"Ano na Maty! Bilisan mo! Eight thirty na oh! Trenta minutos pa ang byahe natin! Baka naman inugat na si Milky sa kakaantay sa'tin!" Sigaw iyan ni Maggie habang kinakatok ako mula sa labas ng banyo. Anak ka naman kasi ng pinisat na kuto! Sa sobrang pagkamangha ko kay Mr. Uno Hernandez na sumundo lang sa anak ko kanina, nakalimutan ko tuloy na may sinalang nga pala ako sa oven. Nang makaalis na sila ng anak ko kanina at nangangamoy sunog na dito sa loob ng bahay, saka ko lang talaga pesteng naalala! Pagdating ko sa kusina para na akong nasa heaven dahil panay usok na lang ang nakita ko! Mabuti na lang talaga hindi pumutok, kun'di nayari pa ako! Ayon tuloy, naghanda pa ako ng panibago kasi walang aalmusalin si Dr. Victorina na gaya ko ay napasailalim din ng karisma ni Mr. Hernandez. N

