“Congratulations Angela, you did a great job!” masayang bati ni Ms. Gina sa dalaga, dahil after 2 weeks of hard work ay natapos din ni Angela ang kanyang training sa pole dancing. “Actually napakabilis mong matuto, the others spent a month to learn pero ikaw in just 2 weeks nakuha mo agad yun techniques that’s I’m very proud of you Angela”, natutuwa pa din na wika ni Ms. Gina.
“Mas nagpapasalamat ako sa iyo Ma’am Gina, hindi ko din akalain na mae-enjoy ko ang pole dancing kase sa totoo lang hindi ko naman talaga hilig sumayaw but with your help I was able to overcome my fears and insecurities and it’s really a stress reliever masayang sagot naman ni Angela.
“I’ll be watching you at the opening ha, gusto kong makita how I made s masterpiece, I will call Rassid to inform me in advance I don’t want to miss that big day of yours. “Naku baka naman ma-tense ako dun Ms. Gina hindi na ako makagalaw kapag alam kong nanonood ka” pabirong sabi naman ng dalaga.
“Nope! I know it’s going to be a big hit sa Hera Club baka nga ikaw na lang ang mg-show in both branch” sabay takip ng bibig sa kamay dahil naalala nya si Rhiana na ilang buwan din niyang tinuruan dahil bukod sa moody ito ay lagi pang absent sa kanyang session pero dahil mayamang kliyente ay wala siyang magawa, pero as trainor nakita nya ang kaibahan ng dalawang tinuruan. While Angela remains so impressive and dedicated till the end of their session, Rhiana gave her a lot of stress that’s why she nearly quit na magtrain nito, hindi nya lang matanggihan si Rassid. He was like a small brother to her, binatilyo pa lang ito ng maging boyfriend nya ang kuya nito na si Cenon pero hindi sila pinalad na magkatuluyan dahil sa differences sa mga desisyon at priority sa buhay. But she remember so well how Rassid like her to be his sister in-law, kaya lang ay sadyang hindi sila magkatadhana ng kapatid nito. She remains to be single pero si Cenon ay mayroon ng sariling pamilya.
Maya-maya ay nakita nilang bumungad na sa pinto ang sundo ni Angela, gaya ng napag-usapan matyagang naging hatid-sundo ng dalaga ang kanyang Boss till the end of her training. Masaya naman siyang sinalubong ng ngiti ni Ms. Gina. “Don’t forget to invite me sa opening ng branch ok? I want to watch Angela”.
“Sure, gusto mo umekstra ka na din para back to back kayo” nakangiti namang wika ni Rassid at napapitik pa ito ng kamay sa hangin sabay sabi nito “isn’t it a good idea?”
“Some other time, gusto kong sabay natin panoorin ang performance ni Angela” wika naman nito kay Rassid. “Well if that’s what you want, but promise me one time I’ll be inviting you okay?” “Sure sagot namang nakangiti ni Ms. Gina sa binata.
“So pano, thanks for all your help” wika ni Rassid dito.
“Thank you so much again Ms. Gina”, sabay lapit at hawak sa kamay nito, di naman inasahan ni Angela na yayakapin sya nito kaya’t natuwa ang puso nya dahil kahit alam nyang malayo ang estado nilang dalawa sa buhay, naging kapalagayan nya na ng loob sa maikling panahon si Ms. Gina. “Goodluck, and “stay focused”, sabay pa nila itong binanggit at nagkatawanan.
Gaya ng dati, sa loob ng 2 weeks na paghatid-sundo ng kanyang Boss sa dalaga nanatiling tahimik ang dalawa sa byahe unless na may concern sila sa isa’t-isa. But not this time, napansin ni Angela na nag-iba ng way si Rassid kaya’t tila nagulat sya at naramdaman naman nito ang pag-aalanganin ng dalaga kaya agad siyang nagpaliwanag. “Let’s celebrate before I take you home, okay lang?” nagtanong ito sa kanya subalit wala naman syang iang choice na isagot kundi “Okay Sir” dahil nagawa na nitong tahakin ang lugar na gusto nitong padalhan sa kanya. Kahit naiilang, malaki na ang tiwala ni Angela sa amo dahil itinanim nya sa isip nya sa umpisa pa lamang na pure business lang ang transaksyon ni Rassid sa kanya.
Maaliwalas at tahimik ang lugar na pinuntahan nila ng amo, hindi karamihan ang mga kumakain duon subalit makikita ang “class” ng lugar. Pagdating pa lamang sa loob ng restaurant ay agad silang iginiya ng unipormadong lalaki sa table na kinuha ni Rassid para sa kanya. Nakaramdam naman ng pagkaasiwa si Angela sa kanyang kasuotan dahil napansin nya na karamihan sa mga nakapaligid ay naka-formal dress o di kaya naman ay business suit.
“Don’t mind what you wear,mind your food” marahang wika ni Rassid nang mapansin na tila naiilang si Angela. Napatingin sya sa amo at napangiti dahil bahagya syang nakaramdam ng relief, kaya naman pala simpleng maong pants at t-shirt lamang din ang suot nito subalit hindi maitatago na may kaya ito sa buhay dahil sa asta at tindig nito. Si Rassid naman ay tila natulala ng makita ang mabining mukha ng dalaga, sa tuwing napapatingin sya sa mga mata nito ay paulit-ulit na nagbabalik ang kabog sa kanyang dibdib, he really loves seeing her smile.
