Milky "Mommy! Daddy! Help!" Kuanti na lang po talaga papasakan ko na ng door knob sa bibig si Brina. Naka- indian sit lang ako sa isang sulok, samantalang siya naglulupasay na sa sahig. Hindi ko alam kung saang lupalop kami dinala ng mga kidnapers. Basta ikinulong po nila kami ngayon sa isang lumang silid na puro agiw at wala maski anong matataguan sa loob kundi alikabok. "Tsk! Para kang biik na kinakatay riyan Brina! Manahimik ka nga! Kung makakaalis man tayo dito ng buhay baka mga bingi naman tayong makauwi sa pamilya natin dahil dyan sa nakakarindi mong boses!" Kanina pa siya iyak ng iyak at sigaw ng sigaw. Akala mo naman may makakarinig sa kaniya dito. "Shut up you bubwit! Kasalanan mo 'to eh! It's all your fault!" Aba't! Awatin niyo po ako! Kun'di papatayin ko na talaga ang is

