CHAPTER 12

2046 Words
             Maagang gumising si Angela dahil ito ang unang araw ng kanyang training, ibinigay sa kanya ni Ma’am Celine ang address ng pupuntahan at dalawang sakayan mula sa kanyang inuupahan kaya’t alas-sais pa lang ay gising na ang dalaga.  Ang bilin sa kanya ay wala na siyang anumang dadalhin na gamit maliban sa ayaw ng trainor ng late kaya’t kagabi pa lamang ay inihanda na ang kanyang susuotin. Matapos makaligo ay hinayaan nyang nakalugay lamang ang above the shoulder nyang buhok at nagsuot ng komportableng leggings at loose t-shirt na akala mo ay aattend lang ng Zumba class. Nagsuot din sya ng all time favorite nyang rubber shoes at ng makitang maayos na ang sarili ay agad ng lumabas ng bahay.                 Paglabas nya ng gate ay may pamilyar na kotse ang nakita nya at ng makita sya ay nagbaba ito ng side mirror at kumaway sa kanya. Biglang lumakas ang t***k ng puso ng dalaga dahil hindi nya akalain na andito lamang pala sa labasan ang kanyang Sir Rassid. ”Hala! ano kayang ginagawa ni Sir dito?” tanong ni Angela sa sarili habang papalapit sa kinaroroonan ng amo.                 “G-goodmorning po Sir, napadaan kayo? “Sakay ka na ihahatid na kita, walang ngiti subalit may concern namang sagot nito sa kanya.  “Naku sir eh hindi na po at maaga pa naman, keri ko na po magpunta doon may binigay po na address si Ma’am Celine sa akin kahapon”.  Hindi sya pinansin ng binata at mula sa upuan nito ay dinukwang ang pinto ng kotse sa harap na parang nagsasabing “sakay”.  Nalito si Angela kaya’t hindi alam kung lalapit o aatras dahil sa totoo ay naiilang sya sa kanyang Boss na mukang fresh na fresh din sa aura nito.                 “I said hop in”, nagyon ay may katigasan na ang boses nito kaya’t walang nagawa si Angela kundi ang sumunod dito.  Pagpasok pa lang ni Angela sa loob ng kotse ay agad niyang nalanghap ang pabangong gamit ng binata, lalo syang na-tense dahil ng lingunin sya nito ay bahagya itong ngumiti na ikinagulat nya, may dimple din pala ito sa magkabilang pisngi, parang sa kanya. Nang marahang paandarin ng binata ang sasakyan ay walang kibuan ang dalawang nasa loob.  Hindi malaman kung saan mag-uumpisa si Angela kaya’t nanatili lang siyang tahimik na nakatingin sa labas . Samantalang si Rassid ay hindi maiwasang masamyo ang amoy ng bagong paligong dalaga, napakasimple ng get-up nito subalit sa hindi maintindihang sitwasyon ay bakit parang sarap na sarap syang amuyin ang halimuyak nito pagpasok sa kanyang kotse. Bahagya syang napatiim-bagang at sinaway ang sarili. “Ayaw ni Ms. Gina ng late so I decided to pass-by since duon din ang way ko”, pagsisinungaling nito dahil sinadya nyang sa opisina nya matulog para madali syang makapunta sa inuupahang bahay ng dalaga.  “Nakakahiya naman po sa inyo Sir baka po nakakaabala pa ako sa inyo”, nakatungong wika ng dalaga na hindi mapigilang pisil-pisilin ang kamay na napansin ni Rassid . Napatawa sya ng bahagya kaya’t napatingin sa kanya si Angela.  “Hey relax ka lang, ok ka lang ba?” “Nahihiya po kase ako talaga Sir, sobrang pabor na po ang ibinibigay nyo sa akin baka po hindi ko matumbasan at… “ “Focus, yun lang ang hihilingin ko sayo, tandaan mo sayo nakasalalay ang opening ng branch ko kaya all you have to do is to stay focused okay?” pagputol ni Rassid sa kung anu pa man ang sasabihin ni Angela dahilan upang kumalma sya kahit papano.  Habang nagdadrive ay hindi maiwasan ni Angela na mapatingin paminsan-minsan sa mga braso ni Rassid, palibhasa ay malaking lalaki, mahahaba ang biyas ng paa at kamay nito. Napakasimple lamang ng suot nito na puting t-shirt na hapit sa katawan at maong ripped pants kaya lalong naging fresh ang tingin ni Angela dito.  Napansin ni Angela na natural ang kulot nitong buhok at napakalinis tingnan sa gupit nito kung saan napansin nya na may malaki itong nunal sa  tapat ng sentido. Mukang kaka-shave din ng balbas nito kaya’t kitang kita nya ang mamula-mulang pisngi nito na halatang kutis mayaman. Alam ni Rassid na pasaglit-saglit  siyang pinagmamasdan ng dalaga subalit hinahayaan lang siya nito, naliligayahan sya na parang nagugwapuhan sa kanya ang dalaga.  “pa-charming?” bulong ng kanyang isip at nangiti siyang muli bagay na nasulyapan ni Angela kaya’t namula ang kanyang pisngi at hindi na inulit ang paglingon sa kanyang Boss. Sobrang naiilang si Angela sa sitwasyon kaya’t nag-isip sya ng topic na pwede nyang itanong sa binata.  “Ah sir, marami po ba kami duon?” “Ikaw lang” saglit lamang syang nilingon nito habang tuloy ang diretsong tingin sa kalsada, maya-maya ay nagsalita. “I made a special arrangement to Ms. Gina so please be good, sundin mo lahat ng instructions nya para madali ka matuto at uulitin ko stay focused”. “Opo sir”, sagot naman ni Angela na nag-umpisang kabahan dahil parang ngayon nya lang nare-realize na napakalaki ng expectation ng Boss nya sa kanya.  “Can I make a request?” narinig nyang tanong ng binata, “ano po yun Sir?” “You can call me Sir but please avoid using “po”, do I look old?” “Ah eh hindi naman po Sir”, s-syempre po iginagalang ko kayo kase kayo po ang Boss ko, nagkakandautal na sagot ni Angela dahil nag-aalala sya na baka na-offend nya na ang kanyang amo.”Wag po sana kayo ma-ooffend sir” dagdag pa ni Angela. “Well if you don’t want me to get offended delete po and opo okay?” wika ng binata na pasulyap-sulyap sa sa dalagang sakay na kanina pa hindi mapakali sa kinauupuan.  “If that’s what you want, Sir” nakatungo nitong sagot sa kanya. Nasa ganoon silang pag-uusap ng biglang ipasok ni Rassid ang sasakyan sa isang building at magpark sa ihinto sa parking lot, napatingin naman si Angela sa hinintuan nila at ng natingala nya ang logo ng nakasulat sa building ay dito niya napagtanto nya na ito na ang nakasulat sa address na ibinigay sa kanya ni Ma’am Celine.  Mabilis na bumaba si Rassid patungo sa tapat niya subalit mas mabilis ang kamay nya na buksan ang pinto ng sasakyan kaya’t wala na itong nagawa ng kusa na siyang bumaba sa kotse nito. Sumunod lang siya sa amo matapos na sila ay parehong makababa. Magalang na binati ng guwardiya ang binata kaya’t sa tingin ni Angela ay kilala na ang Boss nya sa lugar na iyon. Pumasok sila sa isang kuwarto at napahanga si Angela pagbukas niyon dahil aakalain mong maliit lamang ito subalit napaka-spacious nito sa loob. Maaga ang pagdating nila ng 15 minutes kaya’t akala niya ay maya- maya pa ang dating ng magtuturo sa kanya subalit pagpasok pa lamang nila ay agad na lumabas ang isang babae na nasa mid 30’s ang edad. Balingkinitan ang katawan nito at tingin niya ay half breed ito dahil bukod sa maputi ay kulay blue ang mata nito. “There you are!” nakangiting salubong nito kay Rassid sabay beso-beso sa kanyang amo. Nilingon naman siya ng amo at sinabi “I tell you, she’s on-time”. “G-goodmorning po”, nahihiya pang bati ni Angela kay Ms. Gina na nuon ay tila na-amazed sa dalagang kasama ni Rassid.  “So it’s you, nakangiting wika nito sa dalaga sabay abot ng kamay nito sa kanya, “I’m Ms. Gina Nuega your instructor”. “Ako po si Angela Valmonte Ma’am” sabay abot din ng kanyang kamay dito. Inikutan sya nito at tiningnan from head to toe sabay comment “nice built” nakangiti ito sa kanya ay pagkatapos ay tumingin kay Rassid na nuon ay nakatitig din kay Angela kaya’t hindi agad napansin si Ms. Gina na natatawa sa reaksyon ng binata.  “Hey are you with us?” tila nangangantiyaw na sabi nito kaya’t napakamot ng batok si Rassid at nagkunyaring inaantok pa sabay sabi nito na iiwan nya na ang dalaga dito. “I gotta go, bahala ka na sa kanya”,patay-malisyang sabi ng binata, nakangiti naman si Ms. Gina na tumango subalit may pilyang ngiti na naglalaro sa labi sabay bulong nito “ she’s beautiful right” sabay kindat at inakay na si Angela papunta sa kanilang training site.  Tiningnan pa nito ang dalawang babaeng palayo sa kanya bago tumalikod upang lumabas na. Actually balak nyang manood subalit sa nakikita nya kay Angela ay baka mailang ito at hindi makapag-concentrate kaya minabuti nyang iwanan na lamang ito.  Isa pa, masyado na siyang magiging obvious kung magbabantay sya sa training session ng dalaga. “So how old are you Angela?” tanong ni Ms. Gina sa dalaga habang papasok sila sa kanyang opisina.  “Going 19 na po ako next year ma’am”. “Nah! Stop using po okay?" nakangiting bilin nito sa kanya, parang sinabi din ito ni Rassid sa kanya kanina. Ganito ba talaga ang mayayaman ayaw magpa –“opo” isip isip ni Angela.  “You can call me Ms. Gina but don’t use those words, I feel like I’m getting old”, sabay abot nito sa kanya ng isang kulay itim na tela. “Go get change sa comfort room so we can start”. Agad naman itong kinuha ni Angela subalit nagtataka kung bakit kailangan pang may costume samantalang magti-training pa lang naman siya.  At lalo syang nagulat ng iladlad ito dahil para itong  kagaya ng suot ni Rhiana, kaibahan lang ay pure black ito kaya’t tila nag-alanganin na naman siya na isuot pero biglang naisip ang kanyang trainor na naghihintay sa kanya.mabilis nyang hinubad ang suot at isinuot ang ibinigay ni Ms. Gina, napangiti siya ng biglang naisip na buti na lang ay kailan lang siya nag-“shave” kundi ay baka nagsilipan ang kanyang mga “babies”.  Balbon si Angela kaya’t hindi siya nagpapabaya sa mga unwanted hairs nya sa katawan lalo pa at kitang kita ito sa mapuputi niyang balat. Ang hindi nya lang maahit ay ang pinong balahibo sa kanyang “bigote” dahil baka kapag kumapal naman ito ay kailangan nya ng gawin ang ginagawa ng mga lalaki na magshave ng “bigote”.  Matapos na sipatin ang sarili sa malaking salamin na nasa harap ay maingat niyang itinabi ang kanyang mga damit at lumabas na sa banyo. Nakita nya naman si Ms. Gina na nkasuot ng kapareha nyang damit, kaya pala kanina pagkakita nya dito ay nagtataka sya kung bakit tila nakasuot ito ng malong, nuon pala ay nakahanda na din ito. Hindi maiwasang mapahanga ni Ms. Gina sa katawan ng dalagang kaharap, at 18 ganap ng nakahubog sa ayos ang katawan nito, napangiti sya ng lihim ng biglang maisip ang naging usapan nila ni Rassid kahapon lang, alam na alam ng binata ang vital statistics ng dalaga kaya agad niya itong ipinaghanda ng damit sa kanyang assistant.  “Wow! You’re incredibly sexy my dear!” wika pa nito kay Angela habang papalapit sa kanya. “Thank you po” alanganing ngiti naman na sagot ng dalaga.   “Look, I want you to put in mind that “Pole Dancing is an Art”, kaya huwag mong isipin that what we are doing is cheap okay” nakangiting paliwanag nito sa kanya.  “Hindi komo ganyan ang suot mo at magpeperform ka sa Club, actually a “decent club I should say”, it would mean na wala ka ng kaibahan sa mga babaeng sumasayaw sa mga bars,we have a big difference from them and all I want from you is to focus, level up your self-confidence and love what you are doing” mahabang paliwanag sa kanya ni Ms. Gina.  “So let’s start”.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD