We spend the whole afternoon sa mall. Sabi nga ni Dondon, malaki na daw ang pinagbago ng lungsod namin. Dati daw walang pasyalan dito. Ngayon daw kabi kabila ang mga mall at kainan. Syempre holding hands kami while walking kami ni Dondon ko. Third wheel si Lito na nakasunod na naglalakad sa amin. Naglunch muna kami sa isang eat all you can na restaurant. Ayaw pumayag ni Dondon na magchip in ako sa pagbayad sa bill namin. Part daw un ng pagbawi niya sa akin. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Pero nung sinabi niya na siya na ang magbabayad ng cellphone ni Lito ay hindi ako pumayag. Kahit anong pilit niya, I stood firm na ayaw ko. Kaya nagcompromise na lang kami na paghatian ung bayad sa binili kong cellphone ni Lito. Binili namin pala. We went home around 5pm. May mga take out food n

