Maly Tahimik akong nakatayo sa tapat ng bintana ng silid na ibinigay sa akin ni Princess habang sinasariwa lahat ng alaala ng aking mag-ina. Limang buwan na ang nakararaan simula ng tangka kong pagpapakamatay at kalalabas ko lang ngayon ng ospital. Sabi ng doktor ay pinalad daw ako't nagawa kong mabuhay kahit malubha ang tinamo kong mga tama pero pinalad nga ba talaga ko? Wala na ang asawa't anak ko, ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Ngayong wala na sila, ano na ang magiging silbi ko? "Okay ka na ba rito sa kwarto mo Prince? Pasensya ka na, medyo may kaliitan itong tinutuluyan ko." Oo nga pala. Sabi ni Princess dito raw muna ako sa tinutuluyan niya. Ang totoo niyan, wala naman akong kahit anong plano kung anong gagawin ko sa buhay ko. Noong mga panahong nagdesisyon akong kunin a

