CHAPTER 28 - Pamilyang akin sanang bubuhayin

1227 Words

Maly Buo ang loob kong tahasang pinasok ang kuta ng taong maya-maya lamang ay isasama ko sa meet and greet ko kay satanas. Lahat ng magtangkang pumigil sa akin ay walang pagdadalawang isip kong pinapapupukan. Lahat ay sapol sa ulo. Sa huli, sila na mismo ang nagbigay daan upang mapasok ko ang silid kung nasaan ang aking pakay. Nasa toktok ito ng sikat na condominium na pagmamay-ari niya mismo. Sa pinaka taas na palapag kung saan dadaan ka muna sa palapag na blangko at tanging mga tauhan niya ang makikitang nakabantay. Manhid na ako sa takot, kaba at pangamba. Tanging galit, panibugho, poot at pagkamuhi na lamang ang mayroon ako. "Oh, ginulat mo naman ako Maly. Di ka man lang nagpasabi na pupunta ka. Akala ko ba huling pagkikita na natin noong nakaraang linggo?" Bungad ni Congressman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD