CHAPTER 27 - Karma

1366 Words

Maly "Bakit ako nandito Princess? Ospital ito hindi ba?" Nagtataka itong tumitig sa'kin. "Hindi mo maalala? Ibinangga mo sa kasalubong mong sasakyan na nasa kabilang linya ang minamaneho mong kotse. Tumaob ito at nagpagulong-gulong bago bumagsak sa ilalim ng fly over. Sinusundan kita ng mga oras na iyon. Hindi ko pa nga alam na ikaw talaga iyan. Nagkita tayo sa parking lot sa basement ng condominium na tinutuluyan ng kaibigan ko. Seryoso ka at hindi man lang tumitingin sa paligid. Namukhaan kita kaya kahit parang imposible sinubukan kong alamin kung tama nga ang kutob ko. Hindi ako makapaniwala na buhay ka pa pero ng makita ko ang mga mata mo, doon ko nakumperma. Dalawa lang kayong lalaki na kilala kong may ganiyang itsura at mata. Prince, bakit mo iyon ginawa? Paano kung wala ako doon?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD