Dondon's POV "Lord, I don't usually ask anything from you coz bago pa man po ako humingi, ibinibigay nyo na po sa akin ang nasa sa isip ko and I am very thankful to you for that." Usal ko. Nakaupo ako sa loob ng chapel na malapit sa ICU na pinagdalhan kay Mariel ko. Sina Mama at Papa naman ay nasa waiting room sa tabi ng ICU kung saan pwedeng magstay ang mga kapamilya ng mga pasyenteng nasa ICU. Si Jimmy naman ay ilang oras ng nakaalis papuntang Bulacan para sunduin si Nanay Minda. Malamang pabalik na sila dito. "Lord, but this time po, nakikiusap po ako sa inyo na huwag nyo pong pabayaan si Mariel ko at ang magiging baby namin. Nag uumpisa pa lang po akong bumawi sa Asawa ko for all those years na lumayo ako sa kanya. Kaya sana po, Lord, please po let me keep Mariel and our baby. Let

