Nakita ko agad sa labas ng Emergency Room ang pulis na nakausap ko sa phone kanina. "Where's my wife? What happened to her?" Hindi ko napigilang mapasigaw sa pulis na kaharap ko. "Mr. Montenegro, kalma lang po." Sagot ng pulis. "How can I f*****g calm down when I don't even know what happened to my wife?" Nagpapanic kong sagot sa kaharap ko. "Nasa loob po siya ng ER. Nabunggo po siya ng SUV sa parking lot ng building na pinagtratrabahuhan niya. Lasing po yong driver ng SUV na nakabangga sa kanya." Paliwanag ng pulis sa akin. "Where is that bastard? I'm going to kill him." Mangiyak ngiyak kong saad. "Dondon!" Narinig kong sigaw ni Papa. Tinawagan ko siya kanina on my way to Makati Med dahil nandito sila nina Mama at Jimmy sa Makati for a meeting earlier. Isusurpise nga dapat nila

