Milky "Mama.." Nagising ako na nakahiga sa loob ng isang puting silid habang nakahawak sa kamay ko si Mama at nakaupo sa tabi ko. Nakapatong ang ulo nito sa hinihigaan ko. Tulog na ito't lahat-lahat pero mahigpit pa rin ang pagkakakapit sa'kin. Nang mag-angat ito ng ulo ay taranta itong tumayo habang sinisipat ang mukha't katawan ko. "Anak gising ka na ba talaga? Wala bang masakit sa'yo? May gusto ka bang kainin? Gustong gawin? Suotin? Laruin?!Sapakin? Suntukin? Tuhugi----ay ano ba! Jusme! Pinag-alala mo ko ng hustong bata ka! Akala ko kung ano ng nangyaring masama sa'yo at tatlong araw ka ng hindi gumigising! Sigurado ka bang ayos ka lang ha? Nakikita mo ba ko? Naririnig mo ba ko? Ba't hindi ka sumasagot? Anak,sagutin mo ko! Huwag mong pag-aalahanin si Mama ng ganito oh!" Iyong totoo

