CHAPTER 6

1244 Words
Dahil nga Friday, gabi na din akong nakarating sa amin sa Bulacan. Past 9pm na ako nakauwi sa bahay dahil sa traffic kahit saktong 5pm ay nag out na ako sa opisina. Kunsabagay mas maaga pa din tong uwi ko na to kung ikukumpara sa mga ibang uwi ko lalo na pag umuulan at usad pagong ang mga sasakyan sa EDSA dahil sa bumper to bumper na traffic o kaya ay may aksidente or baha sa NLEX.  Nasanay na din ako sa ganitong buhay ko bilang promdi na nagtratrabaho sa Metro Manila.   Nakakapagod man pero tyagaan na lang.  Atleast may sarili akong kotse, si Swiftie, at hindi ko kailangang makipagsiksikan sa bus or pumila ng pagkahaba haba sa UV Express para lang makauwi sa amin dito sa Bulacan. Swiftie ang pet name ko sa kotse kong Suzuki Swift na kulay pula na paborito kong kulay. Saka hindi pa ako pwedeng tumigil sa pagtratrabaho dahil may mga responsibilidad pa ako kina Nanay at pinapag-aral ko pa si Lito na mag-college na sa next school year. Besides, I still love what I am doing at may sense of fulfillment pa din naman akong nararamdaman sa pagtratrabaho ko. Higit sa lahat nalilibang nito ang isip ko para di ko masyadong mamiss ang taong hinihintay kong bumalik all these years.  Malayo pa lang ay tanaw ko na ang ilaw sa poste sa tapat ng bahay namin. Tanaw ko na din ang sinag ng ilaw na nakasindi na sa kwarto ko mula sa bintana nito. Nasa 2nd floor kasi ang kwarto ko.  Sa ibabaw ng tindahan namin kaya tanaw ito mula sa kalsada. At as usual, natatanaw ko na din ang puting Fortuner na nakapark sa harapan ng dating bodega ng softdrinks sa tabi namin na ngayon ay abandonado na. Sa tuwing uuwi ako sa amin every Friday ay lagi kong inaabutan ung puting Fortuner na un na nakapark sa harap ng dating bodega. Medyo matagal na din na napapaisip  ako kung coincidence nga ba o hindi na andyan yan every Friday pag umuuwi ako. Ilang buwan na ding nakakalipas ng minsan ay tinanong ko na din si Lito kung kilala niya ang may ari ng Fortuner. Sabi nga ng pinsan ko ay hindi pa niya nakikita kung sino ang driver ng nasabing sasakyan dahil masyadong tinted ito. Hindi kita mula sa labas ang loob nito. Mula noon ay inobserbahan na namin ang Fortuner.  Napansin namin na pag nakapasok na ang kotse ko sa gate ay maya maya lang ay aalis na ang puting sasakyan. Noong una ay naisip ko nga na baka nagkataon lang. Pero ilang buwan na din namin itong inobserbahan ni Lito. Pinamonitor ko na nga kay Lito ung puting Fortuner na un. Kwento nga ng pinsan ko, mga bandang 7pm tuwing Friday lang niya napapansin na nagpapark ung Fortuner sa harap ng bodega. Aalis lang pag naipasok ko na ang kotseng gamit ko sa gate namin. Sa ibang araw naman daw ay wala ito.  Sige tignan nga natin kung tama nga ang kutob namin ni Lito, sa loob loob ko. Last weekend ay napag usapan namin ni Lito na papatunayan namin ngayong Friday kung tama ung observation namin about sa Fortuner. Kanina ko pa tinext si Lito para sabihin na malapit na ako sa bahay kaya pakibuksan na niya ang gate. Matapos kong magmenor at bumisina ay dirediretso ko nang ipinasok si Swiftie sa bakuran namin. Pagkapark ay agad agad akong bumaba ng kotse. Sakto naman ay siyang daan ng puting Fortuner. Nagkataon lang ba talaga? Pakiramdam ko kasi na tila sinisigurado lang ng kung sinumang sakay ng Fortuner na yon na nakauwi na ako ng bahay namin. Lalo akong nahiwagahan sa kung sino siya. Kilala ko ba siya?  "Ate Mariel, nagdaan na ung Fortuner." Bungad sa akin ni Lito pagkatapos niyang maisara ang gate namin.  "Oo nga. Nakita kong nagdaan na. See you on Friday na naman sa kanya ulit kung sino man siya." Tugon ko sa pinsan ko habang binubuksan ang pinto sa back seat ng kotse para kunin ang mga gamit ko.  "Ako na dyan, Ate Mariel. Ako na bahalang magpasok sa bahay ng mga gamit mo." ani ni Lito.  "Sigurado ka?"  "Oo, Te. Kanina ka pa hinihintay ni Nanay Minda." tugon ni Lito.  "Sige. Salamat ha. May uwi nga pala akong pizza. Paborito mo. Andyan sa kotse." "Talaga, Te Mariel! Salamat ha." Natutuwang tugon ni Lito sa akin.  "Sus, para kang others. Sige na. Pasok na ako sa bahay." Nginitian lang ako ni Lito at nag umpisa ng ilabas ang mga dala kong gamit sa kotse. Ako naman ay pumasok na sa loob ng bahay namin. Dinatnan kong nanonood ng TV sina Nanay at ang mga Tita ko. Matapos kong magmano sa kanila ay tumabi akong umupo kay Nanay sa sofa.  "Kumain ka na muna, anak." Ani ni Nanay sa akin.  "Mayamaya na, Nay. Upo lang po muna ako sandali.  Kakapagod mag drive. May uwi nga po pala akong pizza."  "Traffic na naman ba?" Tanong ni Tita Nita sa akin.  "Opo, Tita. Lagi naman pong traffic tuwing Friday. Uwian ng mga tulad kong promdi." Sabay tawa ko.  “Ay nga pala, Mariel, may delivery ka na naman. Andun na sa kwarto mo." Saad naman ni Tita Nina. "Ako nakareceive kanina kaya diniretso ko na sa kwarto mo." Napakunot ako ng noo. "Delivery, Ta? Wala naman akong order." Tugon ko kay Tita Nina.  "Hindi ung delivery sa online shopping. Ung isang delivery na natatanggap mo buwan buwan. May kasama pa ngang chocolates ngayon ung mga bulaklak. Wala na namang card kung kanino galing." Sagot sa akin ni Tita Nina.  “Anak, hanggang ngayon ba ay hindi pa din nagpapakilala sayo kung sino yang nagpapadala ng mga bulaklak?" Tanong naman sa akin ni Nanay.  Isa pa yang delivery na yan. Mag 3 years na nang simulang may nagpapadala sa akin ng mga bulaklak. Dito sa bahay at sa opisina. Tinawagan ko na nga ung pinagbilhan na flower shop pero sila man ay walang maibigay sa akin na pangalan ng nagpapadeliver sa akin. Ang naibigay lang nilang info ay may nakaplaced ng order for delivery sa pangalan ko every month.  "Hindi pa nga, Nay. Mag tatlong taon na nga yang delivery na yan. Kung sino man siya, eh malaki laking halaga na din ang nagagastos niya sa mga pinapadala niya sa akin pero until now anonymous pa din siya. Hindi pa din nagpapakilala. Kada isang buwan e nakaka tatlong libo siya ng nagagastos sa akin o higit pa kung iisang tao lang din nga yang nagpapadeliver na yan dito sa bahay at sa opisina." Tugon ko kay Nanay.  Ang daming misteryo sa buhay ko.  Nakakasakit na ng ulo. Una ung puting Fortuner, then ung nagpapadeliver ng mga bulaklak and lastly, ung laging nagtetext sa akin araw araw ng "Good morning." Oo may mysterious textmate din ako. Simula ng nagcollege ako at nagkaroon ng sarili kong cellphone, nagumpisa ung pagtetext sa akin ng "Good morning." Puro good morning lang naman.  Ang tawag ko nga sa kanya ay si "Anonymous".  Ilang beses ko ding sinubukan na tawagan si “Anonymous” pero hindi nito sinasagot o kaya busy tone lang madalas. May mga pagkakataon din naman na tinatawagan niya ako pero hindi siya nagsasalita. Parang pinakikinggan lang niya sandali ung boses ko tapos nag eend call na siya. Nakakaloka na. Isang tao lang ba sila o iba iba? Hay naku, bahala sila sa buhay nila. Nakakainis sila dahil ginugulo nila ang utak kong matagal ng magulo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD