Halos dalawang oras din ang naging byahe namin mula Lian papunta sa bahay nila Dondon sa Batangas City. Ito ang unang beses na makakarating ako sa bahay nila kaya clueless ako kung ano ang madadatnan ko dun. Upon seeing the rest house pati na ang mga sasakyang gamit ni Dondon at ng mga magulang niya, napaisip ako kung ano ba talaga ang estado sa buhay nina Dondon. Pumasok si Dondon sa isang exclusive subdivision. Kinawayan pa nga siya ng gwardiyang nakabantay sa entrada ng subdivision na dinaanan namin. Halos magagarbong bahay ang nadaanan namin which makes me wonder more kung ano ba talaga ang estado sa buhay nina Dondon. After ng ilang pagliko liko ay bumusina muna siya bago pumasok sa nakabukas na malaking gate na kulay brown. May mga sasakyang nakapark sa labas ng bakuran. Compared s

