As they say, time flies so fast when you are in love and enjoying life with the one you love. Nakapaglipat na kami ng mga gamit ko sa condo namin ni Dondon ko. I said goodbye sa apartment na tinirahan ko for almost 6 years. Malungkot man na aalis na ako sa apartment pero mas masaya ako dahil magkasama na kami ni Dondon ng bahay. Mag uumpisa na kami ng aming buhay mag asawa sa condo. Naayos na din namin ang mga kailangan para sa church wedding namin na gaganapin sa Bulacan sa makasaysayang Malolos Cathedral on September 1. Same date nang sinagot ko si Dondon almost 11 years ago. A week after ng 27th birthday ko. Gaya nga ng sinabi ko, gusto ko lang ng simpleng kasal. Immediate family lang namin ang invited. Noong una ay ayaw nila Mama at Papa na konti lang ang invited pero pumayag na din

