Past 8pm na nang matapos ang "munting salo-salo" dito sa bahay nina Mama at Papa. Pagod man pero lahat naman kami ay masaya. Hindi ako nasolo ni Dondon ko simula ng dumating kami kanina dahil nagsalitan sina Mama at Papa at sina Jimmy at Charie sa pakikipagkwentuhan sa akin bukod pa yung pakikipagkwentuhan sa akin ng mga kasama nila sa bahay. Saka sa bawat dumating na bisita ay agad akong pinapakilala nina Mama at Papa. Natanong ko na din si Charie at nabigyan na din niya ako ng mga tips about sa mga "rules and routines" dito sa bahay nina Mama at Papa. Nahihiya kasi akong magtanong kay Dondon ko kaya kay Charie na ako naglakas ng loob na nagtanong tutal pareho naman kaming manugang nina Mama at Papa. May common denominator kami kumbaga. She doesn't mind naman dahil sabi nga niya, mas ma

