Nagising ako dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa pisngi ko na nanggagaling sa bintana. Anong oras na ba? Tatayo sana ako ng maramdaman kong may mabigat na nakadagan sa baywang ko at sa may ibabang bahagi ng katawan ko. Ang Dondon ko. Tulog na tulog ang Asawa ko habang nakayakap sa akin at nakadantay pa ang hita niya sa akin. Mukhang napagod. Kasi naman bukod sa siya ang nagmaneho kanina ay pinanay na naman niya kasi ako. Talagang desididong humabol sa gusto niyang quota. Nangiti ako nang maalala ang pag-make love namin pagdating namin kanina dito sa rest house. Pareho pa kaming nakahubad at tanging kumot lang ang nakatakip sa amin ngayon. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Gaya sa condo, may mga litrato ko na nakacollage sa pader na may blangko ding space sa

