Ten
Pagkauwi ko sa bahay ay nakita ko si Nanay sa living room at hinihintay yata ako. Sinabi ko sa kaniya ang pagpunta namin sa Bicol ng mga kagrupo ko. Noong una ay ayaw akong payagan dahil baka daw malaman ito nila Mommy and Daddy atsaka masyadong malayo pero disidido na talaga ako, I don't want to disappoint Kaius and everyone kaya gagawin ko lahat para makasama ako.
Naligo ako para hindi na ako magmadali mamayang madaling araw. It was 8 pm nang matulog ako, nagset muna ako ng alarm ko to 12 am. Nakapagayos na rin naman ako ng gamit kaya magbibihis na lang ako mamaya paggising.
~
Exactly at 12 am nagising ako dahil tumatawag na rin sila Ashley, maghanda na daw ako. Nagmadali akong magbihis, I'm wearing a white turtleneck, brown trousers and white sneakers then I put a white head band with my hair down.
Bumaba ako at nagulat ko nang andoon na si Nanay sa living room.
"Nanay bakit po gising na kayo?" tanong ko.
"Aba siyempre titingnan kong makaalis ka, magiingat ka ha umuwi ka rin agad. Naiintindihan mo ba ako, iha?"
"Opo Nanay, kayo rin po ah kumain kayo mabuti." hinalikan ko siya sa pisngi.
Habang naguusap kami ni Nanay ay biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag sila sa group chat.
"Princess Aice, we're outside." si Kaius.
"Grabe naman 'tong bahay ng prinsesa namin, rich kid ka talaga." sigaw ni Vince.
"Manahimik ka Vince, labas na prinsesa namin. Andito na body guard mong si Vince." asar ni Ashley.
"Aicelle tara na, bilis!!" si Cesha.
"Rinig na rinig ko kayo dito ah. Sana hindi na kayo tumawag 'diba?" pabiro kong sabi, nagtawanan kami.
Lumabas ako at hinatid ako ni Nanay hanggang sa labas. Ramdam ko ang lamig nang lumabas na ako, gusto kong bumalik sa loob para kumuha ng jacket pero nagmamadali na kami. Yinakap ko na lang ang sarili ko.
Nakita ko si Vincent sa tapat ng gate kaya siya ang unang nakapansin sa paglabas ko. Ngumiti ito at kumaway sa akin kaya kumaway rin ako.
"Pre 'yong prinsesa natin lalabas na sa mansiyon." natatawang sabi ni Vince.
Napatingin naman sa akin sila Kaius, Cesha at Ashley. Lumapit sila at nagmano kay Nanay at kinuha naman ni Kaius ang dala kong gamit. He's wearing a white turtle neck too na may nakapatong na brown mid length trench coat and a gray denim jeans with his usual worn out sneakers. I can't believe na parehas nanaman kami ng outfit, somewhat.
"Nanay mauna na po kami. Don't worry too much, they will take care of me. I'll be home before Mom and Dad, I promise." yinakap ko siya.
"Mag iingat kayo." nakangiting sabi ni Nanay.
We bid our farewell at isa isa kaming sumakay sa kotse. Nasa loob na ako ng kotse pero nilalamig pa rin ako.
"Si Jansen na lang ang susunduin natin." sabi ni Ashley.
I think I'm gonna freeze to death. Hindi ko akalaing ganito kalamig, nagsisisi akong hindi ako nagdala ng jacket. I looked at everyone and they all look cozy and warm. Busy ako sa pagkiskis ng palad ko nang ipatong ni Kaius ang coat niya sa akin.
"Nilalamig na ang prinsesa namin. Sana nagdoble ka ng damit, sobrang lamig pa naman." seryosong sabi nito.
"I didn't know it would be this cold, hay." i'm starting to feel warm."Kaius paano ka? I bet you're cold too."
"Okay lang, ang mahalaga you're not. Itetext ko si Jansen, hihiram na lang ako ng extra jacket." nakangiting sabi nito at nagsimulang magpindot sa phone niya.
Lumapit si Kaius sa akin at umakbay. Hinayaan ko lang siya para hindi siya lamigin din. Tiningnan ko ang mga kasama namin. Si Cesha ay nakatulog na sa likod at si Ashley at Vince naman naguusap sa harap. After ilang minutes na byahe ay huminto kami sa bahay nila Jansen. Naghihintay na siya sa labas habang may hawak na jacket. Tumakbo ito papalapit sa sasakyan at binuksan ni Kaius ang pinto.
"Kaius ito na 'yong jacket." sabi ni Jansen bago umupo sa tabi ni Cesha.
"Thank you, pre." nakangiting sabi ni Kaius.
"All right we are all here. Si Sir Anthony bukas pa siya pupunta dahil may aasikasuhin pa para sa ibang iaabot nating tulong." sabi ni Ashley.
"Kaius and Cesha matulog muna kayo para makapagswitch mamaya sa pagd-drive. I'll keep Vince company para hindi siya antukin kaya matulog ka na rin para mamaya may company rin si sa Kaius habang nagmamaneho." dagdag niya.
"Ash hehe may nakalimutan pala kami." sabi ni Vince habang umuusog palayo kay Ashley."Nalimutan kasi naming bumili ng pagkain natin."
"Ano!!!" sigaw ni Ashley. Napalayo ako sa sobrang lakas ng sigaw niya. Huminto si Vince sa pagmamaneho dahil baka masuntok siya nito.
"Sorry na nga, boss. Bili na lang tayo sa malapit na convenience store." depensa naman ni Vince.
"Wow ang dami mong pera ah makasuggest ka ng ganiyan? Ikaw magbayad lahat ng pagkain na bibilhin natin." inis na sabi ni Ashley.
"Boss naman, ni piso nga wala ako." angal nito habang nagkakamot ng ulo.
"Ako na lang guys." prisinta ko.
"Talaga? Wow ang galante naman ng prinsesa namin." tuwang tuwa na sabi ni Vince.
"Manahimik ka diyan, Vince. Huwag na Kade ikaw na nga nagabono ng kulang sa pinang grocery niyo ni Kaius." sabi ni Ashley habang pinaghahampas si Vince.
"Weh? Nagkulang 'yong funds natin? gulat na tanong ni Cesha. Tumango naman si Ashley at mukhang problemado.
"Okay lang guys. I don't want you to starve though. Let's drop by the nearest convenience store." nakangiting sabi ko. Aangal pa sana sila pero sinalpak ko na ang earphones sa tainga ko.
~
We dropped by the nearest 7/11 at bumaba kaming lahat.
"Guys get anything you want. Damihan niyo na rin dahil matagal ang biyahe." sabi ko habang kumukuha ng basket.
"Ako na magbubuhat." kinuha ni Kaius ang hawak kong basket. Sa junk food aisle kami nagpunta habang sila Vincent at Ashley sa drinks tsaka coffee at sa pre heated meals tsaka mga biscuits naman sila Jansen at Cesha.
Kinuha ko na yata lahat ng junk foods na makita ko kaya pinahinto ako ni Kaius sa pagkuha ng iba pa.
"Panic buying ka ghorl?" tanong niya. I stared at him and we burst out laughing. Umalis kami sa aisle na 'yon at napadaan kami sa drink section. Nakita namin si Vince na naglalagay ng slurpee pagkatapos ay iinumin niya 'to at lalagyan ulit.
"Huli ka balbon." panggugulat ni Kaius sa kaniya. Nagulat naman ito at muntik pa matapon ang slurpee niya.
"Nakakainis naman kayong dalawa. Akala ko kung sino na." sabi niya habang nakahawak sa dibdib.
"Ang buwakaw mo pre kapag nakakuha na magbayad na. Hindi 'yong nagrerefill ka pa diyan. Unli refill ka ghorl?" napalakas ang tawa ko sa sinabi ni Kaius.
"Iyong hotdog nga doon kinagatan ko." natatawang sabi ni Vince. Nagulat ako dahil sa sinabi niya, baliw na 'to.
"Pft pre gusto mo sumbong kita." nagpipigil ng tawang sabi ni Kaius.
"Paano naman kasi tingnan mo si ateng cashier ang sarap ng tulog, buti nga hindi ko kinagatan lahat." halos humiga sa sahig si Vince sa sobrang lakas ng tawa niya. Natawa rin ako pero this feels so wrong. Nilapitan ko siya at pinisil ko nang madiin ang pisngi niya.
"Kunin mo 'yon, Vince. Kailangan nating bayaran 'yan, mga pasaway." umiiling na sabi ko.
"Aray ko naman, Kadence." angal niya."Pre 'yong prinsesa natin sinasaktan ako." pagsusumbong nya kay Kaius.
"Deserve?" natatawang sabi ni Kaius at tumawa rin ako. Habang si Vince ay nagmamaktol tsaka lumayo sa amin. Dumiretso kami sa cashier at saktong andoon na rin sila Jansen at Ashley hawak hawak ang kani kanilang basket. Si Vince naman ay nasa ice cream stand kasama si Cesha.
Tinapik ko ang cashier dahil hindi pa rin ito nagigising. Nagkusot kusot ito ng mata at tiningnan kami.
"Ay sorry po Ma'am and Sir. Ito na po ba lahat?" she said.
"It's okay po." nakangiting sabi ko.
Iniscan niya ito lahat at binayaran ko tsaka kami lumabas. Kukunin ko sana ang ibang plastic kay Kaius pero ayaw niyang ibigay ito.
"Guys picture tayo." sabi ni Vince habang hawak hawak ang ice cream niya.
I can't believe he is eating ice cream nang ganitong oras. Kinuhanan niya kami ng picture gamit ang dslr niya kahit hindi pa kami ready. Kumuha kami ng iba't ibang klase ng picture na kala mo hindi kami nagmamadali.
"Isakay natin ang prinsesa sa cart." natatawang sabi ni Kaius.
"No!" sigaw ko sa kanila pero hindi nakinig si Kaius. Naghabulan kami hanggang sa maabutan niya ako. Binuhat niya ako habang si Vince naman ay busy magpicture habang ang iba ay tumatawa at sumakay naman si Cesha sa isa pang cart. Sinakay ako ni Kaius sa cart at nagsimulang itulak ito, walang tigil naman sa pagpicture si Vince sa aming dalawa tsaka sa iba pa naming kasama.
"Hoy huwag niyong sakyan 'yan." sigaw ni Manong guard sa amin. Binuhat ako ni Kaius pababa at sabay sabay kaming nagtakbuhan papunta sa sasakyan. Pagkapasok namin ay inistart agad ni Vince ito at tumatawa kami habang hinihingal.
This is the best night I have ever experience. I feel like this is my first time breaking the rules and it was epic. I finally get to experience going out this late and do midnight drives because of them. I was smiling the whole time while I look each one of them.
Here start, our Midnight Memories.