Awkward after make out. Hindi natuloy ang pantasiya ko kanina dahil sa pesteng panty na iyan! Ayt! Dapat pala magpasalamat ako dahil kung hindi dahil doon, hindi ako mapapaalalahanan sa sitwasyon namin at ni Milky ngayon. "Don't worry so much asawa ko, everything will be okay. I promise." Hinalikan niya ako sa ulo saka niyakap ng mahigpit. Nasa kuwarto ko kami ngayon at magkatabing nakahiga. Sabi niya, magpahinga raw muna ako. I should take a rest daw dahil nag-aalala na siya sa itsura kong pagod at nagsusumigaw na ang namamagang mata. Gusto ko mang matulog pero natatakot ako na paggising ko sampalin na lang ako ng katotohanang panaginip lang ang lahat ng ito. Alam mo kung ano iyong nakakatakot sa pagiging masaya? Iyong posibilidad na puwedeng bukas, hindi na. Para kasing ang hir

