"Okay, antayin ka na lang namin ni Milky bukas. I love you too asawa ko" Parang wala pang isang oras na naghiwalay kami pero miss na agad ako ng bebe ko. "Edi wow! Kaloka 'te ha! Parang isang linggo lang naman kayo hindi magkikita pero kung magtawagan kayo oras-oras. Iyong totoo?" Si insecurang Maggie iyan. One week na ang nakalipas ng magising si Milky sa ospital. Hanggang ngayon nagdadalamhati pa rin ang pamilya nitong bestfriend kong ito, hindi lang halata dahil baliw siya. Gusto na nga sana kaming isama ni Maly sa Maynila dahil hindi raw siya mapapanatag hangga't malayo kami sa kaniya. Ang kaso, iyong baby namin humingi ng isang linggong palugit dahil baka raw umuwi si JG at magtampo kapag hindi siya nadatnan dito. Pero ngayon na ang huling araw ng palugit. Isang buong linggo na

