Iniintay na namin ni Dondon si Lito sa veranda para pumunta sa mall ng tanungin ko siya. "What made you decide to come back to me, Love?" Si Nanay ay nasa tindahan kasama si Tita Nina. Si Tita Nita naman ay umalis kasama ng kaibigan niya na sumundo sa kanya. "Matagal ko nang balak bumalik sayo, Love, kaso lagi kong naaalala ung sinabi mo kay Ate Lori na sana bigyan kita ng 8 to 10 years man lang para matupad ung mga pangarap mo. Dapat nga sa birthday mo. I will suprise you kaso I saw someone who made me decide to come back as soon as possible ahead of my plan." "Sino?" Tanong ko kay Dondon. Sasagot sana siya ng biglang lumitaw si BFF June sa harapan namin at nagsalita. "Hi, Mariel. Sorry to disturb you. Tita Nita said na andito ka sa veranda kaya pinadiretso na niya ako dito." Ani

