Rhiana’s POV Nagkakatuwaan ang mga kaibigan ni Rhiana subalit wala sya sa mood na makipag-sayahan sa mga ito, nawala na sya sa mood dahil sa ipinakitang coldness ni Rassid sa kanya. Hindi sya sanay na sya ang binabalewala dahil sa totoo lang kahit pagsabay-sabayin pa niya ang mga nagiging kasintahan, sa bandang huli ay sya ang mang-iiwan sa mga ito maliban kay Rassid na matagal ng nakikipaghiwalay sa kanya. Sa dami ng kanyang naging boyfriend, si Rassid lang ang nagustuhan nya at hindi nya mabitiwan dahil sa tingin nya ay mahal niya ito at naiisip niyang dito siya ikakasal sa lalaking ito pero bakit naiiba ngayon ang sitwasyon. Ito lang ang tumagal na boyfriend nya. Sa katapat nilang table ay napansin niya ang dalawang lalaki na tahimik nag-iinuman, makikita sa isang lalaki na pan

