CHAPTER 8

1325 Words
“What?!! Buhay pa yung devil na Tito Luis mo? Okay lang naman na hindi na siya mahuli pero mas maganda sana kung patay na lang sya! parang nasagasaan ng train habang bangag ganon noh!” gigil na sabi ni Trisha matapos na ikwento ni Angela ang nangyari kagabi. “Di ko din ini-expect na bigla na lng susulpot yun besh, takot na takot ako kagabi di ako prepared na mangyayari yun” wika ni Angela sa kaibigan. “So ayan na nga ang kinatatakutan ko”, patuloy nito habang puno pa din ang bibig sa pagkain ng burger. “Naku besh hindi ba delikado yang pagpasok mo habang hindi nakukulong yun impaktong yun hindi ka magiging payapa sinasabi ko sayo, nag-alala tuloy ako” malungkot ng wika nito. Tila hinaplos naman ang puso ni Angela sa pag-aalala ng kaibigan para sa kanya kaya’t kinalma nya ito at nangako na magdodoble ingat na lamang sya. Sa totoo lang, ngayon pa lang nya na-realize kung gaano kadelikado na alam na ng kanyang Tito Luis ang lugar ng kanyang trabaho at lalong natakot sya sa isipin na nasundan na siya nito sa bagong tinutuluyang bahay. “Wag ka na mag-worry, na-share ko lang sayo but it doesn’t mean na hindi na tayo gagala right?” nakangisi niyang sabi sa kaibigang parang nanamlay na sa kanina lang ay super active ng kanyang salubungin. “Hintay mo ako ng mga 10mins. Ok?” “Hayss beshy naman eh nag-iba talaga mood ko, ampunin mo na lang kaya ako dito magpapaalam ako kila mommy?” Nagpacute pa ito na parang nagpapaawa sa kanya. “Excuse me nakikita mo yun kama ko ha day?”single bed yan it means pang isahan lang talaga itong bahay na ito ok? Nakangisi naman nyang pang-aasar sa kaibigan para mapalitan ang nalulungkot nitong aura. “Hmp! Ikaw na nga ang inaalala ko eh, bahala ka uuwe na ako inaapi mo ako dito” nakalabi pa din nitong pagdadrama kaya’t pumasok na si Angela sa banyo at naligo. “Besh lalabas na ako pwede talikod ka muna bibihis lang ako” nakangising sabi ni Angela sa loob ng banyo. “Hoy babae kadiri ka ah, baka gusto mong magdakot ng suka ko ha! iiiiwwwww!!!!maarte a nitong tili kay Angela. Natawa naman siya at atuloy na inasar ang kaibigan, “ay ayaw lumabas may ombre pa naman sa susunod na pinto hahahha” ngayon ay nakasilip na siya at handa ng lumabas ng banyo, ng makita ang itsura ng kaibigan sa narinig nitong sinabi nya ay agad itong tumayo at lalabas ng pinto. “Sabi ko naman sayo kailanga ng magpababa ako ng kinain dyan sa labasan habang wait kita magbihis”. Napatawa si Angela sa biglang pag-iiba ng mood ni Trisha kaya’t hindi na niya pinigilan ito ng bigla na lamang lumabas ng kanyang kwarto. IIling-iling syang lumabas ng banyo at nag-umpisang mamili ng susuuting damit para sa kanilang pag-gagala na magkaibigan. Sa totoo lang, alam niyang walang magiging interes sa kanya si Trishia subalit hindi pa din niya inaalis na lalaki pa din ito at ang ma ganitong bagay ay dapat na hindi nya masyadong ipinagwawalang-bahala at alam naman ito ng kaibigan kaya’t alam nyang kahit hindi nya ito itaboy sa labas ay kusa na itong gagawa ng paraan para siya makapagbihis. Samantala, nakaupo si Trisha sa balkonahe ng kwarto ni Angela at palinga-linga habang nag-iscroll sa kanyang cp baka nga naman kase totoo na may ombre nga sa paligid mainam nay un atleast handa ang beauty nya. Nang biglang bumukas ang intong kasunod ni Angela iniluwa nito si Derick na nuon ay mukang kagigising lamang din dahil sa kanyang itsura. Nakaboxer shorts lang ito at nakasando na hapit sa katawan kaya’t kitang-kita ang maganda at athletic na hugis ng kanyang katawan. Napatingin naman si Trisha sa pang-ibabang nahagi ng lalaki at napalunok dahil parang kumakawala si birdie sa kulungan. Napangiti si Trishia sa kapilyahan at agad na natutop ng kamay ang bibig bagay na nahalata ni Derick mula sa gilid ng kanyang mata habang nakatingin sa hindi kilalang bisita na nasa harap ng apartment ng bago nilang kapit-bahay na si Angela. “Kumatok ka na ba miss?” sabay ngiti kay Trishia na sinadya nyang tawaging “miss” na ikinakilig naman nito. “ Ah eh oo, nagbibihis lang si Angela kaya lumabas muna ako”, nakikipagtitigang sagot niya kay Derick a lalong nananadya at nagstretching pa sa harap ni Trishia. Napasinghap naman ito dahil pagtaas  ng kamay nito pataas ay nakita niyang nag-galawan ang mga muscle nito sa iba’t-ibang parte ng katawan. “Nag-gi-gymn ka siguro noh,” matapang na sabi Trisha sa kaharap at sinabayang tingnan ito mula ulo hanggang paa at di maiwasang mapakagat labi ng palihim. “Gagah! Wag ka pa-easy to get umayos ka” may pakilig pang nasabi nito sa sarili.  “Oh yes! I have to go to the gymn twice a week”, ganting sagot naman ng binata kay Trisha. “Matagal na kayu magkaibigan ni Angela?” naisipang tanungin ni Derick. “ Matagal na, high school bff kame nyang bruha kong kaibigan”, nakangiti at may kasamang pang-aakit naman ang naging sagot nito kay Derick. Natawa sya sa sinabi nito kaya’t naisip niyang matagal na nga itong kaibigan ng bagong kapit-bahay.Maya-maya pa ay sabay silang napalingon sa papalabas ng pinto na si  Angela na nuon ay fresh n fresh sa suot nitong hanging blouse na kulay itim na tinernuhan ng kulay puting skinny pants na hapit na hapit sa kanyang magandang hubog na katawan,nagsuot lang din siya ng rubber shoes dahil alam niyang sa laki ng pata ni Trisha ay hahabulin nya na naman ang bawat hakbang nito habang sabay silang maglalakad. “Taralets besh!” aya nya dito at bahagyang napangiti ng makitang kausap na nga nito ang ombreng kapitbahay,alam nyang pigil na pigil ng kaibigan ang sarili habanga kausap ito pero alam niyang kilig na kilig na ito sa machong-machong kaharap. “Ambilis mo yata maligo excited lang?” sabay irap kunyari nito sa kanya at napatawa si Angela dahil alam niya angaa makahulugang sinabi at taas ng kilay nito sa kanya. “Antagal ko nga eh nabilisan ka pa”, sabay kawit ng braso nya sa kaibigan na bahagyang inilapit ang tenga sa kanya sabay bulong “istorbong palaka” napahagikgik si Angela sa sinabi ng kaibigan dahil alam niyang nanghihinayang ito dahil nagkakamabutihan este nagkakawentuhan pa lang sila ng machong lalaki na ngayon-ngayon pa lang nakakausap. “Wait andun pa bag ko sa loob noh!” “Hay talaga naman, pang-aasar ni Angela” kaya sumagot ito, “Di ba sabi mo labas lang hindi layas” sabay irap at kembot ng maarte. Nakurot naman niya ang kaibigan dahil cute na cute sya dito kapag ganitong napipikon sa kanya. “Ouccchh” maarteng tili naman nito na halatang nagpapansin dahil hindi naman masakit ang pagkakurot nya dito. “Paano Derick mauna na muna kame maglilibre lanag daw itong besh ko” paalam ni Angela kay Derick na nuon ay nakatingin sa kanilang magkaibigan. “Sige lang ingat kayo” nakangiting sabi nito kaya naman lalong nahinayanag si Trisha at aalis na sila. “Sya nga pala si Trisha bestfriend ko” aniyang lumingon dito at ihinarap pa ang kaibigan na naiihe na yata sa sobrang kilig . “Umayos ka kire” bulong nya sa kaibigan habang pasimpleng tinampal ang likod ng pwitan nito. “Nice to meet you Derick, maarte pang paalam nito sa binate na nuon ay nakatingin lamang sa kanilang pag-alis, “next time sama ako sa gimik nyo” pahabol pa nitong sabi. “Narinig mo?” sabay tili nito dahil nakaramdam ng pag-asa na makakasma ng mas matagal si Derick. “Ang landi mo” natatawa at gigil na sabi anya sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD