“ Sana nakauwi na si Derick my loves pagdating natin sa bahay mo” wika ni Trisha kay Angela na noon ay sakay ng jeep dahil kailangan muna nilang kumuha ng gamit ni Angela at maligo bago pumasok sa Hera Club. Inirapan naman ng dalaga ang kaibigan at sabay kantyaw, “asa ka pa” at pabirong umirap dito. “Anlaki agad ng ipinagbago komo may lovelife!” Mas nang-aasar naman na sabi ni Trisha kay Angela kaya kiniliti naman nya ito kaya napatingin sa kanila ang ibang sakay ng pampasaherong jeep. Napatili si Trisha kaya bigla namang sumenyas ang dalaga na manahimik ito, “care ko ba! Eh sa malakas ang kiliti ko eh”, bulong nito. Pagbaba nila ng jeep ay saktong papasok ng gate si Gab at agad naman itong binati ni Trisha. “Hi Gab, mag-isa mo yata? Asan si Derick?” agad nitong tanong sa binata

