CHAPTER 7

1553 Words
It's Friday again pero hindi ako umuwi ng Bulacan. Napagpasyahan ko na bukas na lang ako uuwi ng madaling araw para makaiwas sa traffic. Long weekend kasi dahil holiday sa Lunes kaya tiyak mas matinding traffic ang susuungin ko than the usual pag umuwi ako ngayong gabi. Pero may iba pa akong dahilan kung bakit ipinagpabukas ko na ang pag uwi ko. Nasa apartment na ako. Mag 7pm na. Iniintay ko lang magtext si Lito.  Beep. Beep.  Tunog ng message alert tone ng cellphone ko. May text na galing kay Lito.  Lito: Ate Mariel, andito na si Fortuner. Kakapark lang.  Aba on time talaga tong si Fortuner. Consistent sa pagdating niya ng 7pm sa harap ng bodega.  Nagtype ako ng reply kay Lito.  Me: Sige. Hayaan lang natin siya dyang maghintay sa wala. See you bukas, Lito. Salamat. Nangingiti kong binaba sa side table ko ang cellphone ko. Bukas makukumpirma ung kutob ko sa Fortuner na yan. Iyon ang dahilan kung bakit nagdecide ako na bukas na lang umuwi sa amin para makumpirma kung ako ba talaga ang inaabangan o binabantayan ng kung sino mang nakasakay sa Fortuner na yon.  Alas kwatro y medya ng umaga ako umalis ng apartment. Walang masyadong traffic sa EDSA man o sa NLEX though medyo puno ang mga parking lot sa mga gas station along NLEX ng mga byahero. Going north siguro to spend the long weekend. Maybe Baguio or Pangasinan or Zambales, naisip ko. Huminto muna ako sa gutter ng kalsadang malapit sa Tabang tollgate na pag eexitan ko. Mag 6am na. Tinext ko si Lito.  Me: Malapit na ako. Andyan pa ba si Fortuner? Agad namang nagreply ang pinsan ko.  Lito: Opo, Ate Mariel. Kakalabas ko lang para tignan siya. Andito pa po siya.  Me: Sige. Itext ulit kita mamaya pag bubuksan mo na ung gate. Reply ko kay Lito. Ganoon nga ang ginawa ko ng makarating ako sa bayan ay tinext ko na si Lito para buksan na ang gate.  Dalawang kanto pa mula sa bahay namin ay natanaw ko na ang Fortuner. Andun nga ito sa harap ng bodega. Bumusina muna ako saka dirediretso kong pinasok si Swiftie sa nakabukas ng gate namin. At sakto. Pagbaba ko ng kotse ay siya namang daan ng Fortuner sa tapat ng bahay namin.  Confirmed. Ako nga ang binabantayan or hinihintay ng kung sino man na sakay ng puting Fortuner na yon. Pero bakit?  Sino ka nga ba talaga?  Nakipag appear pa sa akin si Lito matapos niyang isarado ang gate namin.  "Tama nga ang kutob mo, Ate Mariel. Lodi talaga kita. Ang talino mo talaga." ani sa akin ni Lito na ngiting ngiti.  "Lodi ka dyan. Sige na matulog ka na ulit pagkabukas mo ng tindahan. Ako na muna ang tatao sa tindahan tutal hindi naman ako inaantok na."  "Sige, Te Mariel. Salamat. Napuyat din kasi ako sa Fortuner na yan. Sinilip ko pa kaninang hatinggabi kung andyan pa siya. At andyan pa nga. Hindi siya umalis." kwento pa sa akin ni Lito. "Pero sino nga kaya un, Te? Tiyak hindi din nakatulog yun ng maayos sa paghihintay sa pag uwi mo. Nakakaawa siya at hanga din ako sa kanya kasi matiyaga siyang naghintay sayo."  "Desisyon naman niya yung hintayin niya ako dun sa sasakyan niya. Kung ba naman magpakilala na lang siya sa akin para matapos na yang pagtyatyaga niya. Pwede namang dito siya sa loob ng bahay maghintay sa akin. Pa-mysterious effect pa kasi siya. Pero wag kang mag alala, Lito. Malapit na nating malaman kung sino siya. May plano na ako para sa kanya next Friday." Nakangiting sagot ko kay Lito.  **************************************************************************************** Driver ng Fortuner's POV Bakit wala pa si Mariel? Anong oras na ba? Mag 11pm na e hindi pa siya nakakauwi sa bahay nila. Baka may nangyari na sa kanya. Usually naman 9pm lang nakikita ko na siyang pumapasok sa gate nila sakay ng kanyang pulang Suzuki Swift. Kunsabagay traffic ngayon dahil long weekend. Mas matindi ang traffic than the usual Friday traffic.  Nakatulugan ko na pala ang paghihintay sa paguwi niya. Naalimpungatan ako sa pagbusina niya. Past 6am na. Ngayon pa lang siya nakauwi. Umiwas siguro siya sa traffic kagabi kaya ngayon niya napagpasyahan na bumyahe. Di bale nang dito ako sa Fortuner nagpalipas ng gabi at hindi nakatulog ng maayos, masigurado ko lang na nakauwi siya ng ligtas. Nakita ko pa siya na nakababa na sa kanyang pulang Suzuki Swift pagdaan ko sa harap ng gate nila.  Sa tuwing nakikita ko ang pulang kotse niya ay hindi ko mapigilang mangiti dahil pati sa kotse niya ay ang favorite color niyang red pa din ang pinili niya.  Til next Friday ulit, mahal kong Mariel. Konting panahon na lang at magpapakita na ako sayo. **************************************************************************************** "Pagbilan po." Narinig kong tawag mula sa tindahan.  "Sandali lang." Sagot ko sa bumibili.  Toka ko ngayong tumao sa tindahan. Yan ang routine ko pag nandito ako sa amin. Kasalukuyang natutulog si Nanay at sina Tita. Si Lito naman ay nagpaalam na pupunta sa bahay ng classmate para gumawa ng project nila. Graduating na kasi si Lito ng highschool kaya maraming projects na tinatapos.  Paglabas ko ng tindahan ay isang lalake ang andun.  Kapansin-pansin na may itsura ang lalake na nakamaong pants at gray t-shirt. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Familiar ang mukha niya pero hindi ko matandaan kung sino siya or kung saan ko siya nakita.  "Ano po bibilin nyo?" Tanong ko sa lalake. Nakangiti pa rin itong nakatingin sa akin.  "Ah, eh, di ba ikaw si Mariel?" Tanong nito sa akin.  "Ah Oo, ako nga si Mariel.  Bakit?" Nagtataka akong sumagot sa kanya. Nakangiti din ako sa kanya though at the back of my mind andun ung tanong ko na, kilala niya ako? "Sabi ko na nga ba, ikaw si Mariel. Ung dating kababata ko noong nagbabakasyon ako dito kina Lola Auring nung bata pa ako." Pahayag ng lalake sa akin. "Hindi mo na ba ako natatandaan, Mariel?"  Agad akong napaisip. Teka Lola Auring daw niya. Kababata ko daw siya. Siya na ba si…  "June. Ikaw na nga ba si June?" Bigla kong tanong sa kanya nang maalala ko ang dati kong kalaro tuwing bakasyon noong bata pa ako..  "OO, Mariel. Ako nga si June. Ung madalas nakakapagpaiyak sayo nung mga bata pa tayo." Nakakamot ulo pang tugon nito sa akin.  "Kaya pala kanina nung makita kita e parang pamilyar kako ung mukha mo. Hindi ko lang maisip kung saan kita nakita. Kasi nga huli tayong magkita e mag 10 years old pa lang yata ako nun." Pagbabalik tanaw ko.  "Oo nga. Matagal na din ng huli tayong nagkita.  Ganoon pa man, madalas ka namang ikwento sa akin ni Lola sa tuwing nagkikita kami.  Hindi naman kita natyetyempuhan dito pag dumadalaw ako kina Lola nung nakakaraan dahil sa Manila ka na nga daw naglalagi. Buti pala naisipan kong bumili ngayon dito sa tindahan nyo. Naswertehan kong makita ka." Saad ni June.  "Tuwing Friday lang kasi ako nauwi dito then Monday luwas na ulit." Nakaupo na kami sa isa sa mga bangko na nasa loob ng tindahan.  Marami kaming napagkwentuhan ni June. Nagbalik tanaw din kami sa aming kamusmusan. Nalaman ko din na isa na siyang engineer ngayon at nagwowork sa Quezon City. Single pa din siya. Pero may nahalata ako. May something different sa kanya. Napansin ko ung mga mannerisms nya na medyo malambot at mga beki terms na ginagamit niya habang nakikipagkwentuhan sa akin. Bukod pa sa pumipilantik nyang mga daliri. Saka nung may bumili na gwapong lalake, tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Medyo nagpa cute pa nga siya. Pero nung may magandang babae na bumili, Ay, deadma lang siya. I was tempted to ask him kung gay ba siya pero dahil nga kakakita pa lang namin ay naunahan na ako ng hiya. Naputol lang ang pag-uusap namin ni June ng tumunog ang cellphone niya.  "Excuse me, Mariel. Kailangan ko lang sagutin to." Ani ni June sa akin. "Sige lang.  No worries." Tugon ko sa kanya.  Pinagbilan ko din muna ung kakapasok lang na customer. Naunang natapos makipag usap si June sa tumawag sa kanya kaya inintay niya akong matapos pagbilan ung pumasok na customer.  "Mariel, I need to go. Something came up sa site. Need kong bumalik agad ng Manila. Can I have your cellphone number?" Sabay abot sa cellphone niya sa akin.  Wala naman akong nakitang masama sa paghingi niya ng number ko at para hindi ko ibigay sa kanya ung number ko kaya kinuha ko ang cellphone niya at tinype ko dun ang number ko saka ibinalik sa kanya.  "Thanks, Mariel. Will text you later para maisave mo din ang number ko. Alis na ako. Glad to have talked to you. Bye, Mariel." Pagpapaalam ni June sa akin.  "Ok. Thank you din. Ingat." Sagot ko sa kanya. Palabas na siya ng tindahan ng biglang bumalik ulit ito.  "Ah, Mariel. Aakyat ako ng ligaw sayo sa Friday ha. See you then." At mabilis itong umalis. Hindi ko na nagawang sumagot pa sa sinabi ni June. Napasabunot na lang ako sa ulo ko habang nakaupo sa loob ng tindahan namin.  Hindi ko mapigilang isipin na eto na naman ang isang taong masasaktan ko dahil sa hindi pa ako nakamove on.  Hay naku, Mariel.  Naiinis tuloy akong napatanong sa sarili ko...Nasaan ka na ba kasi Dondon? Babalikan mo pa ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD