"May sakit ba iyang prutas at ini-injectionan mo? Kaloka Matutina ha! Hanggang ngayon di ka pa rin nakaka-move on." Hiringgilya na pala pinanghihiwa ko sa mansanas. Di ko kasi namalayan dahil nakatutok ang mga mata ko sa telebisyon. Matapos ang anim na taon, nandito pa rin ako sa mansyon ni Dr. Victorina. Two years ago pang namatay ang anak niya na inaalagaan ko pero imbes na paalisin dahil wala na naman akong kailangang trabahuhin, heto't kinuha niya na lang akong katulong. Tutal pareho lang naman sa sahod ko dati plus libre tira at kain pa kaya tinanggap ko na. Oh diba, kahit hindi ko sariling bahay feeling sosyal ako kasi sa bonggang bahay ako nakatira. Iyon nga lang hindi bilang amo kun'di katulong. "Lumaklak na ko ng samo't saring anestisya Maggie pero wala namang nangyari! Kapag n