“Sir may dumi ba sa mukha ko?” tanong ni Angela sa kanya na nagpagising sa kanyang diwa. “N-nothing, may bigla lang akong naalala today don’t mind me”. “So maalala ko, what course are you taking?” tanong nya sa dalaga, tila naman nagkaroon agad ng interes ang dalaga sa topic kaya’t naging palagay ang kanyang loob na makipagkwentuhan sa amo.
“I’ll be taking Business Management Course Sir, mas madali kase makapasok ng trabaho ang mga business course nowadays” dagdag pa ni Angela.
“Well good, tama yun desisyon mo as long as you love what you are doing at sa palagay mo yun ang makapagpapasaya sa iyo then go for it”
“Opo Sir yun din ang sabi sa akin ng Mama ko,” pagkasabi nuon at nakaramdam naman ng lungkot si Angela dahil naalala na naman ang kanyang ina. Naramdaman naman ito ni Rassid kaya iniba nito ang topic. “Back to our business, hindi ba magagalit ang boyfriend mo sa pagpe-perform mo sa Hera Club?” kunyari ay pasimpleng tanong ni Rassid sa dalaga subalit kinakabahan sya sa maaaring isagot nito sa kanya.
Muntik ng maibuga ni Angela ang kinakain kaya’t agad siyang nagtakip ng bibig at inubos ang nasa bibig sabay inom ng tubig. Kitang-kita naman ni Rassid sa pagngiti ng dalaga ang malalim na biloy nito sa pisngi at bahagyang tunog ng pag-tawa nito. “Naku Sir, wala pa sa isip ko yang boyfriend, hindi ko yan priority sa ngayon dahil goal ko ang makatapos ng pag-aaral kaya nga pumayag ako sa deal natin”.
Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Rassid sa narinig, yes! She don’t have a boyfriend!”Sa ganda mong yan?” tanong nito sa dalaga. Nagblush naman si Angela sa komento ng kanyang Boss subalit kunyari ay hindi sya nagpa apekto. “Wala pa ako panahon sa relasyon sa ngayon Sir,hindrance lang yan sa mga pangarap ko” diretsang sagot nman ni Angela .
“Good, dapat unahin mo studies mo so you can focus”, pero pwede mo din naman ako kapitan habang nangangarap ka, sa loob-loob ni Rassid at pilyong napangiti. Nakita ito ni Angela at di nya inaasahan na tatanungin sya nito. “Malapit ka na siguro ikasal Sir hano”, inosenteng tanong sa kanya ni Angela.
“Bata pa ako wala pa sa plano, and I don’t think if it’s necessary”, hindi tumitingin si Rassid sa dalaga at itinuloy lang ang pagkain, because he never think of Rhiana as a wife material, bed material buti pa, sa loob-loob ng binata. Hindi na nagsalita si Angela sa narinig sa amo mukang hindi ito interesado sa usapang kasalan. “you’re too young to think of those things”, dagdag pa nito kay Angela kaya’t tuluyan ng hindi kumibo ang dalaga.
Maya-maya ay lumapit sa kanila ang waiter na may dalang dessert at nakita ni Rassid na na-excite si Angela matapos makita ang ice cream na nakalagay sa eleganteng bowl. Ice cream was her all-time favorite food pero sa tingin nya ay kakaiba ang ice cream na ito. Natawa si Rassid sa reaksyon ng dalaga dahil para itong bata na abot sa mata ang kaligayahan ng makakita ng ice cream.
“One reason why I keep coming back here is because of this mukhang iisa ang weakness natin”wika nito kay Angela. Agda sumalok ang dalaga sa kanyang bowl at agad itong tinikman, and to Rassid’s surprise, napapikit pa ang dalaga sa paglasap sa ice cream na kinain nito, tingin tuloy nya sa dalaga ay pwede itong maging endorser ng ice cream. “It looks like it was really your favorite”, komento nya sa reaksyon ni Angela.
“Korek ka dyan Sir, ipinaglihi yata ako ng Mama ko dito eh” sabay subo uli. Aliw na aliw naman si Rassid sa nakikitang kaligayahan ng dalaga sa pagkain ng ice cream. “Ibang klase itong ice cream dito Sir, pag yumaman ako babalik-balikan ko ito dito, wala sa loob na nasabi ni Angela kaya natawa naman sa kanya ang binata.
“You don’t need to be rich para makabili ka nyan”, nangingiting sabi nito sa dalaga. “But I have to Sir, yun lang kinain natin kanina I think that would be an equivalent of my 1 month salary how can I afford to buy this kind of foods eh kailangan ko nga mag-ipon”, tuloy –tuloy pa din sa pagkain ang dalaga. Nahawa na si Rassid sa gana ni Angela sa pagkain ng ice cream at natuwa sya to think that they have something in common.
It’s almost 9pm kaya nagdesisyon na si Rassid na ihatid na pauwi si Angela. Unlike kanina pagpunta nila, parang mas naging alive si Angela naapektuhan yata ng kinain na ice cream, napangiti ng lihim si Rassid sa naisip, mababaw lang pala kaligayahan ng babaeng ito, ice cream. Mahaba din angnaging byahe nila dahil traffic kaya’t hindi namalayan ni Angela na nakatulog na naman sya sa byahe and this time, wala syang kamalay-malay na napasandal na sya sa mga braso ng binata.
Hinayaan lamang ni Rassid na dumantay ang ulo ni Angela sa gawi ng balikat niya, malapit na niya itong ibaba kaya’t sinamantala nya ang mahimbing na tulog nito upang muli ay pagmasdan ang napakagandang mukha ng dalaga. I think I’m inlove with you Angela, I’ll make you mine pero hindi ko hahayaang masira ang mga pangarap mo, bulong nito sa dalaga.