CHAPTER 9

1859 Words
Patingin-tingin sa mga baratilyo stalls ang magkaibigan sa pinuntahan nilang mall. Sukat dito sukat doon pero ang toto ay wala naman sila balak na bumili kaya bandang huli ay inirapan sila ng mga tinderang nag-aassist sa kanila. “Taray! Hahaha” pang-aasar ni Trisha sa tindera habang papalayo sila ni Angela. Maya-maya may biglang naalala na tanungin sa kaibigan. “Maalala ko besh, ano naman ang itsura ng Knight in Shining Armor mo na yan?” Doon ay biglang napahinto si Angela sa paglalakad at pumwesto pa sa rail ng mall na nadaanan at humarap sa kaibigan. “Ang sabi ko mag kwento ka hindi ko sinabing mag-daydream ka hitad!” natuwa si Trisha sa itsura  ng kaibigan, alam niya kapag ganito na ang mga ngiti nito ay may iba na itong kahulugan. Kilala nya ang kaibigan kapag napag-uusapan na ang mga lalaki hindi ito masyadong kakikitaan ng interes bihirang-bihirang magka-crush kahit pa mula highschool ay marami ng nanligaw dito subalit kanya lamang binasted, “study first” ang motto nito. “I think I have a crush” todo ang ngiti nito sa kaibigan kaya naman napatili si Trisha na ikinalingon sa kanila ng mga taong malapit sa kanila. Ayyyyyyy!  Anu yan ha! Sa wakas nagkapuso na ang bestfriend ko!” Biglang napadilat si Angela at inirapan ang kaibigan, “ano namang tingin mo sa akin pusong bato hmpp!” subalit ipinagpatuloy ang kanyang tila pangangarap ng gising. “Anong looks?” untag ni Trisha sa kaibigan. “Matangkad”, ngiti ni Angela “Mabango” na parang inaalala pa ang amoy ng kanyang Boss “Tapos?” tila nabibitin na tanong nito sa kaibigan. “Yun na yon”, natatawang sagot nito at saka tumawa ng malakas na ikinainis ni Trisha kaya kinurot si Angela sa tagiliran nito para siya naman ang mapatili dahil nakiliti sa ginawa ng kaibigan. “Kaines ka naman besh eh, sempre panghuli sasabihin mo “ombre” o baka naman pag tinanong ko kung guapo yan isasagot mo pa din matangkad at mabango hmp! Nagdududa ako hindi guapo yan naaattract ka lang kase alam kong patay na patay ka lang sa mga neat-looking kilala kita hmnnnn…” “Di ko nga kase maidescribe basta magaganda yun mata nya parang kapag tiningnan ka malalaglag yun panty mo”nakangising sagot ni Angela. “Ay iba na to! To the highest level ang pagka-crush ng bff ko!” Wish ko lang makita ko nga yang sinasabi mong makalaglag panty na yan at ng ako na haharap dahil naka-panty ako ngayon ahahaha!” malanding wika pa ni Trisha at sabay silang nagtawanan. Patuloy silang naglakad-lakad sa loob ng mall na ang agenda lang naman talaga ay magbonding sila at magpalamig. Maya-maya ay napahinto si Angela sa paglalakad dahil sa masasalubong at hindi na sila nakaiwas ni Trisha dahil nahagip na sila ng mata ni Rassid, ang kanyang boss! Naisip nyang ngumiti sa boss kahit pa nakilala nya ang kasama nito na maarteng nakakapit sa braso nito na kulang na lang ay maglambitin duon. “Goodafternoon po Sir”, magalang na bati nito na ikinagulat ng kaibigang si Trisha sa lalaking binati ng kaibigan. “Who is she?” maarteng tanong ni Rhiana na halatang nainsecure dahil sa simpleng pananamit niya ay hindi naitago ang magandang hubog ng kanyang katawan idagdag pa ang maamo at maganda niyang mukha. “One of our newbies sa service department” matipid na sagot ni Rassid. Nakita nyang umismid pa si Rhiana at narinig nya pa ang sinabi nito “Oh I see a new serbidora” at nakita nya kung paano bahagyang tinapik ni Rassid ang kasintahan upang sawayin sa sinabi. “Ah sige po Sir tuloy na din po kami ng kaibigan ko” sabay tingin sa kaibigan na akala mo namatanda at hindi kumikilos sa kinatatayuan, “Ok” sagot ng kanyang boss. Nagulat pa si Trisha ng hatakin sya ni Angela palayo at duon lang parang nakabawi sabay tingin sa kaibigan, “Sya yonnnnnnn?”malakas at nanlalaking mata nito, kaya natakpan nya ang bibig nito dahil hindi pa sila masyadong nakakalayo sa magkasintahan. “Besh pakihila pataas”, biglang nasabi ni Trisha, “ang alin?” Tanong naman ni Angela na naguguluhan sa sinabi ng kaibigan. “Yun panty ko please!” at maarteng akala mo hihimatayin ito na pinigil ang pagtili. Natawa naman si Angela sa pag-iinarte at sinabi ng kaibigan kaya pakunyari nya namang hinugot pataas ang likurang suot nito kaya’t sabay silang nagtawanan. “Ombreng-ombre besh, may lahi bang mexicano yun amo mo?” namamanghang tanong nito. “Aba malay ko basta ang alam ko sya ang “Man of my Dream” ko at hayaan mo na akong mangarap dahil libre naman, nangingiti nya pang sabi sa kaibigan. Saka “crush” lang naman, nothing serious, alam mo na STUDY FIRST!” sinabayan siya ni Trisha sa huling sinabi kaya muli silang nagtawanan. Di nila namalayan at mag aalas-tres na ng hapon, hindi na sila nakapaglunch dahil halos busog pa sila sa dala ni Trisha na umagahan para sa kanila kanina lalo at nalilibang sila kakaikot at kakatingin ng mga bagay na gusto nilang bilhin SANA pero parehong wala pang kakayahan. Nang maamoy ang tila nakakagutom na amoy sa nadaanang noodles house ay inaya ni Angela ang kaibigan dahil alam niyang pareho sila ng taste sa pagkain. “My treat!” nakangiting yaya ni Angela habang hila-hila sa kamay ang kaibigan. “Asus! as if naman marami syang pera!” , “Basta sagot ko nagugutom na ako besh sabi lang ni Angela dahil tila bigla siyang naramdam ng gutom pagkaamoy ng pagkain. “Dalawang large noodles and 2 order ng siomai”, pagkasabi ni Angela ay tumalikod na ang crew ng kainan na pinasukan nilang magkaibigan. “Pinagpawisan ako besh”, natatawang sabi ni Trisha habang si Angela ay abala din sa paghigop ng sabaw. Natawa din si Angela dahil maski sya ay kinailangang dumukot ng panyo para punasan ang pawis sa noo at sa bibig dahil bukod sa mainit ay nilagyan nila ng maraming sili ang noodles na kinakain. “Food trip ito besh” natatawa ding sabi ni Angela. Ganito sila ang kaibigan, marami silang pinagkakasunduang bagay kaya naman mabibilang sa kamay ang mga pagkakataon na sila ay nagkakatampuhan.  Past 4 na ng sila ay nagpasyang umuwi, inihatid muna siya ni Trisha kahit sinabi nyang mag-isa na lang syang uuwi pero nagpumilit ito a makahulugang tumingin sa kanya kaya’t napailing sya dahil alam niyang gusto na naman nitong masilayan si “Derick” na kanyang kalapit-kuwarto at sakto ngang pagdating nila ay nakita na niyang kakuwentuhan nito ang kaibigang si Gab, kaya  nag-react na naman ang kaibigan. “May isa pa palang ombre”, nakangising sabi nito na tila kinikilig sa paglalakad. “Ah si Gab yun, kahanay din naming ng kuwarto ni Derick” parang hindi interesadong sagot ni Angela kaya napatingin sa kanya si Trisha, “sabagay wala naman itong dalawang ito sa kalingkingan ni boss Rassid kaya tama yan nararamdaman mo dahil sasabihin ko sayo “neng” ha ibalato mo na sila sa akin!”, sinasabi ito sa kanya ni Trisha na hindi tumitingin upang di mahalata na pinag-uusapan nila ang dalawang lalaki na kanilang madadaanan kaya napatawa ng malakas si Angela. “Hala! baliw lang?” maarteng sabi ni Trisha na naghahanda ng magpapansin sa mga boys. “Hello guys, isosoli ko na ang neighborhood nyo” halatang nagpapacute nitong bungad sa dalawa, napangiti si Derick subalit si Gab ay nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha at nakatingin lang sa magkaibigan. “Mukang nag-enjoy kayo ah basta next time pasali kami ni Gab para foursome tayo” sabay tingin at kindat nito sa kaibigan na tahimik lang. “Oh sure!” mabilis pa sa alas-kuwatro na sagot ni Trisha at lalong nagpa-cute subalit napansin ang pagiging suplado ni Gab kaya’t ng pumasok sa loob ay agad tinanong si Angela kung “mute” ba ito at hindi nagsasalita man lang. “Malay ko dun, baka hindi lang siguro tayo feel kausap”, matabang na sagot ni Angela habang abala sa pagtanggal ng rubber shoes at biglang inihiga ang katawan sa kanyang kama. “Aba! Wag mong sabihing tutulugan mo ako!?” comment nito sa ginawi ni Angela habang humila din ng upuan para makaharap ang kaibigan. “Hindi naman, napagod lang ang paa ko kakalakad natin kanina.” “So bakit ansuplado ng isang yun anu nga name?”, “Gab” sagot ni Angela, “ah Gab pala, gabundok ang problema ganern? Galit sa mundo? Tila naaasar at malakas na sabi kaya sinaway ni Angela ang kaibigan. “SSShhhh! Baka marinig tayo alam mo namang nasa labas lang sila”. “Eh ano ba totoo naman!, buti pa si Papa Derick hindi suplado, yun isang yun sus! Guapo lang eh akala mo na kung sino! Buti pa yun Sir mo kanina atleast nakita ko ngumiti” “Bakit ka ba kasi affected? Eh di hayaan mo sya sa trip nya”, natatawa si Angela sa pag-eemote ng kaibigan, tama  nman kase ito sa totoo lang since nakaharap nya ito ay malamig din ang pakitungo nito sa kanya pero hindi nya naman iniinda dahil hindi sya interesado dito. Maya-maya pa ay nagpaalam na si Trisha at tila nanghinayang dahil ng ihatid nya ito sa gate ay wala na ang dalawang ombre . “O yun bilin ko sayo, alerto ka lagi wag ka magpakakampante ha! Pag may problema call mo ako agad ok?” mahabang bilin nito sa kaibigan kaya naman natatawa siya at para nya itong ina na todo bilin sa kanya “Yes mama” pang-aasar nito sa kaibigan. “Naku Angela wag mong ipagwalang-bahala yan ha, I tell you!” “Oo na nga hays paulit-ulit” sabay beso-beso sa kaibigan at pabiro pang itinulak palabas ng gate ang kaibigan, “Regards kay Tita Divine at Tito Ador!” habang kumakaway sa kaibigang papalayo. Pagbalik nya sa loob ay saktong pagbukas ng pinto ni Gab, nagkatinginan lamang sila nito at bahagya syang ngumiti at nauna ding nagbaba ng tingin si Angela at tuloy-tuloy ng pumasok sa kanyang kuwarto. “Anong meron sa lalaking yun napaka-antipatiko! Hmp! Eh di wow suplado lang ang peg” bubulong-bulong na sabi ni Angela habang muling ibinagsak ang sarili sa kanyang kama. Gabi na ng mamalayang  nakatulog pala siya sa pagkahiga. Babangon na sana siya subalit bigla niyang naalala ang eksena sa Mall kanina. Hindi niya inaasahan na makikita duon ang kanyang Boss at kasama pa ang supladang girlfriend nito. Naalala nya tuloy ang eksena ng halikan ng dalawa nuong gabi na nasa Hera Club si Rhiana, Maya-maya ay napahawak sa sariling labi at tila nag-imagine na siya ang kahalikan ni Rassid ng mga oras na iyon. “Angela! Hay anu ka ba! saway nya sa sarili, paano naman ay ngayon lang siya nakaisip ng mga ganito napaka-“virgin” nya sa lahat ng ganitong usapin dahil wala pa naman siyang nagiging boyfriend since birth!.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD