CHAPTER 13

2295 Words
               Hindi sukat akalain ni Angela na mahirap pala ang training ng Pole Dancing, kakailanganin ang lakas ng kamay at paa upang maitaguyod nya ang pagpulupot dito. Simpleng galawan pa lang ito pero pakiramdam nya ang sakit na ng buo nyang katawan, pero sa kalooban nya ay parang nakakaramdam sya ng saya dahil pakiramdam nya ay nawawala ang mga alalahanin nya sa buhay dahil kabilin-bilinan ni Ma’am Gina to “stay focused”.                 Lunch break na kaya’t biglang nakaramdam si Angela ng pagkalam ng sikmura, cup noodles at isang loaf bread lang ang inumagahan nya knina kaya’t naisip nya sanang tanungin si Ms. Gina kung saan sya  maaaring bumili ng pagkain na malapit sa building. Subalit bago pa sya makapagtanong ay biglang bumukas ang pinto at nakita ang isang babae na may hawak na tray ng mga pagkain.                “Hey Mila kindly put those foods on my office sa may lamesa, thank you” narinig nya namang utos ni Ms. Gina sabay lingon sa kanya.  “Sumunod ka na sa akin Angela”, utos nito sa kanya. Your training is package deal and all you have to worry is for you to learn pole dancing, masyadong meticulous ang Boss mo so he wants everything to be in order kaya nakiusap sya regarding sa lunch, tuloy-tuloy na sabi nito sa kanya.   “Here” sabay abot sa kanya ng towel at kagaya ng suot nito kanina na malong, air-conditioned ang kwarto subalit pinagpawisan silang pareho dahil sa lakas na inubos nila during training.                 Paglabas nya ng CR ay naabutan nya ng nagpapahinga si Ms. Gina sa coach at inaya sya nitong kumain. “Let’s have our lunch”.Masarap ang nakahaing ulam sa mesa pero napansin nya na mga dietary foods ito, alam na this sa isip-isip nya.   “Alam mo natutuwa ako dyan sa amo mo, parang boyscout basta ang bilin nya, teach you ang feed you”,natatawang komento nito sa kanya at para namang hinaplos ang puso nya sa sinabi nito. Actually madalas na seryoso ang mukha nito at kung di mo malalapitan ay aakalain mong matapobre komo anak mayaman, pero parang nababago ang tingin nya dito dahil sa mga ipinapakita nitong kabaitan sa kanya.                 Nasa ganoon siyang pag-iisip ng tanungin sya ni Ms. Gina, “nag-aaral ka paba Angela?” “Opo Ma’am, self supporting  na po ako since wala na po ako mga magulang” wika naman ng dalaga. “Oh I’m sorry to hear that” nabigla namang sabi ni Ms. Gina. “Okay lang po”, yun naman po ang totoo, nangako po ako sa mama ko na kahit anong mangyari pipilitin kong makapagtapos, this is all I have para maipagmalaki”, nakangiti subalit makikita sa mata na may lungkot sa mga mata ng dalaga. Marami pa sila napagkwentuhan ni Ms. Gina subalit iniwasan na nitong magtanong tungkol sa kanyang kalagayan at natuwa naman si Angela dahil hindi na kailangang kalkalin nito ang kanyang talambuhay, she’s very friendly kaya naging palagay ang loob nya dito plus the fact na paulit-ulit binabanggit nito ang mga bilin ni Rassid na turuan syang mabuti at alagaan. Nakakataba ng puso kaya’t lalo namang pinagbutihan at tinandaan ni Angela ang lahat ng itinuturo sa kanya ng kanyang trainor. Saktong 5pm ng mag-stop sila sa pagsasanay, talagang sinunod ang oras na pinag-usapan kaya biglang nakaramdam ng pagod si Angela sa maghapong pagsasanay. “See you tomorrow Angela” nakangiting wika ni Ms. Gina ng sabay silang lumabas ng building, “Ingat po kayo sa pag-uwe Ma’am” ganting paalam naman ng dalaga sa kanyang trainor ng maghiwalay ang kanilang daan pauwi. Nkakailang hakbang pa lamang si Angela ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan at bigla na naman siyang kinabahan, paglingon nya ay nakita nyang naka-park ang sasakyan ng kanyang Boss sa dati nitong pwesto kaninang umaga at mukhang inabangan ang kanyang paglabas. “sakay na Angela” utos nito na parang hindi sya pwedeng tumanggi kaya’t sumunod na lamang si Angela. Sa totoo lang gustong gusto nya ng umuwi dahil pakiramdam nya ay masasakit ang buong katawan nya, parang nanibago sya sa maghapong ginawa. “Salamat po Sir, hindi po ba kayo naaabala?” tanong ni Angela ng makapasok sya sa loob ng kotse nito. “Hindi naman, it’s part of the training remember, for 2 weeks ganito ang magiging set-up natin”. Ok po, salamat po Sir sa privilege”, matipid na lang na nasabi ng dalaga. Loka! Wag ka mag-expect sa loob-loob nya habang papaalis sila sa lugar na iyon. Bahagyang traffic sa kanina ay maluwag nilang dinaanan kaya’t hindi namalayan ni Angela na nakatulog na siya sa sobrang pagod. Nang makita naman ni Rassid na nakatulog na ang dalaga sa kinauupuan nito, hindi maiwasang pagmasdan nya ang napakasimple at inosente pang mukha nito. Gaya ng dati, hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit tinubuan na lang sya bigla ng concern sa babaeng ito. He never wasted his time doing things like this lalo na sa mga babae pero he just found himself wanting to help Angela. Iniisip nya na baka naaawa lang sya dito pero why is she always clinging on His mind this days, and he feels happy doing things for her. Ayaw nya man aminin pero sa pakiramdam nya ay nagkakagusto sya sa napakabatang babae na ito pero sa tuwing naiisip nya ang mga bagay na ito ay bigla nyang pagagalitan ang sarili dahil 5 years ang age gap nila ni Angela, parang kuya na lamang siya nito. Buong byahe ay minamasdan niya ang dalaga, ang mapupulang labi nito ay parang tila nang-aakit na dampian ng kanyang labi kaya ilang beses siyang napapalunok sa tuwing titingin sa dalaga, idagdag pa ang maputi at makinis nitong balat. Napakalakas ng atraksyon ng dalaga sa kanya sa una pa lamang nilang pagkikita at aminin man nya o hindi, sa pakiramdam nya ay gusto nya na ito. Marahang tapik ang naramdaman ni Angela kaya’t agad siyang napadilat, bigla nyang naalala na nakisakay nga pala sya sa kotse ng amo. “Angela we’re here”, banayad na boses ang kanyang narinig. “Ah opo sir, mabilis nyang inayos ang sarili dahil bahagya pa pala siyang nakahilig sa gawi ng kanyang Boss dahil sa pagtulog. “Maraming salamat po sa paghatid Sir, mauuna na po ako bumaba” Nagpigil si Rassid na hawakan ang kamay ng dalaga kaya’t tumango lamang siya ng magpaalam ito sa kanya. “ “Same time tomorrow ok”, bilin nito sa dalaga. “O-ok po Sir” tanging naisagot na lang ng dalaga, pakiramdam nya ay inaantok pa sya sa sobrang pagod kaya hindi na nagawang magtanong pa sa kanyang Boss. Pagpasok nya sa paupahang bahay ay nakita nyang nakaupo si Gab sa harap ng pintuan ng kuwarto nito, nagtaka si Angela dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti ito sa kanya at ginantihan nya din naman ito, malapit na sya sa pagbukas ng pinto ng marinig nya ang pagtatanong nito. “Naiba na yata ang schedule ng pasok mo?” “Nagti-training ako ngayon courtesy ng pinapasukan ko, mauna na ako sayo”, matipid at mabilis na sagot naman ni Angela na hindi na hinintay ang magiging sagot o komento ni Gab. Wala syang ibang nais gawin ng mga oras na iyon kundi ang ipahinga ang katawan. Hindi nagtagal ay agad muling nakatulog ang dalaga kaya’t hindi nya namalayan na nakatulog na siya at magigising na lamang kinaumagahan. Maging ang pag-set ng alarm nya ay hindi nya na naalala sa sobrang pagod. May sampung minuto ng naghihintay si Rassid sa labasan at nakakaramdam na siya ng pagkainip. Kung bakit hindi nya nakuha ang phone number ng dalaga. Maya-maya pa ay nagdesisyon siya na pasukin na ang compound at katukin ang inuupahang bahay ng dalaga nag-aalala na din sya kung napaano na ba ito. Matapos na makapagtanong kung saan ang kuwarto ni Angela, marahang katok ang ginawa ni Rassid sa pintuan na nakapagpamulat sa dalaga. Subalit tila napatalon pa siya ng idilat ang mga mata dahil bigla niyang naalala ang araw ng kanyang training. “Naku lagot ako nit okay Sir at Ms. Gina” biglang bangon at sabi ni Angela upang tunguhin ang pinto at alamin kung sino ang nasa labas nito. “Goodmorning”, bati ng binata sa kanya. Lalo naman nataranta si Angela dahil hindi nya akalain na papasukin na siya ng kanyang amo sa inuupahang kuwarto at lalong hindi niya alam ang gagawin ng mga oras na iyon kung papapasukin ba o pagsasarahan ang kanyang Boss dahil sa itsura niyang gulo-gulo ang buhok habang nakapantulog sya na kitang kita ang kanyang katawan. “Naku eh S-sir pasensya na po hindi ko po nai-alarm yun phone ko subalit hindi sya tumitingin dito at abala ang mata sa kung ano ang maaari niyang itakip sa kanyang katawan dahil naalala nya na wala nga pala siyang bra, ni hindi nya na nga nagantihan ng bati ang kanyang Boss. Hindi lamang siya ang nabigla maging si Rassid, hindi nya inaasahan na ganito ang mabubungaran niya dahil ang akala nya ay nahuli lamang ito sa paggayak. “W-well ah maghihintay na lang ako sa labas”, tanging naisagot ng binata dahil ng mga oras na iyon ay nagulat din siya sa makikitang ayos ni Angela, “gumayak ka na agad” sabay talikod niya dito. Habang pabalik sa kanyang kotse ay hindi maiwasan ni Rassid na mapangiti, kitang-kita nya kung paano mataranta si Angela and gosh!she’s really sexy!. Biglang nag-init ang pakiramdam ni Rassid, pero agad niyang sinaway iyon dahil pakiramdam niya ay ang binabastos niya ang dalaga. Really? Kalian ka pa nagkaroon ng ganyang pakiramdam Rassid tanong nya sa sarili, bigla niyang naalala na kapag babae ang usapan bihasa na siya kung ano ang gagawin once na may lumapit dito, f***k them! Yun lang naman karaniwan ang gusto nilang mangyari, at syempre yun pera nya! Halos magkandarapa naman si Angela sa pagtawid papunta sa kotse ng kanyang amo, hiyang-hiya sya dito at natatakot na din baka mapagalitan siya nito at ni Ms. Gina dahil 2nd day pa lang ay hindi na siya naka-comply sa mga bilin nito sa kanya. “S-sir goodmorning po”, agad na bati ni Angela sa kanyang Boss, “pasensya na po nagtuloy-tuloy na po ang tulog ko Sir” nahihiya at nakatungo ang ulo na sambit ni Angela. “I have called Ms. Gina and tell her in advance that we’re going to be late”, mabilis namang agaw ni Rassid sa iba pang paliwanag ng dalaga. “Sorry po talaga Sir sumakit po kasi yun kat-..” hindi na naituloy ni Angela ang sasabihin dahil dinukwang na ni Rassid ang pagitan nila upang kuhanin ang seatbelt sa gawi niya at isuot ito sa kanya. “I forgot to put this to you kahapon buti na lang walang nanita na enforcer” malapit na malapit ang mukha ni Rassid kay Angela kaya’t langhap na langhap naman ng dalaga ang napakabangong amoy nito ang omg! my God! Ang bango ng hininga ni Sir!” sigaw ng isip ni Angela at napakabilis ng t***k ng puso niya, akala nya ay kung ano na ang gagawin nito sa kanya. “S-salamat Sir”, napatingin siya sa mukha ng amo at hindi niya inaasahan na nakatitig din pala ito sa kanya habang kinakabitan sya ng seatbelt. Agad nagbawi ng tingin si Rassid dahil kung pagtatagalin pa niya ang titig sa dalaga ay baka mahalikan na nito ang mapupulang labi ng dalaga. Namula naman ang pisngi ng dalaga sa sobrang hiya sa amo, bakit kanina ay pakiramdam nya na hahalikan sya nito. Assumera! Saway nya sa isip. Bumalik na sa kanyang manibela ang binata at narinig ni Angela ang pagpapakawala nito ng malalim na paghinga sabay sabi na “let’s go it’s getting late”. Ipinarada ni Rassid sa Starbucks Café ang kanyang kotse, alam niyang hindi na nagawang kumain ng dalaga kaya’t kakain muna sila dahil naipagpaalam naman na nito kay Ms. Gina na mali-late sila. Hndi agad nakababa si Angela dahil inakala niya na may dadaanan lamang ang amo duon subalit ng ipagbukas siya ng pinto kaya’t bumaba siya at sumunod sa amo. “Can I get your number Angela” narinig niyang sabi ng binata habang siya ay nahihiya pang kinakain ang inorder nito para sa kanilang dalawa. Napatingin naman siya sa amo at nagtatanong ang mga mata kung bakit subalit agad itong sinagot ni Rassid. “So I can be your alarm for two weeks”, nakangiting sagot nito habang nakatitig na naman sa kanyang mukha. Natataranta naman ang dalaga kapag nakikita nyang tinititigan sya ng amo, bago sa kanyang pakiramdam ang mga ganitong bagay subalit pakiramdam nya ay natutunaw siya sa tuwing ginagawa nito ang pagtitig sa kanya. “Pasensya na po talaga Sir napasarap ang tulog ko masasakit po kasi ang katawan ko kahapon”, mahabang paliwanag ng dalaga. Naalala ni Rassid ang pag-uusap nila ni Ms. Gina  kanina,  “As expected, kaya ako din hindi masyadong maagang gumayak dahil alam kong mangyayari yan” natatawang tinig nito habang kausap sa kabilang linya. Naalala nya ang kanyang girlfriend na si Rhiana nuong ito ang nagtraining, actually hindi ito pumasok kinabukasan kaya sa tingin nya ay mas malakas ang katawan ni Angela kaysa dito. “No worries, basta yun ipinapagawa ko sa yo pagbutihin mo”, I am much willing to help basta sa ikakaganda ng Hera Club”, sagot nman ng binata. Agad namang nawalan ng kibo ang dalaga, bigla niyang naisip na it’s purely business kung bakit nagsasakripisyo ang kanyang Boss. Kaya Angela, go back to your senses, walang gusto sa iyo ang Sir mo, ilagay mo yan sa isip mo okay? Bulong nito sa sarili.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD