang mga kulay ng bulaklak dito. Hindi ko na napansin si Dash at nagmamadaling lumapit sa cliff. Hindi ganoon karami ang tao pero may isang grupo ng mga kolehiyo na sa tingin ko ay kaedaran ko lamang. I even saw some of the boys shamelessly gawking at me and I can't help but to roll my eyes. Hindi ko na pinansin pa ang mga ito at mag simulang kumuha ng mga litrato. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ang braso ni Dash na dumausdos sa bewang ko. Kunot noo akong napa tingin dito. "What are you doing?" tanong ko rito. Huminga ito nang malalim. "I'll show you a better view of CDO. Let's go..." Hindi na ako nag salita pa at nagpa tangay na lamang dito. Pumasok kame sa isang private property at halos mangunot ang noo ko nang makita ang mga taong tinatawag syang sir at binabati sya. Ang iba ay nagtatanong pa kung bakit ngayon na lamang sya naka bisita. "Marami pong trabaho sa manila, Mang Raul. By the way, this is Tallulah my wife..." pakilala nito sa akin. Tila nagulat ang matandang lalake sa sinabi ni Dash ngunit agad ding nakabawi. "Ikinagagalak po kitang makilala, Mam. Sana po ay mag enjoy kayo rito," sabi nito. Ngumiti lamang ako. "Salamat po." Nagpaalam na si Dash at hinatak ako papasok sa loob ng modernong mansyon na naka tayo sa pinakataas na bahagi ng lugar. Ngumuso ako nang makita ang loob ng mansyon. "This is yours?" tanong ko rito. Nilingon ako nito. "It's also yours now," sabi nito na para bang pagkain lamang itong mansyon. I didn't know that I have a very f*****g rich of a husband. Hindi naman kase ako ganoon sumasama kay Daddy at Kuya kapag dumadalo sila ng mga business party kaya hindi ko kilala ang mga pamilyang ma-impluwensya at mayroong mataas na posisyon. I guess Xian Dash's family is one of them. Hinatak ako nito sa terrace at halos malaglag ang panga ko sa nakita. He was not kidding! Napakaganda ng view dito, walang wala sa kanina. Mas kita dito ang kagandahan ng CDO ng walang naka harang na kahit ano. Napahawak ako sa railings at pinagmasdan lamang ito. I think I'll paint this breathtaking scenery when I have time. Halos takasan ako ng hininga nang maramdaman ang presensya ni Dash sa likuran ko. Humawak din ito sa railings, locking me in place. "Do you like the place?" tanong nito sakin. Napanguso ako at tumalikod upang maharap ito. Ngunit halos mapamura ako nang makita ang lapit nito sa akin. Hindi ako tumingin sa mga mata nito at nanatiling naka titig sa dibdib nya. "Dito dapat tayo titira pero masyadong malayo sa school mo," sabi nito. "We can stay here on weekends if you like." Kinagat ko ang ibabang labi ko saka tinignan sya ng diretso sa mata. "Why are you acting like everything is okay? Why are you acting like we're a normal couple who got married because they're inlove? Why are you acting like there's no issue at all? It's frustrating me, Dash!" Huminga ito nang malalim at seryoso akong tinitigan. His eyes were void of any emotions and I can see nothing but blankness. "I'm not acting, Tal... I'm trying to make everything okay. I'm trying to work things out." "Then don't! Wag mong subukan kase we will never work out, Dash. I don't like you and you don't like me at all! We can just call it quits and file an annulment. I seriously don't understand why you agreed with my parents! I understand that you value marriage, but what we did is not sacred at all!" sigaw ko. Ang ibang katulong nila ay napapa tingin sa gawi namin at nagmamadaling umalis. Dumilim ang mga mata nito at umigting ang panga. The veins on his neck were now extra visible like any minute now he's gonna explode and hurt me with his massiveness. "Baby, please don't shout. We're not gonna solve anything when you're like this..." malalim nitong sabi. His voice was so deep that I almost wanted to drown with it. "Calm down first then we'll talk again, okay?" Umiling ako saka huminga nang malalim. "I'm sorry. I'm just... really frustrated," Napatingin ako sa kamay nito ng itaas nya ito at marahang hinaplos ang kaliwang pisngi ko. Napa pikit ako nang mariin at pinigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. Get a grip of yourself, Tallulah! "It's okay, Tal... I understand." malambing nitong sabi. Napasabunot ako sa buhok ko. Everything is just so crooked up. Hinawakan ni Dash ang kamay ko at hinatak ako papalapit sa kanya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang yakapin ako nito at haplusin nya ang buhok ko. "Shhh, it's okay... I understand, Tal. I really do... Vent out your frustrations in me, your anger, everything... It's okay... I won't mind..." malambing nitong bulong habang marahang hinahaplos ang buhok ko. To be continued... ♡♡♡ Follow and vote!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD