"Maty, magpahinga ka muna. Kumain ka na rin. Hindi ka pa nagtatanghalian, mag-aalas diyes na ng gabi." Mugtong-mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak simula pa kaninang umaga ng ibalita ni Uno sa'king nakidnap ang anak ko. Wala akong ibang ginawa kun'di magpabalik-balik sa paglalakad habang maya't-mayang cheni-check ang cellphone ko kung may tumawag. Baka kasi ano mang oras ay kontakin na ako ng mga holdapper kaya kahit saan ako pumunta ay dala-dala ko lagi ang cellphone ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Maggie. Mababaliw na yata ako." Hinimas-himas lang ni Maggie ang likod ko para pakalmahin ako. "Magiging okay din ang laha----" Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko mula sa ibabaw ng mesang nasa harap lang namin. "Sorry, phone ko iyon Maty." Oo nga, iyong cellphone niya iyong um

