Huwebes nang madaling araw kami umalis ng Bulacan kasabay nina Mama at Papa papuntang Batangas. Sina Mama at Papa ay uuwi sa bahay nila sa Batangas City samantalang kami naman ni Dondon ko ay sa rest house sa Matabungkay pupunta. May sariling SUV sina Mama at Papa na si Papa ang nagmamaneho. Isinasama nga namin sina Nanay, kaso saka na lang daw para naman daw maenjoy namin ni Dondon ang honeymoon namin. Everything that’s happening so far was beyond what I have dreamt and prayed for. Hindi ko alintana ang haba ng byahe at traffic na sinuong namin sa SLEX dahil katabi ko ang pinakamamahal kong asawa. Ung dating napapanaginipan ko lang ay eto na sa tabi ko na nakangiti habang nagmamaneho. "Yang ngiti na yan ang sinasabi kong paminsan minsan e ipapakita mo sa staff mo to motivate them.

