Maya-maya pa ay tumayo na si Rassid sa kinauupuan he wants to go home tonight lalo pa at “napagod” sya kanina, he usually stay at his office but not this time gusto nyang ipalinis ang opisina for what happened kanina lang, kalalaki nya kasing tao pero isa sa natural niyang ugali ang pagiging maselan lalo na sa kanyang mga kagamitan.
Nang palabas ng building ay namataan nya ang isang pamilyar na posture kahit nakatalikod ito, and there he goes again! bakit parang may pakiramdam na naman siya na interesado syang subaybayan ito. Bahagya sya ng nagmenor to know kung saan gagawi si Angela subalit tuloy-tuloy lamang ito sa paglakad kaya ng medyo nalalayo na ito sa kanya ay dahan-dahan nya ng pinaandar ang sasakyan.
“A great stalker!”, bakit ba ako nagpapakagago isip-isip nya, but he can’t help it gusto lang nyang sundan si Angela that’s all! pagtatanggol sa sarili at isa pa malalim na din ang gabi baka sakaling kailanganin sya ni Angela, “for what?!” gunggong ka Rassid”, bulong nya uli sa sarili habang marahan pa ding sinusundan ang naglalakad na si Angela.
Nakita na lang ni Rassid na paliko na ito pakanan, nag-isip agad siya kung susundan pa nya ito baka “makahalata na ito” at matakot sabi nya sa sarili kaya’t nagpasya sya na dumiretso na lamang, marahil ay malapit na ang bahay nya dun nasabi nya pa sa sarili. He was about to go on ng maisip na silipin pa ito minsan sa side mirror but to his surprise nakita nyang tumatakbo si Angela pabalik mula sa kanto na pinasukan.
“Asshole!” matapos nyang makita na may lalaking humahabol dito at nahablot ang dalaga sa kamay habang nagpupumiglas pa din ito. Agad-agad ay nagdesisyon syang huminto at bumaba mula sa kanyang kotse.
Gulat na gulat si Angela dahil pagkaliko nya sa kanto at biglang may humarang sa kanyang daraanan. Natakot siya kaya’t agad-agad siyang tumakbo pabalik sa pinanggalingan pero mas mabilis kumilos ang lalaking nangharang kaya’t agad syang naabutan at nahawakan sya sa kamay. Takot na takot subalit desidido syang makawala subalit agad natigilan ng makilala ang lalaking may hawak sa kanyang kamay.
“T-tito Luis?” hindi makapaniwalang nasabi ni Angela at dahil dito ay lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib, nasa panganib sya! Sigaw ng kanyang isip. Ngumisi naman ang kanyang Tito Luis sabay sabi nito
“kumusta ka Angela?” “Bitawan mo ako hayup ka!”sabay palag ng kanyang mga kamay subalit nanatiling mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang palapulsuhan.
“Di mo ba narinig ang sabi nya? Bitiwan mo sya!” ma-autoridad na utos nya sa lalaking may hawak kay Angela.
Agad nabawasan ang takot ng dalaga at sinamantala ang pagkabigla nito sa pagsulpot ni Rassid sa eksena, patakbo siyang lumapit sa binata at parang bata na nagpunta sa likod nito at kumapit sa damit na parang nakakuha ng kakampi ng mga oras na iyon. May ilan-ilan pa din ang naglalakad ng mga oras na iyon kaya’t agad ding tumalilis ang kanyang Tito Luis at tumakbo na sa kantong pinasukan ni Angela kanina.
Napabuntong-hininga si Angela pagkatakbo ng kanyang Tito Luis at ng mahimasmasan ay bumitiw na siya sa damit ng kanyang Sir Rassid na hindi naman kumikibo. Parang nanghinayang pa ang binata ng kumalas sa pagkakakapit sa kanya ang dalaga, “Stop it Rassid!”, saway nya sa sarili.
“Kilala mo ba ang lalaking yon?” tanong nya sa dalaga na sa tingin nya ay namumutla pa sa nangyari.
“Step father ko po sya Sir, maluha-luhang sabi ng dalaga, nakaramdam sya sa tila helpless na maukha nito kaya’t nagpasya sya na isakay na lang ito pauwi.
“Halika na ihahatid na kita”’,
“naku sir wag na po”, nahihiyang sagot ni Angela.
“So pano kung andyan lang sya at harangin ka ulit?” nakatitig sya sa mata ng dalaga at lalo syang naramdam ng awa ng makita na wala itong magawa kundi sumunod sa kanya dahil sa takot sa lalaking humarang dito. Natigilan si Angela sa sinabi ni Rassid kaya nagging sunod-sunuran na lang sya dito ng akayin sya papunta sa kinaroroonan ng kotse nito.
Wala silang kibuan ng makasakay sila sa kotse, alam ni Rassid na may trauma pa din ang dalaga kaya’t gustuhin man niyang magtanong ay pinigilan niya ang sarili. Si Angela naman ay samo’t-sari ang nararamdaman, takot, pagkabigla at galit!
“Hayup na yun bakit hindi pa nahuhuli”, bulong nya sa sarili. Nang huli siyang magtanong sa Police Station ay sinabi ng mga ito na on-process ang man-haunt operation para sa kanyang Tito Luis, pero sadyang magaling magtago at magaling maghanap!
“Pano nya ako nasundan?” taking bulong uli ni Angela sa sarili.
“May sinasabi ka Angela?” narinig niyang tanong ng kanyang Sir Rassid na nagpabalik sa kanyang wisyo.
“Ah eh wala naman po Sir” ayaw muna niyang pag-usapan ang tungkol dito at isa pa ay kailangan nyang ituro kay Rassid ang daan pauwi sa kanyang boarding house. “Sir liliko po duon tapos diretso lang po” wika ng dalaga. Dalawang kanto din na hindi kalayuan ang pagitan ang kanilang binaybay at maya-maya pa ay sinabi niyang ihinto na siya sa tapat ng gate na kulay green.
“Malapit lang pala”, may panghihinayang na naisip ni Rassid. Para kasing gusto nya pang magtagal ang dalaga kasama sa kanyang kotse sa hindi nya na naman maipaliwanag na dahilan.
“Sir maraming salamat po kung hindi po kayo dumating baka po napahamak na ako”, at diretsong tumingin sa kanya ang dalaga,
“gosh!” nausal nya sa sarili bakit parang ansarap halikan ng labi ng babaeng ito.
“Sir?” tanong ulit ni Angela.
“Ah ok pasensya na at medyo nakainom ako kanina inaantok na yata ako palusot ni Rassid.
“Pasensya na po sa abala sir”, agad naman nasabi ng dalaga,
“ No don’t mention it buti nga magkasunod pala tayo nauwi, and nakilala kita kaya nakita ko ang nangyari”
Sus! Kagaling gumawa ng kwento! Naiiling na nasa isip ni Rassid dahil ang totoo sinundan nya naman talaga ang dalaga. Pagbubuksan nya pa sana ito ng pinto ng mabilis na nahawakan na nito ang pinto at agad ng bumaba sabay yuko uli nito na nagpasalamat sa kanya.
Pagngiti nito ay lumabas ang malalim na biloy sa magkabilang pisngi kaya “na-star-struck” na naman ang binata. Tanging tango na lamang ang naisagot nya sa dalaga dahil mabilis na nito naitulak pasara ang pinto ng kanyang magarang kotse.
Pagkapasok nya sa gate ay nagulat sya at naabutan niyang may hawak na tig-isang bote ng Redhorse sina Derick at Gab. Nakatingin ang mga ito sa papalayong kotse ni Rassid.
“Goodevening sa inyo” , basag nya sa katahimikan.
“Goodevening Angela”, ganti ni Derick subalit si Gab at tahimik lamang na tila nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. Sige maiwan ko na kayo dyan,muling nagsalita ang dalaga papasok sa loob ng kanyang kwarto.
“Ah Angela! Saan ka nagwo-work?” tanong ni Derick
“Sa Hera Place” mabilis na sagot naman ni Angela at tuluyan na itong pumasok sa kanyang inuupahang kuwarto.
Samantala, patuloy sa pag-inom sina Derick at Gab. “Par malapit lang dito yun noh?” tanong nito kay Gab. “Oo ilang kanto lang nadadaanan ko yun pag galing ako sa trabaho. “Musta pala si “senior” par? Makahulugang ngiti ni Derick kay Gab. Kumuha sya ng isang butil ng mais at pabirong ibinato iyon sa mukha ni Derick na tumatawa sa kanilang pinag-uusapan. “Gago wag ka maingay!” nangingiting sabi lang ni Gab.
Hindi pa din maaalis sa isip ni Angela ang nangyari kani-kanina lamang. Hindi niya inaasahan na bigla na lamang magpapakita sa kanya ang kanyang Tito Luis. “Hayup ka pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Mama!” naluluhang sabi ng dalaga. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa pag-iisip kung paano sya nasundan nito. “Kailan pa nya ako sinusundan?” naibulong nya sa sarili. Nakatulugan na niya ang pag-iisip dahil sa sobrang pagod na din ng kanyang katawan.
Malalakas na katok sa kanyang pinto ang nagpagising kay Angela ng umagang iyon, at agad siyang napasilip sa bintana upang tingnan kung sino ito at bigla siyang natuwa sa nakita, ang kanyang bff na si Trisha!. Pupungas-pungas man ay agad niyang binuksan ang kanyang pinto at ng makita siya ay nag-inarte ito agad.
“Anong nangyari sa prinsesa bakit nagmukhang bruha?” ahahahhaa malakas na tawa nito sa kanya.
“Gagah! Kagigising ko lang! akala ko may sunog na ang ingay mo kase” nakangisi nyang sagot sa kaibigan. “Eh pano naman besh anong petsa na?, dba gigimik tayo ngayon kase day-off mo”. Sa sinabi ni Trishia ay parang batang napatalon si Angela, yes! Walang trabaho!
“Aysus hala magmumog na bago mo ako ibeso-ibeso at baka malanghap ko yang hininga mo maospital ako di tayo makalabas!”
“Ay grabe sya baka gusto mong hingahan kita at ng ma-energized ka!”
“Baliw ka Angela noooo!!! At umarte pa itong nagtakip ng mukha at akala mo diring-diri sa kanya. “Kalantod naman talaga ng besh ko sige na nga magtu-toothbrush na po!” tatawa-tawa siya habang papasok ng banyo.
Paglabas nya ay nakita nyang inaayos na ng kaibigan ang mga dala nitong naka-ecobag kanina. “Wow! May pa-Mcdo si Mayora!” sabay yakap sa kanyang kaibigan na may pairap-irap pa habang sinasabi nito na “ganyan kita kamahal alam mo yan!”
“Napakadrama mo naman besh! Pero in fairness, sakto ang dating mo gumugulong na mga bituka ko sa loob pakinggan mo oh” saktong tumunog ito ay sila ay nagkatawanan. “ansarap nito, mukang nakadali ka na naman kay Tita Divine ah… o baka naman….makahulugan nyang tingin dito sabay kindat sa kaibigan.
“Gagah! Sembreak ngayon noh! Pano ako makakakupit kay mudra! Napasapo naman sa noo si Angela dahil nakalimutan na niyang sembreak na nga palibhasa ay abala sya sa kanyang part-time job at abala pa din sa kaiisip kung paano madadagdagan ang kanyang “extra income”.
“Musta naman ang work mo bru?” habang walang tigil sa pagnguya ng inorder nitong hamburger at fries para sa kanilang dalawa. Humigop muna si Angela ng hot chocolate na partner nito bago sinagot ang kaibigan. “Okay naman, nagrequest nga ako sa manager namin na dagdagan ang oras ko kase sayang din itinatambay ko dito sa bahay ng halos maghapon”.
“Eh kaya mo ba naman? “ baka naman masobrahan ka sa pagod nyan lalo kang hindi makapg-work bruha ka”, may pag-aaalala sa tinig ng kaibigan. Hinaplos nya naman ang pisngi nito at sabay sabi “Ang sweet naman talaga ng besh ko na-touch ako” sabay umarte na sisinghot-singhot saka tumawa ng malakas.
“Sige ganyanin mo ako, hindi na kita papasalubungan next time, nagtampu-tampuhan na din nitong sabi kay Angela. “Sus! eto naman, joke lang yun alam ko namang concern ka lang pero promise ko sayo besh hindi ko aabusuhin sarili ko, alam ko naman kung hanggang saan ang kakayahan ko, kelangan ko ng maraming salapi” sabay ngisi nito sa kaibigan.
“Ay ewan ko sayo Angela, basta i-sure mo na hindi mawawala ang ka-Dyosahan mo sa kakatrabaho mo nayan, remember sa first sahod mo ililibre mo ako ha!” sabay hagikgik nito dahil kunyari ay concern nun pala ay magpapalibre din bandang huli.